One touch.One kiss.Iyon lang ang kailangan para tuluyang lamunin ng apoy ang nag-iinit na mga damdamin. Caleb was all over her, tinutuklas nitong muli ang bawat sulok ng kanyang bibig at katawan. Hindi na niya matandaan kung paano silang nakapasok sa kubo o kung paano naalis ang saplot sa mga katawan, pero pareho na silang hubo’t-hubad na nakapatong sa papag na kawayan na nahahanigan lang ng damit na pinaghubaran. Nakakubabaw si Caleb sa kanya habang masuyong inaangkin ang mga labi niya.Dumausdos ang bibig nito sa kanyang panga at marahan iyong s******p. Napapikit siya, kagat ang ibabang labi sa takot na makalikha ng ingay sa kabila ng malakas na buhos ng ulan. Lunod na lunod na siya sa pagnanasa. The idea of doing it again inside this almost shattering hut was a thrill. Mas nag-iinit siya.Bumaba pa ang mga labi ni Caleb sa kanyang dibdib. Umiigting ang mga kalamnan niya sa bawat hagod ng dila at mga labi nito sa kanyang balat habang nakakapit siya sa matigas nitong mga braso. Napa
Nakangiting mukha ni Caleb ang bumungad sa mga mata ni Meredith kinaumagahan. Naka-squat ito sa sahig, nakalapat sa kama ang braso nito at doon naman nakatungkod ang baba nito. Tutok na tutok sa kanya ang kumikislap nitong mga mata. Nakangiti itong hindi kita ang mga ngipin. Ang sarap lang nitong titigan. Magulo ang buhok pero presko pa kung tingnan.“Good morning, babe.”Malambing at banayad na hinagod ng likod ng palad nito sa kanyang pisngi. Napaka-gentle nito, malayo sa mapusok na Caleb kagabi. Napapikit siya nang hawiin nito ang buhok na tumabing sa mukha niya. Nakakahiya. Ang gwapo nito samantalang ang dugyot niya. Ang lagkit pa ng pakiramdam niya. Kasalanan nito. Ayaw siyang tantanan kagabi. “I couldn’t get enough of you,” ang sabi nito.Tila gumapang ang hiya nang maalala ang mga pinaaggagagawa nila. Isang beses pang may nangyari sa kanila sa kubo bago sila umuwi. Pagkauwi sa bahay, bumawi ito. Caleb treated her like a princess. Ipinagluto siya at pinagpahinga. Dahil sa pagod a
It was almost sunset when they passed by the Barasoain Church. Ang ganda lang niyong titigan. Kung wala lang sanang ikinasal sa loob, baka tuluyan na silang huminto at pumasok. Nasa bungad na nga ang mga parte ng seremonya. Ash blue was the motif. Ang ganda at presko sa paningin.Nagmenor si Caleb at pareho silang nakatutok sa kaganapan sa labas ng simbahan.“Mom said, hindi tayo ikinasal sa simbahan.”Tiningnan niya si Caleb at nginitian ito.“Oo. Si Judge San Carlos ang nagkasal sa atin.”Wala silang vow. Walang binitiwang pangako sa isa’t-isa. Marriage for convenience lang naman kasi ang mayroon sila. At the last minute, halos ayawan pa siya nito. Naalala pa niya kung paano siya kinabahan. Kung paano siya natakot na baka mauwi rin sa wala ang ilang taong pagmamahal na inalagaan niya sa kanyang puso. Iniwan pa talaga ang trabaho niya sa post office. Lahat ay pansamantalang naisasantabi muna. Marrying Caleb was on top of her list.“Didn’t I insist on marrying you in church?”She looke
