MARY LYNELLE
Inaantok ako na gumising kinabukasan. Binaling ko ang paningin sa katabi ko sa kama. Wala na ito. Nakaligpit na ang kumot ni Nanet tanda na nauna sila magising, kasama ng dalawa namin kasama na kasambahay.Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Napasulyap ako sa banyo may naririnig akong nagbubuhos ng tubig tanda na may naliligo. ‘Si Nanet nga siguro?’ Sambit ko sa sarili.Umupo ako at niligpit ang mga ginamit ko sa pagtulog. Maya-maya biglang bumukas ang Cr at si Nanet nga ang lumabas. Nilingon ko ito at matipid na nginitian. "Magandang buhay, " wika nito."Gising kana pala besh, sarap ng tulog mo kaya ako muna ang naligo. Ikaw naman Besh, at nang makapag almusal na tayo! Bago umpisahan ang trabaho," sabi ng madaldal kong kaibigan.Kung hindi niya na a-alala siya ang dahilan ng puyat ko. Hindi nag papaawat sa chika minute sa mga pogi daw na anak ng boss namin kahit diko naman tinatanong sa kanya.‘Ano naman kung gwapo? Trabaho naman ang pinunta ko dito! Pero gwapo naman talaga! picture pa nga lang lakas na dating nito.’ anang isip ko.“Wait so ano Lynelle? Ibig sabihin aminado ka na pogi talaga?” mahina ko nasabi sa sarili. Hindi ko maiwasan ang mapatapik sa noo sa sumagi sa isipan ko.Binilisan ko ang pagligo. Naabutan ko si Nanet na nakaupo sa kama at nakabihis na ito pagkalabas ko ng banyo. Mukhang ako nalang ang inaantay nito. Kumuha ako ng damit at muli pumasok ng Cr at doon nagbihis at nag mamadaling nag-ayos sa 'kin sarili. Hindi ko nang pinagkaabalahan tumingin sa salamin.Maglilinis lang naman di na kailangan maayos ang postura. Pinasadahan ako ng tingin ni Nanet na tila kinikilig."Besh ganda mo talaga." Wika ng madaldal kong kaibigan."Matagal ko nang alam na maganda ako, nahuhuli kana sa balita.” Wika ko sabay napairap sa kanya."Tara na nga ano ano sinasabi mo. Labas na tayo at baka mapuntahan pa tayo ni manang ka'y bago ko sabihin tinatamad na ako." Nginisihan lang ng bruha. Sabagay simula elementarya magkaibigan na kami. Hindi nakakapagtaka sanay kami sa biruan sa isa't isa.Nawalan kami ng komunikasyon ng ito ay nagtrabaho sa Maynila at naiwan naman ako sa probinsya.Ayaw ko noon magtrabaho ng malayo kahit hindi kalakihan ang sinsahod sa grocery na pinapasukan ko. Ayos lang nakikita at nakakasama ko naman ang magulang at mga kapatid ko. Kung si tatay nga ang masusunod gusto din niya na nag-aaral ako.Nagsara kasi ang pinapasukan niyang pabrika. Nagpaubaya ako sa dalawa kong kapatid. Sila muna ang pag aaralin, bata pa naman ako.Makatulong din sa gastusin at dalawa pa silang sabay na nag aaral. Ang isa nasa kolehiyo at ang bunso naman ay nasa elementarya. Kahit tumigil ako sa pag-aaral, pangarap ko din bumalik pag okay na si Tatay. Sa ngayon ang pag galing muna niya ang iisipin ko.Pagkatapos namin mag almusal tinuro sa 'kin ni Manang ang araw-araw na gagawin. Unahin ko daw ang bakuran at ang hardin kaya 'yon ang ginawa ko. Winalisan ko ang malawak nilang bakuran kahit di naman masyado makalat.Pagkatapos sinunod ko ang garden, kakatuwa ang ganda ng mga bulaklak. Naalala ko sa 'min ganito si Nanay marami siyang tanim sa bakuran namin, 'yon ang libangan niya araw-araw.Nakakatuwa silang pagmasdan. Hindi ko mapigilan ang kausapin sila. "Ang gaganda nyo naman." Wika ko sa mga