MARY LYNELLE“Anak mag-iingat ka sa pupuntahan mong trabaho. Kung meron kang hindi magustuhan bumalik ka dito sa atin. Kahit mahirap basta nasa maayos lang ang lahat ng kalagayan ninyo ay ayos lang sa akin,” nag-aalala na wika ng kanyang Nanay."Opo nay! Wag po kayong mag-alala dahil sabi naman ni Nanet mabait daw ang mga amo niya kaya ‘wag na po kayong mag-alala,” sagot ko."Hindi ko maiwasan mag-alala anak," Ngumiti siya sa ina.“Nanay naman, basta po lahat ng ito ay para sa inyo. Alam kong mahirap dahil ngayon lang ako malalayo sa inyo pero kailangan po ng medyo malaki-laking sweldo. Lalo na sa maintenance ni Tatay kaya ‘wag niyo po ako alalahanin,” wika ko sabay yakap kay Nanay. Napalingon si Lynelle nang may kumatok sa kanilang pintuan."Aling Lina! Si Lynelle po? Nakahanda na ba siya?” tinig iyon ng aking kaibigan."Ay oo Nanet! Pasok ka muna at may kinuha lang sandali ang kaibigan mo,” sagot ni Nanay Lina."Bff re
Magbasa pa