“Caleb!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Meredith sa buong banyo. Umaangil siya sa kakulitan ni Caleb. Naantala ang ginagawa niyang pagsi-shave sa mukha nito. Paano ba naman kasi, ang kamay nitong asawa niya ay bigla-bigla na lang dumadapo sa dibdib niya at marahang hinaplos ang umbok niya. “Sige ka, masusugatan ka talaga nito.” Ngumisi lang ito at nanggigigil na pinisil ang pang-upo niya. There, nasa likuran na naman niya ang isang palad nito at iyon naman ang pinanggigigilan. Pinanlakihan niya ito ng mga mata ngunit parang batang ngumiti lang ito na tila walang ginagawang kababalaghan. Ang manyakis niyang asawa, sa kandungan talaga siya pinauupo kapag nililinis niya ang mukha nito. Kung wala lang talagang shaving cream sa kalahati ng mukha ni Caleb, malamang na kanina pa siya nito pinanggigigilan. “Halik na halik na ako sa’yo.” Hindi na rin niya maiwasang matawa. “Ang kulit!” kunwa ay naiinis niyang pinisil ang tungki ng ilong nito pero sa huli ay tinaniman iyon ng ilang m
Patuloy na dinadaga ng matinding kaba ang dibdib ni Meredith. Ashley stood in front of her like a goddess. Walang pagbabago simula noong unang beses niya itong nakita sa university. Ilagay mo si Ashley sa isang malaking crowd at siguradong standout ito. A beauty in every inch, nanliliit ang pakiramdam niya kapag kaharap ito. While the woman looked exquisite in her designer mini skirt and silk blouse, she looked so shabby in her sweat-drenched housedress.Subconsciously, nagawa niyang ipitin ng mga daliri ang ilang hibla ng buhok na tumakas mula sa elastic band na ginamit niyang panali ng buhok. She felt so insecure, so scared that Caleb might see Ashley. Ganunpaman, sinikap niyang tatagan ang kalooban. Gagawin niya ang lahat huwag lang bibigay sa harapan ni Ashley. She squared her shoulders. Taas noo niyang sinalubong ang malamig na titig ng babae. Sa loob ng ilang sandali ay tila walang balak na alisin ang titig sa isa’t-isa. “Looks like you've done well pretending a true wife to Cal
She woke up feeling a little bit better the next morning. Caleb was there. Ang nakangiting mukha ang una niyang nabungaran at kagaya nang nakaraang araw, ipinaghanda siya nito ng agahan. Nahihiya na siya kay Caleb. Siya dapat ang nag-aalaga rito pero baligtad ang nangyayari.“I guess, mas makabubuti ang tea para sa’yo.”Umupo ito sa gilid ng kama at inalalayan siyang makabangon. Inabot nito ang elastic band sa dresser at nagsimula itong suklay-sukalyin ang magulo niyang buhok.“Caleb, ako na.”“Nope.”He created a bun out of her hair. Sobra-sobra na talagang nabubusog ang puso niya sa mga paglalambing at pag-aalaga nito. Pinawi nito ang bigat na naramdaman kahapon. Isang ngiti lang nito sa umagang ito at gumagaang na kalooban niya.“Baba na tayo.” Just like last night, ito ang naghanda ng agahan nila habang nanonood lang siya sa bawat kilos nito. “What do you want for breakfast?” masigla nitong tanong habang itinatali ang apron sa baywang.Chef mode na naman ang asawa niya.“Pwede bang
Nanginginig ang mga kamay ni Meredith na may hawak ng paint brush. She was nervous and bothered by Caleb’s nakedness pero nagawa niya pa ring mag-concentrate at hayaang lamunin ang isip ng bawat stroke ng paint brush. “How long have you been painting?” Muntikan pa siyang mapatili nang bigla na lang pumaibabaw sa tahimik na paligid ang malalim nitong boses. Sinilip niya ito mula sa nakaharang na canvas sa pagitan nilang dalawa. Ingat na ingat siya na hindi dumako ang mga mata sa bahaging natatakpan ng nakataas nitong kanang tuhod. Caleb was all stretched on the sofa. Nasa sandalan ang kaliwang braso, bahagyang nakasandal sa armrest ang bahagi ng katawan habang nakatukod doon ang kanang siko. He was a Greek god in his own form; an Apollo with muscles that screamed to be touched. “Babe?” Hindi pala niya kaagad natugon ang tanong. “Live painting session, ngayon pa lang. Sketching naman, simula bata pa ako.” In-enroll siya ni Tatay Ramon noon kada summer sa isang art class sa bayan. Ku
