Home / Romance / Sold for a Billionaire's Son / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of Sold for a Billionaire's Son: Chapter 101 - Chapter 110

120 Chapters

Chapter One Hundred One

OliviaI was busy preparing some documents inside my father's office nang biglang pumasok ang secretary ni daddy. Sinulyapan ko lamang siyang sandali at tsaka muling pinagpatuloy ang aking ginagawa."What do you need?" I asked while typing at my laptop."Pinatatawag po kayo ni Sir Oliver sa meeting room." Usal ng secretary ni daddy.Napahinto ako at nilingon siya. "Akala ko ba'y-" hindi pa ako tapos sa aking sinasabi nang bigla siyang magsalita."May sasabihin raw po sa inyo ang inyong ama. Kung puwede pong paistorbo lamang kahit na sandali."I heaved a sigh bago magpasiyang isarado na muna ang laptop ko. Kamot ulo akong tumayo at nilisan ang opisina ni daddy.Pagpasok ko sa meeting room ay sakto namang kakalabas lamang nang hindi kilalang lalaki na kausap ni daddy. nagkatinginan pa kami nang mata sa mata bago siya tuluyang umalis. Nang magtagpo ang mga mata namin, kataka-takang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang bigla akong kinabahan. Naupo ako sa harap ni daddy b
Read more

Chapter One Hundred Two

OliviaPara akong binuhusan ng bagong kulong tubig dahil sa nakita ko. Mabilis na nanlambot ang mga tuhod ko, dahilan para mapaluhod ako.Nang mapansin ni Matthew iyon ay kaagad niya akong nilapitan at tumambad sa kaniya ang nakatatanda niyang kapatid na may katabing ibang babae sa kama. Kapwa ito walang mga suot na pang-itaas at tanging puting kumot lamang ang nagtataklob sa kanilang dalawa.Pinipit kong tumayo ngunit hindi ko nagawa dahil tila hinigop nila ang natitira kong lakas.Habang mahimbing ang tulog ng asawa ko at nang babae niya, ako naman ay walang imik na umiyak habang nakasalampak sa sahig. Hindi ko maiwasang tingnan sa mata si Matthew habang pinipilit niyang itayo ako. Kitang-kita ko sa mata niya ang awa niya sa akin, pero alam kong alam niya na wala naman siyang magagawa."Let's go, Olivia! Let's get out of here!" Saad niya habang inaalalayan akong tumayo.Hindi ako nagsalita. Hinayaan kong kontrolin ako ni Matthew. Hinayaan kong itayo niya ako at ilabas mula sa kwarto
Read more

One Hundred Three

LloydIsang malakas na suntok ang ibinigay sa akin ni Matthew, dahilan para muli akong bumagsak sa sahig. Kaagad naman akong nilapitan ni Francheska upang tulungan ngunit ipinagtulakan ko siya.Kanina pa ako naguguluhan sa nangyayari, pero isang ang sigurado ako. Binanggit ni Matthew na nahuli nila kaming magkatabi sa kama ng exx-girlfriend ko. Wala akong maalala dahil ang huling naaalala ko lang naman ay 'yong pumasok ako sa kwarto dahil masama ang pakiramdam ko.Wala akong ininom na kahit ano. Wala rin akong kinain, kaya't imposibleng hindi ko namalayan ang mga nangyari."Ito ba ang magandang buhay na sinasabi mong ibibigay mo kay Olivia? Isang kalokohang naniwala ako sa'yo dahil simula pa lang, alam ko nang hindi ka mapagkakatiwalaan. I trusted you, Kuya! I trusted you more than anyone else. Papaano mo nagawa 'to sa babaeng sinasabi mong mahal na mahal mo?" Alam kong nanggigigil pa rin sa akin si Matthew dahil ramdam ko iyon sa bawat salitang binibitawan niya."Wala akong maalala,
Read more