bulaklak na para naman naiintindihan ako.Pagkatapos ay tinanggal ko ang mga dahong natuyo na malapit ng malagas. Pagkatapos ko sa kanila pagdidilig naman ang gagawin ko.Pagkakuha ko sa hose hindi ko namalayan napalakas ang pagpihit ko nito. Hindi ko na control sa paghawak sabay napunta ang tubig sa may kanan ko.Nagulat ako at di nakagalaw sa lakas ng sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko. Siya 'yon patay Lynelle basang basa ang damit niya. Hindi ko alam kung ano uunahin ko sa pagkataranta. Timing talaga sa kanya napunta ang lahat ng tubig at bihis na bihis pa naman ito."Tanga ka ba ha! saan bundok ka galing!?" Sabi sa akin na parang dragon na bubuga ng apoy."Sorry po sir." Na mahina kong sabi. Namutla ako at di makagalaw sa sobrang lakas ng sigaw niya. Hindi ko mapigilang tumulo ang aking luha.Napatungo ako sa takot na makita niya ang aking luha. Hindi nakontento sobrang sama niyang tumingin at ang dilim ng mukha nito na magkasalubong ang dalawang kilay."Sh*t-pag minamalas ka nga haman." Mahina bulong nito."Naku senyorito Henry ano nangyare?" tanong ni manang sa kanya na parang kabado."Bago lang ba 'yan dito,'yang babae 'yan, manang? at tatanga tanga!?" Wika nito.‘Aba naman nakakadalawa ng pangit na 'to sa pagsasabi ng tanga. Nag sorry na nga ako sa kanya feeling naman niya, di ko naman sinasadyang mabuhusan siya.Bakit kasi lumapit siya doon. Siya ang may kasalanan padaan daan siya e ang layo nito sa garahe.’ Anang isip ko."Naku pasensya na senyorito bago palang siya dito hayaan nyo po pagsasabihan ko." Wika ni Manang.Hindi pa nga natapos ni manang magsalita naramdaman ko na nilayasan siya kaagad, bastos lang walang galang kala mo naman kina gwapo niya ang ganoon ugali sabay palihim ko pinunasan ang luha ko."Ayos ka lang ba Hija?" wika ni manang sabay haplos niya sa likod ko nakatungo pa rin ako hanggang ngayon."Opo." Sabay ng marahan naman akong tumango “Pasensya po manang” nahihiya kong sabi sa kanya. Bago lang ako palpak agad iiwasan ko nalang ulit magkamali lalo na pag andiyan ang dragon kung amo."Hayaan mo na lang Hija, baka nabigla lang at nagmamadali kanina at papasok pa sa opisina kaya siguro uminit agad ang ulo." Sabay tapik sa balikat ko."Papasok na ako sa loob at tapusin mo na 'yan agad, baka abutan kapa ng init ng araw." Sabi ni manang sa akin at naglakad na papasok sa loob ng bahay.Binilisan ko nalang ang pagdidilig baka maabutan pa ako ng dragon kung amo. Mahirap na baka mainit pa ang ulo mapagalitan ulit ako.Pagkatapos ko pag didilig sa mga halaman inayos ko na ang hose at nilagay sa pinaglalagyan nito. Pero bigla ako napa sulyap sa may bintana dahil pakiramdam ko may nanonood sa akin. Pagtingin ko wala naman."Ano kaba Lynelle guni-guni mo lang 'yan wala naman tao?" Sabi ko sa sarili ko.Binaliwala ko nal ang 'yon at nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay dahil sabi ni manang tutulong pa ako maglinis sa loob ng sala, pag nakatapos ako sa gawain sa labas. Sa hagdanan nalang daw ang linisin ko at tapos ng linisin ng isang kasambahay ang sala.Mabilisan akong nag punas mula sa taas hiningal ako ng natapos sa paglilinis. Grabe naman kasi bakit paikot ikot naman ang yari ng hagdanan nila! sabay masama kong tingin na parang ang hagdan ang may kasalanan sa