Gabi na nang makarating sila ng Maynila. Back to Manila, back to reality. Dalawang buwan lang siyang nanatili sa Bulacan pero pakiramdam niya ay matagal siyang nawala. Nakakapanibago. Nakakakaba ang muling pagtungtong nila sa lungsod.“Welcome home, Caleb, Mere!” Ang excitement ni Mommy Audrey ay hindi matawaran. Caleb felt anxious pero naroroon ang katatagan na dati na niyang nakikita sa asawa. “You’ll be okay, son.” Inakbayan ni Mommy Audrey si Caleb.“As long as I'm with my wife, I’ll be fine.”Caleb never let go of her hand. She felt needed.She felt valued.Sa unang gabi nila sa condo, halata ang paninibago nilang pareho. Tahimik na pinakikiramdaman niya ang asawa habang inaayos ang higaan nila while Caleb just stood quietly behind the wall. Nakapamulsa ito sa suot na sweatpants at nakatunghay sa mga ilaw sa labas. Ilang buwan na tanging mga bituin ang nagsisilbi nilang entertainment sa gabi kapag ayaw nilang manood ng TV. This was a major change for both of them.Nilapitan niy
Nahihilo at tila sinisikmura si Meredith nang magising kinabukasan. Hindi tuloy niya naipaghanda ng agahan si Caleb. Madaling araw pa lang kasi ay dinaanan na ito ni Tito Lorenzo at sasaglit daw ang mga ito sa hacienda. Tumanggi siyang sumama. Pakiramdam niya ay hindi niya kaya. Buong umaga ay halos nakahiga lang siya. Ang bigat kasi ng katawan niya. Kung nandito lang si Caleb, may napaglalambingan sana siya. “More sleep, Mere.” Hinahatak siya ng antok. Tanghali na nang mawala ang sama ng pakiramdam. Naligo siya at nagbihis ng mas presentableng damit. Sa kabilang silid na siya nag-ayos ng sarili dahil hindi kasama ang mga personal belongings niyang nailipat ni Caleb. Habang sinusuklay ang buhok sa harap ng salamin, hindi sinasadyang napalingon siya sa travelling bag niya na hanggang ngayon ay nakalapag sa gilid ng cabinet. May isang bagay siyang itinago roon. Inabot niya iyon at binuksan. There, just a few seconds after, hawak na niya ang itinagong annulment paper at marahang hinaha
Pakiramdam niya ay nagiging malapot ang dumaloy na dugo sa buong sistema niya at sumisikip ang lagusan ng daanan ng hangin patungo sa kanyang baga. Ang mga tuhod niya ay nagsimula nang mangatog. And when she looked into his eyes more closely, nakita niya ang matinding emosyon. Ang mga matang kanina lang ay puno ng pagmamahal na nakatitig sa kanya, ngayon ay purong hinanakit at galit ang nasisilip. “I found this in your drawer.” Itinaas nito ang dokumento. His voice was too low. Wala na ang lambing at suyo. "You…lied to me…” Tila patalim na tumutusok sa kanyang puso ang mahina ngunit mariing pagbanggit nito sa bawat salita. A certain kind of coldness blanketed all over her. Ramdam niya ang panlalamig sa kanyang balat. Humakbang ito, napaatras siya. She was afraid. She felt so little in his eyes, in his presence. Humakbang pa ito ng dalawang beses palapit sa kanya. Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya sa hindi na itinatagong galit sa mga mata nito. Gusto niyang magsalita pero hind
