MCS C54“’Wag n’yo nang isali ang asawa ko sa mga kalokohan n’yo,” Agad akong napatingala at nakita si Irene pababa. Tsk mabuti na lang at nandito siya.“Hindi naman talaga siya kasama Irene, ito lang namang mga kaibigan n’ya,” sagot naman ni Rena kaya hindi ko mapigilang mapangiti habang asar akong tiningnan nang dalawa.“Oh, ano pang hinintay n’yo? Tanggalan n’yo na sila nang leeg.” Awang ang aking b*big habang napatingin sa asawa ko pababa dahil sa kanyang sinabi.“’Wag ka namang magbiru nang ganyan Mare,” Natatawang wika ni Kevin habang pansin ko ang kanyang pamumutla.“Baby, ano ba naman ‘yang sinabi mo? Alam mo naman na mga kaibigan ko sila,” Masama niya naman akong tiningnan kaya hindi ko rin mapigilang kabahan. Minsan talaga hindi ko alam kung mahal ba talaga ako nang asawa ko.“Naill, nagugutom ako,” Taka akong napatingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Pa rang kanina lang kasi ay galit siya ngayon hindi na.“Sige, bibili lang kami, ano ba’ng gusto mo?” tanong ko sa kanya.
Last Updated : 2023-02-05 Read more