pagod ko!Naisip ko papagawa ng bahay dapat hindi ganito. “Wala naman sila palagi bakit ang laki! Pag mayaman nga talaga,” sabi ko sa sarili. "Lynelle tapos kana, sa ginagawa mo?" wika ni manang sakin na may bitbit na pagkain sa tray. "Opo." Sabi ko."Pwede ba mag utos Hija? ikaw na ang maghatid nito sa may terrace kay Senyorito Henry. Doon niya gusto mag almusal." Pakiusap ni Manang. "Sige po Manang." Wika ko rito.Kinuha ko sa kanya ang tray na pinaglalagyan ng almusal para sa masungit ko na amo. Napaisip ako, ganito ba ang oras ng almusal ng mayaman? Halos mag a-alas dyes na ng umaga.Pinuntahan ko siya sa terrace at dahan dahan ako sa pag lalakad. Mahirap ng matapon ang dala ko at mayare muli ako. Naramdaman niya siguro ang pagdating ko at bigla siya napalingon sa kinatatayuan ko.Tumikhim ako bago tumuloy sa table na gamit nito. Madaming nakakalat na papel sa table niya. Siguro nag ta-trabaho ito habang nasa bahay.Nilapag ko ang pagkain na sinusundan niya ako ng tingin.Hindi ko maiwasan na mailang sa ginagawa niya. Wag sana ako magkamali tiyak bubuga ito ng apoy. Lihim ako napanguso. Bakit ba ganito ito makatingin para siyang isang lion na gusto ako kainin. ‘Ano ba naman! dami ko naiisip.’ Anang isip ko.Paalis na sana ako ng bigla siyang tumayo sa harapan. Matiim ako nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang baba. Mas lalo akong nailang sa kilos nito. Lihim ako napalunok. "Sir aalis na po ako kung wala na po kayo ipag uutos?" wika ko sa kanya na mahinang boses at nakatungo. "What is your name again? Pwede ba? humarap ka ng maayos pag kinakausap kita?" Wika nito problemado.Tiningnan ko siya ng patingala dahil sa kanyang katangkaran. Pumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig ito sa 'kin. "Hindi kaba marunong magsalita kanina pa kita tinatanong?" Wika nito at hindi inaalis ang tingin sa mukha ko. "Mary Lynelle po." Sagot ko dito. Lumapit siya sa 'kin. Napapalunok ako nang lalo niya ako titigan ng matiim sa mukha. Hindi ko mabasa ang naglalaro sa kanyang isipan."Maganda." wika niya. Hindi ko maiwasan ang pamulahan ng mukha. ’Omg, pakiramdam ko ako ang sinabihan niya.’ Lihim ko na kinurot ang palad ko. ’Assuming ka gurl!’ kantiyaw ng isip ko."Bagay sayo ang iyong pangalan." Sabay tingin sa labi ko. Naginit ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Bigla ako napatingin sa labi niya. Parang bang sa babae natural ang pula.Naconscious ako sa aking itsura. Kanina pa ako pawisan, dahil sa maghapong trabaho. Bigla ko nakagat ang ibabang kong labi dahil sa kilig na banat nito. Napatingin ako sa mukha niyang seryoso na umiingting ang panga. "Don't bit your lips or else I’ll kiss you right now." Wika nito na lalong kinapula ng mukha ko. Kahit mahina lang ang pagkakasabi nito ay malinaw sa pandinig ko. ‘My gosh Lynelle feeling mo naman hahalikan ka niyan aminin mo girl.’ Sabi ko sa sarili."Sige na wala na ako iuutos." wika niya na mahina ang pagkasabi. Nakahinga ako ng maluwag ng umupo kaagad at hinarap ang kanyang ginagawa. Napahawak ako sa magkabilang pisngi. ’Hindi pwede ang ganito Lynelle Mali ito.’ sambit ko na tila wala sa sarili.MARY LYNELLENaglalakad ako na tila wala sa aking sarili. Nang biglang magulat sa pagsasalita ng kaibigan ko na nasa harap ng lamesa at kumakain.Takaw talaga nito malapit na kaya mag tanghalian pero kumakain na ito. Kala mo sobrang gutom palagi at may alagang sawa sa tiyan. Huminto ako malapit sa kanya."Ano nga pala besh ang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa 'kin. Nagtaka ako na tumingin sa kanya ng salatin nito ang noon ko."Besh kala ko may sakit ka? Namumula ang mukha mo at wala ka din sa sarili habang naglalakad papunta dito!" Sabi ng madaldal kong kaibigan."Nainitan lang ako sa paglilinis at napagod." Sagot ko sa kanya, sabay inirapan ko ito. Mahirap na at sa daldal nito baka e- broadcast ng wala sa oras kung ano ang nangyari sa taas. Lalo na ang dahilan ay ang boss namin na masungit. Nakahinga ako ng maluwag at hindi na ito nag-usisa. Bumalik naman ito sa kaniyang kinakian. Lumapit ako sa
JUDE HENRYTulala ako na nakaupo sa aking opisina na tila wala sa sarili. "Fuck.." masyado niyang ginugulo ang isipan ko. Pumasok ako ng opisina na hindi ito nasilayan. Kung hindi ko lang iniisip ang importante na meeting kaninang umaga wala sana akong balak na umalis ng maaga nang hindi ito nakikita.Naiisip ko palamang ang maamo nitong mukha ay nag iinit na ako. Siya palang ang nag iisang babae na unang masilayan ang mukha ngunit kabisado ko na ito. Kung isa akong pintor mabilis ko itong maiguguhit. Napahilot ako sa batok. Karma na ba ito sa paglalaro noon sa damdamin ng mga babae? Masyado niyang ginulo ang isipan ko na wala kasiguraduhan kung gusto rin ako nito. ‘Fuck- Mary Lynelle ano ba ang ginawa mo?’ Anang isipan ko.Biglang bumalik sa alaala ko noong una ko masilayan ang napakaganda at maamo niyang mukha. Nagmamadali akong pumasok sa Banyo para maligo, shit.. may meeting pala ako ng maaga kung di ako nag
JUDE HENRYNagmamadali ako na lumabas ng aking kotse at pumasok kaagad sa loob ng bahay. Hinanap kaagad siya ng mata ko sa pag aakala na andito siya, ngunit ni anino ay wala ito.Sinubukan kung pumunta ng kusina at sakto nga nakita ko agad ito. Nakaharap siya sa nakasalang na kawali at nakahawak ng sandok at hinahalo ang niluluto nito. Amoy na amoy ko ang bango at nanunuot sa ilong ko. Bigla ako nakaramdam ng gutom sa niluluto nito. Unti-unti ako lumapit sa kanya ng walang ingay sa paglalakad. Niyakap ko siya ng nakatalikod. "Ay Palaka." Biglang sambit niya. Hindi ko maiwasan ang matawa sa expression niya. Niyakap ko ito nang mahigpit at hinalikan sa buhok."S-Sir, bitaw na, amoy ulam ako." Saway nito sa 'kin. "Paamoy nga!" wika ko sa kanya. Inilingan ako nito at nanlaki ang dalawang mata. I laugh at her reaction. Hindi ko mapigilan halikan ang kanyang leeg. "Mabango nga." Biro ko sa kanya. Napanguso lang ito na hindi humahara
MARY LYNELLEDala dala ko hanggang sa paggising kinabukasan ang saya at ngiti sa 'king labi.Mabuti na lamang pagkapasok ko sa aming kwarto ay tulog lahat ang mga kasama ko, siguro kung naabutan ako ng kaibigan ko na abot hanggang tenga ang ngiti hanggang umaga siguro ako nito hindi titigilan sa pangungulit certified marites pa naman ito. Lahat kami ay abala sa bahay sa pagdating nila ma'am Nhessa. Pinag utos kay Manang na kami ay magluto ng pananghalian at dito daw kakain. Sa'min ni Nanet inutos ang pag-luluto.Hindi nagtagal ay mayroon ng nag busina sa gate ng mansyon. Bakit ba kabado ako? "Hayys ano ba Lynelle? relax! sabi nga nila mabait naman ang mga magulang ni sir Henry." Huminga ako ng malalim. Kuryusong napatingin ang kaibigan ko. "Relax Lynelle,wag masyado magisip." mahinang ko sambit."Ano nangyari sa'yo besh parang lutang ka yata?" tanong ng kaibigan ko. “Kanina lamang pag gising mo bakas sa 'yong mukha ang say
