Sa sumunod na mga linggo, naging subsuban siya sa pag-aaral. Malapit na ang finals, siksik siya sa sa mga aralin at schoolworks. Nakakatuwa lang na malapit na niyang ma-survive ang isang trimester. Pag-uwi niya sa kanila, kakausapin niya nang masinsinan ang tatay niya na sa probinsaya na lang siya magpapatuloy sa pasukan. Ano mang pangungumbinse sa sarili ang gagawin niya, hindi niya talaga magawang magustuhan dito sa Manila. Mas gusto niya ang lifestyle sa probinsya. Miss na niya ang tatay niya. Kagabi, nang tumawag siya, pinag-aalala siya nito nang husto nang panay ang pag-ubo nito."Wala ito," ang sagot nito nang komprontahin niya. Minsan, sinungaling din ang tatay niya. Kaya, buo na ang desisyon niya. Uuwi siya. Kailangan ni Tatay Ramon ng mag-aalaga at sasaway kapag nagiging matigas na ang ulo at panay trabaho sa bukirin. Ayaw kasing mag-asawang muli. “Itutuon ko na lang ang atensyon sa pag-aalaga sa’yo, anak," madalas nitong sabihin na sa tuwina ay kumukurot sa puso niya. Hindi
Last Updated : 2022-08-08 Read more