Gabi na nang makarating sila ng Maynila. Back to Manila, back to reality. Dalawang buwan lang siyang nanatili sa Bulacan pero pakiramdam niya ay matagal siyang nawala. Nakakapanibago. Nakakakaba ang muling pagtungtong nila sa lungsod.“Welcome home, Caleb, Mere!” Ang excitement ni Mommy Audrey ay hindi matawaran. Caleb felt anxious pero naroroon ang katatagan na dati na niyang nakikita sa asawa. “You’ll be okay, son.” Inakbayan ni Mommy Audrey si Caleb.“As long as I'm with my wife, I’ll be fine.”Caleb never let go of her hand. She felt needed.She felt valued.Sa unang gabi nila sa condo, halata ang paninibago nilang pareho. Tahimik na pinakikiramdaman niya ang asawa habang inaayos ang higaan nila while Caleb just stood quietly behind the wall. Nakapamulsa ito sa suot na sweatpants at nakatunghay sa mga ilaw sa labas. Ilang buwan na tanging mga bituin ang nagsisilbi nilang entertainment sa gabi kapag ayaw nilang manood ng TV. This was a major change for both of them.Nilapitan niy
“Never fall in love with a Santibanez nor a Romero.” Bata pa lang ako, naririnig ko nang madalas na sinasabi iyon ng aking ina. Walang araw na lumipas na hindi iyon tumutunogna parang sirang plaka sa aking tainga. Parang alarm clock, parang embedded sound sa cellphone. Minsan, natatawa na lang akong umaangil. “Mommy, I am too young for love. ‘Di ba, Daddy?’ Kapag ganoon na ang tanong ko na tila naiinis, isang kindat at ngiti sabay gulo sa aking mahabang buhok lang ang sagot ng ama ko. Mom was the boss of the household. Young and innocent, isinaulo ko rin ang bilin ng nanay ko. Sobrang naisaulo ko na kahit na sinong lalaking nakikita ko, disgust ang mararamdaman ko sa kanila lalo na kapag nagpapakita na ng motibo. Love, for me, was something too overrated, but at the same time, too underrated, as well. Ang gulo ng ideya ko. Basta, love to me was disastrous. If it wasn’t someone like my father, eh, huwag na lang. Sakit lang ng ulo. No man, no relationship, mas okay. I feel safer. Bei
Sa araw ng binyag, parang fiesta sa buong farm. It was indeed a great welcome for Noelle Margarette to the Christian world. Tila naman ramdam ng anak nila ang saya sa paligid. Kahit isang beses ni hindi ito umiyak, kahit na nga pinagpapasa-pasahan ng mga ninong at ninang. Sina TJ at ang kambal naman ay masayang nakikipaglaro sa mga anak nina Harrison at Hannah at mga anak ni Becca. Babysitter ng mga bubuwit ang mas matatandang mga anak ni Kuya Noah. Their laughter was like a beautiful music in the air."I'm sorry, Ate, I'm late again.""At least, dumating ka, Exir."Inayos niya sa lalagyan ang cake na bitbit ni Exir. He arrived with a nice lady in tow. Mukhang in love na ang isang ito. "Cali?""Alam mo naman 'yon, Ate."Muli, hindi na naman nakadalo si Cali. Something was really up with her. Isang araw ay tatanungin niya ito, babae sa babae. For now, ang kasiyahan muna. Ayaw niyang mahahaluan ng lungkot ang masayang atmosphere sa paligid. Ang saya lang ng lahat. Lalo na ang pakinggan