WARNING: Mature Content Read at your own risk.MARY LYNELLE Paliko na ako galing ng library ni sir Henry ng makasalubong ko ang kanyang Mama."Saan ka galing Hija?" tanong niya na tila pinagaaralan ang isasagot ko. "Uhm..s-sa library po Ma'am nagpahatid si Sir Henry ng kape." ang mahina kong sagot sa kanya. Pag katapos niya ako titigan ay tumango lamang ito at nagtuloy na lumakad na hindi ko alam kong ano ang nasa isip niya. Mahirap basahin ito sa sobrang seryoso. Pinalobo ko ang magkabilang pisngi sa sobrang kaba nang nakaalis ito sa harapan ko.Bumalik ako sa ginagawa ko kanina at inabala ang sarili sa iba pang gawain bahay. Nang matapos ako ay tumulong ako kay Nanet na mag sampay ng damit na kanyang nilabhan sa likod ng bahay.Nang matapos namin, agad kaming nagtuloy sa aming kwarto para magpahinga sandali. Nilibang ko ang sarili sa pag drawing ng mga damit.Kinder pa lamang ako mahilig na ako gumuhit kaya naman palagi akong nagpapabili noon
MARY LYNELLE Mabilis namin natapos ni Manang ang pagluluto. Pinagtulungan namin na ihanda ang pagkain sa hapagkainan at ng matapos namin ito ay nag-utos si Manang ng isa sa amin na tawagin na ang aming mga amo para kumain.Habang kumakain, nag kwentuhan sila tungkol sa kanilang mga negosyo. Kami naman ay nakatayo sa tabi at nag-aantay kung sakali mayroon pa silang ipag-uutos.Bigla ako napatingin sa kanila ng marinig ko si Ma'am Nhessa na nag tanong kay Henry kung bakit mabilis sila na nakauwi kanina galing sa mall? Narinig ko naman na sambit ni Henry ay natapos ng maaga mag-shopping si Eloisa.Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na ulit nag usisa pa ang Mama niya at Naniwala naman ito sa sagot niya.Linggo ngayon at wala kaming trabaho na gagawin. Napagkasunduan namin ni Nanet na mamasyal sa isang sikat na mall sa Maynila. Excited ako na gumayak dahil ngayon lang ako nakapasyal sa loob ng dalawang buwan ko na pamamasukan.
MARY LYNELLENapagpasyahan namin na umuwi ni Nanet ng mga alas-tres ng hapon. Sakay pa din kaming kotse niya na umuwi ng bahay wala naman daw dapat ipag-alala, siya na ang bahalang magpaliwanag pag mayroong nakapansin na kasama namin siya.Hindi sa natatakot ako sa sasabihin ng Mamaniya kaya lang hindi ko maiwasan ang mag-isip ng negative kahit pakiramdam ko naman mababait sila.Tahimik ako sa biyahe at inabala ko na lang ang sarili sa panonood ng mga nadadaanan na gusali. Minsan sinusulyapan niya ako na parang may sasabihin na hindi matuloy tuloy. "Tired?" hindi nakatiis niyang tanong. "A-ayos lang ako." matipid kong sagot. Hinawakan lang niya ako sa kamay at hinalikan ang likod nito at tumango. Ano ba kasi bakit naman ako nag-aalala bahala na saka na ako mamomroblema at napabuntunghininga.Pagdating ng mansyon tahimik naman ang bahay, maliban sa taong nakita ko nakaupo sa garden napatingin a