Chapter One Hundred Four

OliviaIsang linggo na rin ang nakalipas mula nang iwan ko si Lloyd. Wala kaming official break up pero sapat na sigurong rason ang niloko niya ako para kumalas ako sa kanya.Emosyonal pa rin ako hanggang ngayon dahil nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, o kung sumobra ba ako sa pagmamahal sa kaniya."Ganoon ba kahirap magmahal ng isang Montero?" biglang sambit ko habang nakatulala sa kawalan.Akala ko'y sa isip ko lamang iyon sinabi kaya't ganoon na lamang ang gulat ko nang biglang sumagot si Matthew."Hindi naman mahirap magmahal ng isang Montero. Talagang mali lang ang Monterong pinili mo." Sambit niya. Nilingon ko siya matapos niyang magsalita."May mali ba sa akin, Matthew? Bakit nagawa ni Lloyd iyon, gayong mahal na mahal ko naman siya? Ganoon ba ako katanga para lokohin niya lang?" Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew.Tahimik niya akong pinagmasdan habang patuloy na tumutulo ang luha ko.
Read more

Chapter One Hundred Five

OliviaNang dumating ang mga pulis, kaagad nilang inabot sa akin ang isang plastic na naglalaman ng ilan sa mga gamit ni daddy kasama na ang cell phone, rolex na relo at ang kwintas niyang naglalaman ng litrato naming tatlo kasama si mommy."Miss San Cristobal, nakikiramay po kami sa pagkawala ng inyong ama." Sambit sa akin no'ng pulis na nag-abot sa akin ng gamit ni daddy."Hindi totoo 'to! Hindi totoo ito." Humarap ako kay Matthew at hinampas siya sa dibdib gamit ang dalawa kong kamay. "Sabihin mong prank lang 'to, Matthew! Bawiin mo ang lahat. Sabihin mong panaginip lang ang lahat nang ito."Hindi nagsalita si Matthew. Pinilit niya akong yakapin ng mahigpit. Doon na ako nagsimulang humagulgol. Humagulgol ako kasabay ng pagtawag ko kay daddy.Habang nasa bisig ako ni Matthew, narinig kong nagpaalam na 'yong mga pulis sa amin. Narinig ko rin na sinabi no'ng mga pulis kung saan matatagpuan si daddy.Pinilit kong kumalas mula sa pagkakayakap ni Matthew. "Gusto kong makita ang daddy ko.
Read more

Chapter One Hundred Six

OliviaPagmulat ko nang aking mga mata, bumungad sa akin ang mga aparatong sa ospital lamang matatagpuan. May babaeng pamilyar sa akin na nakatungo hindi kalayuan sa aking hinihigaan."Yaya Luna?" sambit ko.Pagtunghay no'ng babae, si Yaya Luna nga. Kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin.Hinawakan niya ang kamay ko habang maluha-luha ang kaniyang mata. "Kumusta po ang pakiramdam mo, Ma'am Olivia?"Hindi ko sinagot ang tanong niya. Bagkus, sinagot ko iyon ng isa pang tanong. "Kailan ka pa nakabalik, Yaya?""Kahapon pa po. Tinawagan ako ni Sir Oliver. Sabi niya sa akin na kailangan mo raw ng makakasama sa bahay kaya nagpasiya akong bumalik.""Tinawagan ka ni daddy?"Tumango si Yaya Luna. Napalunok naman ako at nagbuntong hininga. Ibig sabihin ba no'n, alam na ni daddy na may masamang mangyayari sa kanya kaya nagbilin na siya kay Yaya Luna?"Kinalulungkot ko po ang nangyari sa inyong ama. Matagal-tagal na rin akong nagsilbi sa inyo at nasaksihan ko ang paglaki mo.""Nasaan si Maathew?"
Read more

Chapter One Hundred Seven

OliviaBawat araw na lumilipas ay mahirap para sa akin. Hirap akong kumilos at ang bigat-bigat ng dibdib ko. I reaally miss dad. I really miss his existence.Nakatingin ako sa kabaong ni daddy habang tumutulo ang luha ko. Nanginginig rin ang mga kamay ko. Tumabi sa akin si Yaya Luna para pakalmahin ako."Mahal na mahal ka talaga ng daddy mo. Maging sa huling hininga niya ay ikaw pa rin ang iniisip niya." Sambit ni Yaya Luna.Nilingon ko siya at tsaka ako nagsalita. "Ano pong ibig niyong sabihin, Yaya?"Kaagad na inabot sa akin ni Yaya Luna ang cell phone ko. Ang cell phone ko na hindi ko alam kung kailan ko huling nahawakan."Inabot sa akin ni Matthew kanina 'yan. Ibigay ko raw sa 'yo." Wika ni Yaya Luna.Nilingon ko siya nang may pagtataka. "Si Matthew? Nandito siya?"Tumango naman si Yaya Luna. "Dumaan siya kanina at inabot niya sa akin 'yan. Alam niyo raw na kailangan mo 'yan sa huling araw ng papa mo kaya pinaayos niya raw para sa 'yo.""Pinaayos?""Oo! Sinira mo raw kasi 'yang ce
Read more