“Come back here at this instant, Caleb!”Parang binging hindi niya pinansin ang matinding galit ng kanyang ina. Wala siyang balak na pakinggan ang lahat ng sasabihin ng mga taong nasa loob ng unit niya. Not a word from that woman. He didn’t want to hear anymore of her lies.“Ahh!”Kumawala ang malakas na sigaw mula sa kanya habang lulan siya ng elevator patungo sa ground floor. Gusto niyang pagsusuntukin ang pader. Gusto niyang ilabas doon ang inis, galit, prustrasyon, paglkalito. Gusto niyang sumabog ng oras na iyon. Nang bumukas ang elevator ay halos takbuhin na niya ang main entrance. Not a second to waste. Tuluy-tuloy siya sa paghakbang at kaagad na pinara ang taxi na nagbaba rin ng pasaherong papasok sa building.“LJ Towers.” Ibinigay niya ang pangalan ng tower na tutunguhin.Sitting inside the car and looking at the now familiar surroundings made him feel so infuriated. He was fuming mad. Sobrang galit na galit siya. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya.He was manipulated by
Nakapikit na sinamyo ni Meredith ang simoy ng hangin na tumatama sa kanyang mukha. Nakalabas ang kanyang ulo sa bintana ng treehouse na kinaroroonan at hinayaang isayaw ng hangin ang mahabang buhok. Ang sarap lang sa pakiramdam ng pagdampi ng malamig na hangin at ang pakinggan ang pagaspas ng hangin at huni ng mga ibon sa paligid. Anim na buwan pero ganoon pa rin ang dulot na tuwa sa kanya ang kagandahan ng paligid. Nature’s bounty at its best. “Ate, umakyat ka na naman diyan.” Napadilat siya ng mga mata nang marinig ang matinis na tinig ng batang si Ayla mula sa paanan ng hagdanan ng treehouse. Problemado ang mukha nito, takot na masabon. “Naku, Ate, baka mapagalitan kami nina Nanay Celia at Tatay Ming niyan, eh.” Nginitian niya lang ang bata at kinawayan. Wala na talaga siyang nagagawang hindi siya binabantayan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Konting kibot niya lang, laging nakakaalalay ang mga ito. Kabilin-bilinan kasi ni Tatay Ramon na babantayan siya palagi. “Aakyat
“Ang gwapo talaga ni Baby Jib, Ate."Malusog na batang lalaki ang iniluwal niya. Baby Jib kung palayawan ito ni Ayla. Kaya, ganoon na rin ang nakasanayan nilang itawag sa sanggol. Such a perfect gift, ito ang bumuong muli sa pagkatao niya. She had never felt so complete and happy. Tama nga ang sinabi ni Nanay Celia, walang kapantay na kaligayahan ang pagiging isang ina. Sa pagdating nito sa buhay niya ay mas naging matatag siya. Ina na siya ngayon, hindi na lang ang sarili ang alalahanin niya. Her child will be her top priority. Higit kanino man, ang tatay niya ang pinakamasaya sa pagsilang ng anak niya. Kapag umiiyak ang baby sa gabi, mabilis pa sa alas kwatro na nadadaluhan nito ang bata. Kahit sina Nanay Celia at Ayla, halos sa kanila na nagpapalipas ng magdamag. She was a single mother but she felt fine. Lagi kasing nakaalalay ang mga ito sa kanya. Basta ba nandiyan lang lagi ang tatay niya. Ngunit ang inakala niyang maayos nang buhay ay susubukin ng isang masaklap na pangyayari
“I am so proud to report to you that our expansion in the European and Australian markets is doing well. Our performance in the Asian market remains strong, as well.”The board of directors was satisfied. Lahat ng nasa conference room ay pumapalakpak. Ang Tito Lorenzo na umupo bilang presidente ng kumpanya at tumayong presiding officer kahalili ng inang pansamantalang out of town ay makikita ang nod of approval para sa kanya. MS Prime Global Corporation, the new name of their conglomerate is in good hands. His great grandfather must have been proud of them.“Well, this calls for a celebration,” komento ng isa sa mga board of directors.Sumunod pa ang ilang papuri. All in all, jubilant ang atmosphere sa buong silid.“We could never go wrong with Caleb’s leadership,” hindi na naiwasang i-contain ni Tito Lorenzo ang tuwa. Lumalabas at lumalabas ang pagiging proud nito sa kanya. Kumindat pa ito nang magtagpo ang mga titig nila. Para itong proud na tatay sa kanya. Hindi niya ito masisisi, n