MARY LYNELLESa sobrang excited ko, madilim pa lang ay gising na ako. Nakagayak na ang mga nabili ko noong nakaraang linggo nung nag mall kami ni Nanet. Mabuti na lamang at nang pumunta kami ng mall naisipan kong bumili ng konting gamit nila.Ang plano ko kasi magipon ng mga pasalubong hanggang sa paguwi ko ay marami akong madala para sa kanila. Sobra ko silang na miss. Halata naman at madilim palamang ay gising na ako.Alas-siyete ng umaga ang alis namin. Nagsabi ako kay Manang tungkol dito. Hindi na ako nagulat na mabilis nila akong pinayagan na umuwi.Nasabi nga daw ni Henry na ngayon na ako umuwi at isasabay sa lakad niya para hindi ako mahirapan sa biyahe. Well, hindi ko pa alam kung ano pa ang kanyang alibi sa mabilisang pagpayag ni Manang.Nag-pasalamat din ako at pag dating sa mga kawaksi ng mansyon si Manang ang may passes. Bihira ko din nakikita si Ma'am Nhessa madalas kasi silang magkasama ni Eloisa sa mga lakad dahil ito daw a
RYKERAraw ngayon ng championship sa second session ng basketball association of the Philippines o, mas kilala sa tawag na BAP. Sa loob ng halos limang taon na manlalaro marami na akong nakuhang parangal kasama na dito ang MVP. Dati ay varsity player ako na iniilagan ng mga kapwa campus varsity, kung sila ang pambato at superstar sa kanilang school ako rin sa school namin. Mula ng maging manlalaro ako walang naging talo ang school ko at pagka tapos ng kolehiyo ay may offer na agad sa basketball bago ang BAP.Lumingon ako sa belcher sa VIP ring side supportive ang magulang ko kahit kaunti ang ambag ko sa mga negosyo ng pamilya hindi sila tumutol sa hinhiligan. Bawat laro mula noon hanggang ngayon ay palagi silang and'yan.Ganado ako maglaro lalo na nanonood ang girlfriend ko sa hindi kalayuan almost 2 years ko na itong kasintahan kasal na lang ang kulang. Smooth ang naging laro noong una. Hanggang sa naging pisikalan lalo na at mainit ang kalaban dahil uhaw sa kampeonato. Noong una wal
RHAEGO"Please naman hon, kahit 2 years lang ako doon akala ko ba'y mahal mo ako?" Napahilamos ako sa mukha sa naging tugon niya sa 'kin."Oo mahal kita, ngunit nakikita ko na hindi ako ang priority mo kaya ngayon tatanungin kita, papakasalan mo ba ako?" walang paligoy-ligoy na tanong ko. "Alam mo naman hon matagal ko na itong pangarap akala ko ba ayos lang sa'yo na hindi e, give- up ang career ko, bakit ngayon pinapipili mo ako," "Mali pala ako WiIna? Hindi kita pinapipili kung pera lang ang kailangan mo marami ako niyan bakit mas pipiliin mo ang career kaysa sa 'kin? Siguro nga hindi talaga totoo na mahal mo ako. Pangalan ko na, ang inaalok ko sa'yo ngunit mas matimbang ang career mo. Kaya ito ang tandaan mo hindi na ako maniniwala sa mga dahilan mo ilang ulit mo na tinanggihan ang kasal natin ngunit ito, ginawa ko ang lahat na mapapayag ka pero hindi pa rin pala." "Sa tingin ko nakapagdecide ka na kaya, this is goodbye wala ng balikan."Nanahimik ito. "Silence means yes," mabilis