Chapter One Hundred Eight

OliviaIt was exactly 3:00 pm at kakatapos lang ng libing ni daddy. Pinili kong magpaiwan mag-isa habang si Yaya Luna naman ay muling bumalik sa memorial chapel para magligpit at magpakain na rin sa lahat ng mga nakipaglibing. Habang nakatitig ako sa lapida ni daddy, paulit-ulit kong hinihiling sa diyos na sana ay panaginip lang lahat ng ito. Na sana paggising ko, bumalik na sa dati ang lahat.Hindi ko rin maiwasang hilingin na sana ako na lang 'yong nawala. Sana ako na lang ang na-ambush para hindi ko na dinadala pa itong bigat sa dibdib ko ngayon. "Paano ako magsisimula gayong wala ka na, Daddy? Papaano ako babangon sa bawat araw na wala ka na sa tabi ko? Napakahirap mawalan ng magulang. Napakasakit." Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap sa puntod ni daddy nang maramdaman kong may humawak sa magkabilang balikat ko. Bumuntong hininga ako at tsaka dahan-dahang lumingon. Ilang segundo rin akong natigilan bago nag-sink in sa utak ko. It was Lloyd and Matthew again. Ano na namang g
Read more

Chapter One Hundred Nine

Lloyd"Tinawagan mo na ba si Olivia? Siya ang kailangang kumausap sa mga taong ito para kumalma sila." Sambit ko habang tinitingnan ang kumpulang tao sa harap ng El Cristobal."She's out of reach, pero sinabihan ko na si Yaya Luna. Kung sakaling bumalik na sa memorial chapel si Olivia, malalaman niya pero kung nasa sementeryo pa rin siya, wala tayong choice kung hindi ang maghintay dito." Sagot naman ni Matthew. "Wala ka bang naiisip na paraan? Kausapin mo kaya muna sila? Baka sakaling kumalma.""Sa tingin mo kapag tumayo ako sa harap nila, titigil sila? Ni hindi nga alam ng karamihan diyan na nag-e-exist ako, 'eh. Mamaya pagbantaan pa ako. Eh, ikaw? Alam mo kung paano mag-handle ng mga tao, hindi ba? Bakit hindi ikaw ang tumayo doon?" "Any moment, posibleng may dumating nang mga media. Hindi nila ako pwedeng makita dito dahil maaaring maapektuhan ang kompanya.""Kung ang kompanya pala ang iniisip mo, bakit ka pa pumunta dito in the first place? Sumama ka lang to check kung gaano ka
Read more

Chapter One Hundred Ten

OliviaMakalipas ang halos isang buwang diskusyon at pag-aareglo ay nadaan rin sa usapan ang lahat. Tumigil na rin ang mga empleyado naming nagpoprotesta matapos nilang makuha lahat ng kailangan nila. Sa tulong na rin ni Atty. Sandoval, nagawa kong makapag-desisyon agad. "Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Olivia?" malungkot na tanong ni Matthew sa akin.Tumango ako sa kaniya. "Wala na ring dahilan para manatiling nakatayo ang kompanyang ito. Wala na si daddy kaya wala nang dahilan para manatili pa ang El Cristobal. At tsaka isa pa, si Attorney na rin ang may sabi na may nagke-claim na sa properly ni daddy at valid ang mga dokumento niya dahil pirmado mismo ito ni daddy. Anong laban ko do'n?""Pero paano ang alaala ng daddy mo? Pinaghirapan niya ito, hindi ba?""Wala na tayong magagawa, Matthew. Nagdesisyon na ako. Masakit sa aking pakawalan ang El Cristobal pero hindi na kami ang nagmamay-ari nito.""Paano ka na? Anong balak mo pagkatapos nito?"Bumuntong hininga ako at tsaka tiningna
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status