C25 MCSNagising ako sa ingay na naririnig ko kaya agad akong nagmulat sa aking mga mata.“Oh Irene, gising ka na pala,” ngiting wika ni Rena habang nakahiga siya sa gilid . may nakalagay rin sa kanyang dextrose habang kumakain siya ng prutas. Napatingin naman ako sa paligid at napansin na nasa hospital pa rin kami.“Anak,” hindi ako nakagalaw ng makita si Mama, unti-unti ring pumatak ang aking mga luha sa aking mga mata habang nakatingin kay Mama na papalapit sa akin. “Mama,” iyak kong sambit sa kanya habang mabilis niya akong niyakap.“Anak, bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari sayo?” mahinang tanong ni Mama habang yakap niya ako.“Patawad po Ma, natatakot po kasi ako,” hikbing wika ko kay Mama. “Tama na anak, ‘wag ka nang umiyak makakasama ‘yan sayo,” Kumalas si Mama sa pagyakap sa akin habang pinunasan ko naman ang aking mga mata.“Irene,” napaiyak akong tumingin kay Tiya habang papalapit siya sa akin.“Ikaw talagang bata ka, akala ko titino ka na kapag magtrabaho ka,” iya
Last Updated : 2022-05-11 Read more