HendrixMabilis ang aking lakad palapit sa sports car na palaging minamaneho. Nagtext sa 'kin ang panganay na anak ni Tito Maynard na si Aaron. Magkasing edad kaming dalawa at bestfriend ko sa lahat ng mga anak ng kaibigan ni Daddy. Nakita raw nito si Emyrose sa bar na kasama ang mga barkada. Napa mura ako ng mag send ito ng picture kung ano ang ginagawa ng babae. Maraming kasayaw sa gitna ng dance floor. Damn! Kung hindi lang sana ito ay nag-aaral pa, ay matagal ko na itong pinikot. Ngunit nagpipigil lang ako dahil mainit ang dugo ng dalaga sa'kin pag nakikita ang ka-guwapuhan ko.Ano pa ba ang aasahan maliit pa lang ay palagi kong inaasar at mayroon akong ginawa na lubos na kinagalit nito sa 'kin na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinatatawad. Kaya para masiguro na hindi mapapahamak ang dalaga ay lihim itong may bodyguard upang masiguro ko ang kaligtasan nito. Siguro pag nalaman muli nito ay tiyak na magagalit sa kanya.Kilala ako sa bar na pinuntahan ng dalaga mga mayayaman an
Mary LynelleMakalipas ng ilang taon...Nakangiti ako na pinag mamasdan ang apat na naggagandahan lalaki sa aking harapan ang asawa at ang tatlo kong anak na naglalaro ng basketball, masasabi ko kahit lumipas ang panahon ay mas lalong tumibay ang pagsasama namin mag-asawa kahit na minsan ay may tampuhan ngunit madaling masolusyonan ito."Daddy ang daya mo talaga kahit kailan," masungit na wika ng bunsong si Rhaego. "Ako talaga?Mabagal ka lang kaya lagi kang talo. Napailing ako, tamad talaga mula umpisa ang bunso ko ayaw na pagpapawisan, daig pa ang ate Helena niya sa kaartehan."Love, magsikain muna kayo at tanghalian na. Dito ako nagpadala ng mga pagkain sa labas, naging picnic ang tema nila. Ginagawa nilang mag-anak minsan kapag araw ng sabado at ang mga anak niya ay andito lahat."I'm home," sigaw ng kakarating na si Helena galing siguro ito sa bahay nila Rowan at befriend nito ang panganay ng mag-asawa. Kahit matanda si Helena hindi hadlang ang pagka-kaibigan ng dalawa.Gradua
JUDE HENRYLabis ang aking saya ng sa wakas wala ng problema at naibigay ko ang kasal na pangarap ng aking asawa. Pigil ang tawa ko ng habang pinanunuod ang sarap ng tulog nito habang kami ay nasa himpapawid. Kahit na naghihilik ay ang ganda pa rin sa kanyang paningin. Sobra naman kasi ang pagod nito bukod sa bunsong kambal na daig pa ang trompo sa kalikutan.Ang Helena's Collection ay pinaubaya ang pamamahala sa kanyang kapatid kahit mahal ng asawa ang dating boutique mas pinili ang maging plain housewife kaya mas lalo ako napahanga sa asawa. Laging sinasabi na mas gusto nito ang pagsilbihan kami hangga't kaya daw niya.Mahina kong hinaplos ang mukha nito upang gisingin ngunit umayos lang ang pagkakahiga sa upuan. Nag-anunsyo ang flight attendant na ilang minuto ay lalapag na ang sinasakyan namin na eroplano. Business class ang kinuha kong ticket upang maging komportable ang biyahe namin. Tumutol nga ito noong una ngunit sa kalaunan napapayag ko rin."Love, nandito na tayo." Dalawang
MARY LYNELLEAfter two weeks Abala ang lahat ng mga tauhan sa Bakasyunan Resort and Conference Center sa Tanay kung saan ako lumaki at pinanganak.Dito gaganapin ang reception. Pangarap ko lang ito dati ang makapasok noon at makapag-swimming kasama ang pamilya ko.Sino ba ang hindi mai-engganyo bukod sa lawak at ganda ng loob ng resort ay mayroon din itong Zipline at mini-golf na kasama sa amenities ng naturang resort.Kaya kahit malayo 'to sa Maynila pumayag si Henry, tatlong araw ang booking lahat ng guest sa aming kasal. Kaya naman kahit bukas pa ang kasal ay nag sidatingan ang lahat ng bisita. Makikita sa kanila ang saya at enjoy sa pag-stay dito.Umaapaw ang halo-halo kong nararamdaman ngayon. Ito ang araw ng aming kasal. Pangarap ko lang dati na ikasal sa dream church ko, at dream wedding dress na ako mismo ang nag disenyo.Napalingon ako sa pinto ng hotel suit ko ng pumasok si Nanay. Namumula ang mga mata nito at nakangiting nakatitig sa mukha ko."Napakaganda mo anak, napaka