“Saan ko ba ililista si Phil, sa ninang o sa ninong?” “Kurot sa singit, you like?” nakatikwas ang kilay na agarang sagot ni Phil sa pabirong hirit ni Hannah. Tumayo pa ito at umaktong binabatukan ang babae. Malakas ang naging tawanan nila. Kasalukuyan silang nasa den ng bagong tayong bahay nina Hannah at pinagkakaabalahan ang paghahanda para sa binyag ni Baby Snoe. Noe eventually became Snoe. Paano ay nahirapang bigkasin iyon ng pangalawang anak ni Hannah. “Ay, hindi! Ikaw ang gagawin naming assistant ng paring magbibinyag kay baby.” "Ay, bet kong maging sakristan." Sa lakas ng hagalpakan nila ng tawa, nagising tuloy ang mga anak nila ni Hannah na magkatabi sa kani-kaniyang crib. Nag-contest sa pag-iyak ang dalawang bata. Kaya naman, kanya-kanya silang buhat sa mga bulinggit. Mahigit isang taon na ang kay Hannah, anim na buwan naman ang sa kanya. “Ayan, mga mahadera, nagising tuloy.” Tumayo si Phil at niligpit ang lahat ng kalat sa parihabang mesa. “Mabuti pa itigil na muna na
Matuling lumipas ang mga araw. Parang ang bilis ding lumaki ng tiyan ni Meredith. Sa tatlong pagbubuntis niya, itong isang ito ang pinakamadali. Dagdag pa na napapalibutan siya ng mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Early stage pa lang ng pregnancy, kung anu-anong regalo ang natatanggap niya. Katunayan, puno na kaagad ng gamit ang closet ng bagong nursery na pinaayos ni Caleb. All throughout her pregnancy, hindi nawala sa tabi niya si Mommy Audrey. Pansamantalang naka-on hold ang paglalagalag nito at ni Daddy Henry at halos sa bahay na nga naglalagi ang mga ito. She was her mother-in law's top priority. “Hindi mo luto ito, Mommy.” Hinalo-halo niya ang ginataang mais sa mangkok habang nagbukas naman ng canister ng cream ang biyenan na ipinanghahalo nito sa tinimplang kape. Nakadalawang subo na siya sa pagkain.“Paano mo nasasabi?” “May cheese kasi.” Napangiti si Mommy Audrey. “Talagang kabisado mo ang luto ko, ano?” There was pride in her voice.“Every hint of spice and co
May mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang punong-tainga. May tila rin naghalong tila tumutusok at nakakakiliting kung ano sa balat niya. Was she still dreaming? Sumamyo kasi sa ilong niya ang pamilyar na scent ng asawa niya.Nasa Japan pa si Caleb. Kausap niya ito kahapon."Hmm, it smells nice."Boses iyon ni Caleb. Ibinuka niya ang namimigat na mga talukap. And there, Caleb's playful grin and lustful stares greeted her eyes. Tuluyan na ngang nagising ang diwa niya. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakaluhod sa harapan niya. Nakabakod sa katawan niya ang matititpunong mga braso na nakatukod sa sandalan ng upuan. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na sa wakas ay nahahawakan at naaamoy na niya ito. She couldn’t contain her happiness."Caleb…""Hello baby."He moved his face closer to her. Naglapat ang mga labi nila habang masuyong humahagod ang buko ng mga daliri sa kanyang mukha. Malambing ang pagkakahagod na tila nag-i-engganyo sa ka
Sumabog ang palakpakan sa buong venue nang matapos ang presentation ng nakahilerang mga toddlers sa stage. Itinuon ni Meredith ang camera sa anak niyang si Maddie at sunod-sunod na kinunan ito ng larawan. Ang cute ng anak niya sa suot nitong white tutu. Habang lumalaki ito, mas lalo namang gumaganda at mas naging prominente ang talent nito sa dancing. Sa isang pag-click niya ng camera, on point niyang nakunan ang anak na kumakaway sa gawi nila. Litaw ang maliliit na pares ng mga ngipin.“She looks so pretty.”Hindi mapuknat ang palakpak at papuri ni Hannah. Nagiging malikot ito na kumakaway-kaway pa sa anak niya.“Careful .” Bumaba ang tingin niya na maumbok nitong tiyan. “Baka mapingot ako ng mister mo. Halos ayaw ka ngang pasamahin sa akin ng isang ‘yon.” Nasa bakasyon sina Mommy Audrey at Daddy Henry. Si Caleb naman ay nasa business trip kaya, ang buntis ang binitbit niya sa recital.Napahinto sa pagpalakpak si Ninang Hannah at nakaingos na lumingon sa kanya. “Pitikin ko ‘yong betlo