“You may go home, Rica,” utos ni Caleb sa sekretarya matapos nitong iabot ang files na kakailanganin niya. Pati flash drives at password nito sa computer ay ibinigay sakaling may kakailanganin siya na nasa laptop nito. “Are you sure, Sir, na okay ka lang na iwanan kita?” He looked at his secretary and nodded. Kalabisan na kung pati buong Sabado ay ibuburo niya ito sa opisina. May buhay ito at may pamilya. “Yes, I’ll be fine.” “Okay, Sir.” Nag-atubili pa si Rica ngunit wala ring nagawa. Her son needed her the most, dapat nasa tabi ito ng anak nito lalo na ngayong weekends. Hindi niya ito maaaring idamay sa pagiging workaholic niya. Wala naman siyang magagawa kapag nasa bahay lang. Kailangan lang niyang i-review ang ilang mga dokumento. Ayaw niya ng butas sa lahat ng transaksyon na pinapasok at papasukin kaya, doble ingat palagi. Nagsimulang gumiling ang oras sa kanya. Ang balak sanang pagsilip ay nauwi sa ilang oras na pakikipagbuno sa kung ano man ang maaari niyang matapos. Eksak
“Never fall in love with a Santibanez nor a Romero.” Bata pa lang ako, naririnig ko nang madalas na sinasabi iyon ng aking ina. Walang araw na lumipas na hindi iyon tumutunogna parang sirang plaka sa aking tainga. Parang alarm clock, parang embedded sound sa cellphone. Minsan, natatawa na lang akong umaangil. “Mommy, I am too young for love. ‘Di ba, Daddy?’ Kapag ganoon na ang tanong ko na tila naiinis, isang kindat at ngiti sabay gulo sa aking mahabang buhok lang ang sagot ng ama ko. Mom was the boss of the household. Young and innocent, isinaulo ko rin ang bilin ng nanay ko. Sobrang naisaulo ko na kahit na sinong lalaking nakikita ko, disgust ang mararamdaman ko sa kanila lalo na kapag nagpapakita na ng motibo. Love, for me, was something too overrated, but at the same time, too underrated, as well. Ang gulo ng ideya ko. Basta, love to me was disastrous. If it wasn’t someone like my father, eh, huwag na lang. Sakit lang ng ulo. No man, no relationship, mas okay. I feel safer. Bei
Sa araw ng binyag, parang fiesta sa buong farm. It was indeed a great welcome for Noelle Margarette to the Christian world. Tila naman ramdam ng anak nila ang saya sa paligid. Kahit isang beses ni hindi ito umiyak, kahit na nga pinagpapasa-pasahan ng mga ninong at ninang. Sina TJ at ang kambal naman ay masayang nakikipaglaro sa mga anak nina Harrison at Hannah at mga anak ni Becca. Babysitter ng mga bubuwit ang mas matatandang mga anak ni Kuya Noah. Their laughter was like a beautiful music in the air."I'm sorry, Ate, I'm late again.""At least, dumating ka, Exir."Inayos niya sa lalagyan ang cake na bitbit ni Exir. He arrived with a nice lady in tow. Mukhang in love na ang isang ito. "Cali?""Alam mo naman 'yon, Ate."Muli, hindi na naman nakadalo si Cali. Something was really up with her. Isang araw ay tatanungin niya ito, babae sa babae. For now, ang kasiyahan muna. Ayaw niyang mahahaluan ng lungkot ang masayang atmosphere sa paligid. Ang saya lang ng lahat. Lalo na ang pakinggan