MARY LYNELLEAraw ng binyag ng dalawa kong bunso. Nakakatuwa at parang naging isang reunion ang binyagan at blessings sa bago naming bahay. Lahat ng kaibigan ni Henry ay nandirito. Si Rowan kasama ang asawa na sinundan sa London dahil kaagad nilayasan pagkatapos ng kasal. Nandito rin ang bigating kaibigan ni Henry na gobernador ng Rizal Province, si Denmark. Kasama ang kakauwi na asawa na umalis daw pagkatapos ng kasal. "Ganoon ba sila magkakaibigan uso ang nilalayasan ng asawa?" mahina kong sambit.Kasama ng mag-asawa ang dalawa na nitong mga anak Si Emyrose ang panganay at ang bunsong si Margaux. Ang asawa naman ni Rowan ay malaki na rin ang tiyan na pinagbubuntis ang panganay nila.Lumapit ako sa mga babae. "Ayos lang kayo? Kung gutom kuha lang ng pagkain tayo-tayo lang dito kaya feel at home mga mare ha?" Ani ko sa kanilang lahat."Ayos lang kami mare, ikaw magpahinga rin kanina ka pa paikot-ikot." Pananaway nila sa 'kin. "Tse-check ko lang ang pagkain babalik ako agad mga mare
MARY LYNELLEPagkagaling ko kila Nanet ay kaagad akong umuwi sa bahay ng biyenan ko. Hindi na kami bumalik ulit sa condo ni Henry dahil sayang ang laki raw ng bahay nila walang katao-tao.Mabuti na lang at pinayagan ako ni Henry na magmaneho ng kotse kaya walang bantay na asungot. Ang alam niya ay may lakad din ito isasama ang mga bata. Nagbusina ako sa malaking gate at sumilip si Manong guard at nagmamadali na nagbukas ng pinto ng masino ang nag busina.Dali-dali kong pinarada sa driveway ang sasakyan at kaagad bumaba ng kotse. Sinalubong naman ako agad ni Henry na sobra kung makangisi. Kunot ang noo na tumingin ako sa kan'ya. "Love ang akala ko ba ay may lakad kayo ng mga bata?" may pagtataka na tanong sa kanya.Nahihiya 'to na napakamot sa batok. Hindi ko maiwasan ang pagtaas ng kilay. Mukhang mayroon 'to naiisip na kalokohan. Kilala ko ang malanding asawa pagmayroon gustong gawin."Hmm, asan ang mga bata kung ganoon?" usisa ko ulit sa kanya."Kasama nila Mama, may pinuntahan l
Warning: rated SPG read at your own riskNanet Naalimpungatan ako na tila may nanalasa sa mayaman kong dibdib na tila gutom na sanggol. Hindi ko maiwasan ang mapada*ng sa matunog na pags*ps*p ni Thomas sa magkabila kong nagmamalaking bundok. "Uhm, baby..," mahabang tawag ko sa kan'ya ng marahan niya itong kagatin.Hindi ko maiwasan ang mapaangat at mapasabunot sa buhok niya ng bumaba pa roon sa gitna ko na basang basa na sa oras na ito, lahat ay pinadaanan niya ng mainit niyang dila. "F*ck! Halos hindi ko alam kung saan kakapit kaya napasabunot ako sa buhok niya at mas lalong inilapit sa aking hiyas. "Baby! Thomas... gusto ko pa," sabi ko na hindi alintana ang katagang binabanggit dahil sa sarap na binibigay ng asawa."Ahh.. T-thomas!" namamaos kong sambit ng marahan niyang kagatin ang aking namimintig na clitor*s, kahit masakit mas nangibabaw ang hatid na sarap. Kung marunong lang magreklamo ang kanilang cottoge ay malamang kanina pa sila nireklamo sa barangay dahil sa mga ungol ni