JEAN’S POV“BIBIGYAN kita ng limangdaang libo layuan mo lamang ang anak ko,” wika ng Ginang na kaharap namin ngayon ng boyfriend ko. Napamulagat ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Sasagot na sana ako ng malakas na “oo” dahil malaking pera na rin iyon subalit pinisil ng boyfriend ko nang pagkalakas-lakas ang kamay ko hudyat para mapangiwi ako kasabay pa ng pagtitig niya sa akin nang may naniningkit na mga mata. “Hindi po ako nababayaran, Maam. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo,” sa halip ay ganoon ang sinabi ko kahit na kanina pa ako nakatitig sa kamay niyang may hawak na tseke at permado na habang nakalimbag doon ang mga salitang five hundred thousand pesos only. Sa totoo lang kanina ko pa gusto kunin sa kamay niya ang tsekeng iyon dahil maraming pera na iyon kung tutuusin.“Mahal na mahal namin ang isa’t isa, Mommy kung kaya’t hindi niyo na po kami mapaghihiwalay pa. Hindi nga ba’t matagal na
Huling Na-update : 2022-02-20 Magbasa pa