“Saan ko ba ililista si Phil, sa ninang o sa ninong?” “Kurot sa singit, you like?” nakatikwas ang kilay na agarang sagot ni Phil sa pabirong hirit ni Hannah. Tumayo pa ito at umaktong binabatukan ang babae. Malakas ang naging tawanan nila. Kasalukuyan silang nasa den ng bagong tayong bahay nina Hannah at pinagkakaabalahan ang paghahanda para sa binyag ni Baby Snoe. Noe eventually became Snoe. Paano ay nahirapang bigkasin iyon ng pangalawang anak ni Hannah. “Ay, hindi! Ikaw ang gagawin naming assistant ng paring magbibinyag kay baby.” "Ay, bet kong maging sakristan." Sa lakas ng hagalpakan nila ng tawa, nagising tuloy ang mga anak nila ni Hannah na magkatabi sa kani-kaniyang crib. Nag-contest sa pag-iyak ang dalawang bata. Kaya naman, kanya-kanya silang buhat sa mga bulinggit. Mahigit isang taon na ang kay Hannah, anim na buwan naman ang sa kanya. “Ayan, mga mahadera, nagising tuloy.” Tumayo si Phil at niligpit ang lahat ng kalat sa parihabang mesa. “Mabuti pa itigil na muna na
Matuling lumipas ang mga araw. Parang ang bilis ding lumaki ng tiyan ni Meredith. Sa tatlong pagbubuntis niya, itong isang ito ang pinakamadali. Dagdag pa na napapalibutan siya ng mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Early stage pa lang ng pregnancy, kung anu-anong regalo ang natatanggap niya. Katunayan, puno na kaagad ng gamit ang closet ng bagong nursery na pinaayos ni Caleb. All throughout her pregnancy, hindi nawala sa tabi niya si Mommy Audrey. Pansamantalang naka-on hold ang paglalagalag nito at ni Daddy Henry at halos sa bahay na nga naglalagi ang mga ito. She was her mother-in law's top priority. “Hindi mo luto ito, Mommy.” Hinalo-halo niya ang ginataang mais sa mangkok habang nagbukas naman ng canister ng cream ang biyenan na ipinanghahalo nito sa tinimplang kape. Nakadalawang subo na siya sa pagkain.“Paano mo nasasabi?” “May cheese kasi.” Napangiti si Mommy Audrey. “Talagang kabisado mo ang luto ko, ano?” There was pride in her voice.“Every hint of spice and co
May mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang punong-tainga. May tila rin naghalong tila tumutusok at nakakakiliting kung ano sa balat niya. Was she still dreaming? Sumamyo kasi sa ilong niya ang pamilyar na scent ng asawa niya.Nasa Japan pa si Caleb. Kausap niya ito kahapon."Hmm, it smells nice."Boses iyon ni Caleb. Ibinuka niya ang namimigat na mga talukap. And there, Caleb's playful grin and lustful stares greeted her eyes. Tuluyan na ngang nagising ang diwa niya. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakaluhod sa harapan niya. Nakabakod sa katawan niya ang matititpunong mga braso na nakatukod sa sandalan ng upuan. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na sa wakas ay nahahawakan at naaamoy na niya ito. She couldn’t contain her happiness."Caleb…""Hello baby."He moved his face closer to her. Naglapat ang mga labi nila habang masuyong humahagod ang buko ng mga daliri sa kanyang mukha. Malambing ang pagkakahagod na tila nag-i-engganyo sa ka
Sumabog ang palakpakan sa buong venue nang matapos ang presentation ng nakahilerang mga toddlers sa stage. Itinuon ni Meredith ang camera sa anak niyang si Maddie at sunod-sunod na kinunan ito ng larawan. Ang cute ng anak niya sa suot nitong white tutu. Habang lumalaki ito, mas lalo namang gumaganda at mas naging prominente ang talent nito sa dancing. Sa isang pag-click niya ng camera, on point niyang nakunan ang anak na kumakaway sa gawi nila. Litaw ang maliliit na pares ng mga ngipin.“She looks so pretty.”Hindi mapuknat ang palakpak at papuri ni Hannah. Nagiging malikot ito na kumakaway-kaway pa sa anak niya.“Careful .” Bumaba ang tingin niya na maumbok nitong tiyan. “Baka mapingot ako ng mister mo. Halos ayaw ka ngang pasamahin sa akin ng isang ‘yon.” Nasa bakasyon sina Mommy Audrey at Daddy Henry. Si Caleb naman ay nasa business trip kaya, ang buntis ang binitbit niya sa recital.Napahinto sa pagpalakpak si Ninang Hannah at nakaingos na lumingon sa kanya. “Pitikin ko ‘yong betlo