Kanina pa nakatitig si Meredith sa name plate na nakapaskin sa pintuan ng silid na nasa harapan niya. She silently reading the name engraved on it in bold metallic color. Pangalan ng psychiatrist na nagmamay-ari ng clinic. It was a Sunday pero pinayagan sila ni Dra. Lutgardo na pumasok dito. Sitting beside her felt like… Hindi niya maipaliwanag. Ilang minuto na rin silang magkatabing nakaupo sa bench sa lobby ng private office. Kung siya lang, makakaya niyang huwag kausapin ang katabi kahit magdamagan pa, pero iyon ang ipinunta nila dito. Para sa kanya, ito ang perpektong lugar para mag-usap. Sa kanyang peripheral view, nakita niya ang katabi na tahimik lang ding nakaupo. Her hands were clasp on her thighs. Kabado ito. Kanina nang dumating ito, hindi ito makatingin sa kanya ng tuwid. Ramdam niyang nahihiya ito. Dapat lang. Once she unleashes her fury, baka kung saan ito pupulutin. However, she’s here to know her side of the story, and she had to start somewhere. “I used to spend cou
Bettina Alcantara.Paulit-ulti na tila kalimbang na naglalaro sa isip ni Meredith ang pangalang 'yon. Narinig na ba niya ang pangalang Bettina Alcantara? It didn’t ring a bell. Kailanman, hindi pa niya ito nakatagpo pero sa kung anong dahilan, may gumapang na kirot sa puso niya. Ang nalilitong isipan ay inagaw ng isang bulto ng katawan na iniluwa mula maindoor ng bahay. Wala sa sariling napalapit siyang lalo sa gate at napahawak sa bakal. Malayo man pero hinulma ng imahinasyon niya ang imahe ng babaeng nakatayo roon. Once again, her heart was racing so fast. Nakabibingi ang ingay ng puso niya. Hindi niya maagaw ang mga titig sa babaeng unti-unti na ngayong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Gaya ng kung paanong ayaw nitong tantanan ng titig ang kinaroroonan niya.May nababasa siyang mga emosyon sa mga mata nito.There was even a touch of longing.Bakit?Mas nadagdagan ang mga tanong niya sa sarili. Mas lumalawak ang hinala.Nakita niya kung paanong halos makuyumos nito ang hawak
Pinasadahan ni Meredith ng titig ang sarili sa malaking salamin sa kanyang harapan. Kuntento siya sa nakikita. Bumagay sa kanya ang black cocktail dress na abot lang hanggang itaas ng tuhod niya. Nagsisilbing accent sa kabuuan niyang ayos ang emerald earring at necklace na iniregalo nina Mommy Audrey at Daddy Henry noong birthday niya. The jewelry made her look exquisite. Manipis lang din ang make up niya at maayos na naka-bun ang mahaba niyang buhok. Finishing touches niya ang pagwisik ng perfume sa katawan. Her favourite vanilla scent. Caleb's fave also. Nang masiguradong okay na ang lahat, pinulot niya ang purse sa ing babaw dresser at naglakad palabas ng silid. Para siyang naninibago sa taas ng takong pero kinaya naman niyang dalhin nang hindi natutumba.Pababa na siya ng hagdanan nang hindi niya maiwasang libutin ng tingin ang kabuuan ng bahay. Tatlong buwan na rin silang bumukod nina Caleb. Mahabang paliwanagan pa ang kinailangan bago sila payagan ni Mommy Audrey. “Namatay na ng