Kanina pa nakatitig si Meredith sa name plate na nakapaskin sa pintuan ng silid na nasa harapan niya. She silently reading the name engraved on it in bold metallic color. Pangalan ng psychiatrist na nagmamay-ari ng clinic. It was a Sunday pero pinayagan sila ni Dra. Lutgardo na pumasok dito. Sitting beside her felt like… Hindi niya maipaliwanag. Ilang minuto na rin silang magkatabing nakaupo sa bench sa lobby ng private office. Kung siya lang, makakaya niyang huwag kausapin ang katabi kahit magdamagan pa, pero iyon ang ipinunta nila dito. Para sa kanya, ito ang perpektong lugar para mag-usap. Sa kanyang peripheral view, nakita niya ang katabi na tahimik lang ding nakaupo. Her hands were clasp on her thighs. Kabado ito. Kanina nang dumating ito, hindi ito makatingin sa kanya ng tuwid. Ramdam niyang nahihiya ito. Dapat lang. Once she unleashes her fury, baka kung saan ito pupulutin. However, she’s here to know her side of the story, and she had to start somewhere. “I used to spend cou
Bettina Alcantara.Paulit-ulti na tila kalimbang na naglalaro sa isip ni Meredith ang pangalang 'yon. Narinig na ba niya ang pangalang Bettina Alcantara? It didn’t ring a bell. Kailanman, hindi pa niya ito nakatagpo pero sa kung anong dahilan, may gumapang na kirot sa puso niya. Ang nalilitong isipan ay inagaw ng isang bulto ng katawan na iniluwa mula maindoor ng bahay. Wala sa sariling napalapit siyang lalo sa gate at napahawak sa bakal. Malayo man pero hinulma ng imahinasyon niya ang imahe ng babaeng nakatayo roon. Once again, her heart was racing so fast. Nakabibingi ang ingay ng puso niya. Hindi niya maagaw ang mga titig sa babaeng unti-unti na ngayong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Gaya ng kung paanong ayaw nitong tantanan ng titig ang kinaroroonan niya.May nababasa siyang mga emosyon sa mga mata nito.There was even a touch of longing.Bakit?Mas nadagdagan ang mga tanong niya sa sarili. Mas lumalawak ang hinala.Nakita niya kung paanong halos makuyumos nito ang hawak
Pinasadahan ni Meredith ng titig ang sarili sa malaking salamin sa kanyang harapan. Kuntento siya sa nakikita. Bumagay sa kanya ang black cocktail dress na abot lang hanggang itaas ng tuhod niya. Nagsisilbing accent sa kabuuan niyang ayos ang emerald earring at necklace na iniregalo nina Mommy Audrey at Daddy Henry noong birthday niya. The jewelry made her look exquisite. Manipis lang din ang make up niya at maayos na naka-bun ang mahaba niyang buhok. Finishing touches niya ang pagwisik ng perfume sa katawan. Her favourite vanilla scent. Caleb's fave also. Nang masiguradong okay na ang lahat, pinulot niya ang purse sa ing babaw dresser at naglakad palabas ng silid. Para siyang naninibago sa taas ng takong pero kinaya naman niyang dalhin nang hindi natutumba.Pababa na siya ng hagdanan nang hindi niya maiwasang libutin ng tingin ang kabuuan ng bahay. Tatlong buwan na rin silang bumukod nina Caleb. Mahabang paliwanagan pa ang kinailangan bago sila payagan ni Mommy Audrey. “Namatay na ng