JEAN’S POV
“GANITO ang plano natin,” nag drowing muna ako ng mga areas ng hotel at pinangalanan ang bawat area at nilagyan ng pangalan ng tao kung sino ang nakadestino sa lugar na iyon. “Khen at Reynard, hanapin ninyo ang lalaking karelasyon ng bride at siguraduhin ninyong madadala ninyo siya sa church part ng hotel. Kaya na naming mga babae doon sa church. Hihintayin ko lang na sabihin ng pari kung may pipigil ba sa kasal, tatayo ako sa part na iyon at sisigaw. Kami ni Josebeth na ang bahala sa church at ikaw Madel, maiiwan ka sa loob ng van kung saan imomonitor mo ang mga kilos naming apat at kilos ng ibang tao sa paligid. Pagkatapos nating maitigil ang kasal ay mabilis na tayong lalabas ng hotel at hanapin ninyo agad ang sasakyan dahil tayo ay eeskapo na. Maliwanag?” mahaba kong paliwanag sa mga ito.Tumango-tango naman ang apat kong kasamahan. “Go Team! For five hundred thousand pesos!” pinagpatong-patong pa naming ang tig isa naming kamay pagkatapos ay sumigaw ulit ng “Go Team!”NAKARATING na kami sa hotel. Katulad ng plano, naiwan si Madel sa loob ng van. Sina Reynard at Khen naman ay kanina pang nauna sa loob ng hotel upang mag install ng hidden cameras na connected sa telebisyon namin na nasa van at upang hanapin na rin ang other man ni bride. Nagmamadali na kaming kumilos ni Josebeth at nagtungo na kami sa loob ng hotel at pupunta na kami sa church part nito na located sa fifth floor. Nakasuot ako ngayon ng isang dress na kulay itim na above the knee na binagayan ko rin ng itim na stiletto. Nagsuot din ako ng shades at itim na sombrerong pabilog para magmukhang class akong tingnan kapag sisigaw na akong itigil ang kasal.
Nagulat pa ako nang biglang tumunog sa tainga ko ang isang maliit na device at marinig ang sinabi ni Madel na nagsisimula na raw ang seremonya kaya’t dapat na kaming magmadali sa pagpunta roon. Hinatak ko naman si Josebeth at nagmamadali na kaming sumakay sa elevator ngunit pahinto-hinto rin ito sa iba’t ibang floor sapagkat marami ang sakay nito.Maging ako rin ay kinakabahan sa gagawin kong ito. Hindi ko ugaling manira ng may buhay ng may buhay ngunit kinakailangan ko itong gawin dahil tungkulin naming tulungan ang mga taong nasa alanganing sitwasyon. Tama nga naman ang kapatid ng groom, nararapat na pigilan ang kasal ng kuya nito habang maaga pa dahil pag pinatagal pa maaaring marami pang mangyari na hindi maganda.“Jean, nasaan na kayo? Nagmamartsa na ang bride papunta sa groom,”“Sh*t!”napalakas yata ang pagmura ko dahil sa sitwasyon at baka mahuli pa kami kaya napatingin lahat sa akin ng mga kasama ko sa elevator. Hindi ang kaibigan ko ang minumura ko kundi ang sitwasyon.MADEL’S POV
HALOS matutop ko ang aking bibig nang makita sa screen na ang groom pala na tinutukoy ng babaeng tumawag sa amin ay si Denisses. Paano na ngayon? Hindi na namin pwedeng itigil ang misyon na ito dahil naipasa na sa amin ng kliyente ang kontrata para sa misyong iyon at maging kami ay nakaperma na. Bayad na rin ang kliyente namin kanina pa. Wala ng point para sabihin ko pa kay Jean na si Dennises ang groom. And worst is, ang kasal pala ni Denisses ang pipigilan namin.Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone. Sa background ng tumatawag ay naririnig ko ang wedding march hudyat na naglalakad na ang bride patungo sa altar at ganoon nga rin ang nangyayari sa pinapanood ko ngayon.“Hello Your Wish is my Command! Nasaan na kayo? Huwag kayong mahuhuli dahil kinakailangang mapigilan ang kasal. Nagbayad na ako kaya gawin ninyo ng maayos ang trabaho ninyo,” ang tinig ng babaeng kliyente namin ang narinig ko sa kabilang linya.“Nariyan na po sila Maam sa hotel. Konting hintay lang po maam at pangako darating po sila sa tamang panahon,”“Siguraduhin niyo lang,” iyon lamang ang sinabi ng babae at pinatay na nito ang tawag.Napabuntunghininga ako. Ano ba naman tong sitwasyon na pinasok namin. Tiyak na si Jean ang maiipit kapag nagkataon.JEAN’S POV
““SPEAK now or forever hold your peace,” narinig kong sabi ng pari kaya napatayo ako sa gitna habang nanginginig ang mga tuhod bago nagkalakas loob na isigaw ang mga katagang “Itigil ang kasal!” Kitang-kita ko na nagimbal ang lahat dahil sa aking sinabi. Katahimikan ang namayani at maya-maya pa’y wala na akong nagawa kundi takpan ang aking mukha dahil katakot-takot at nagkikislapan na flash ng camera ng mga reporters ang bumubungad sa aking pagmumukha. Masyado na bang sikat ang kasal na pipigilan namin kung kaya’t pati dito ay may mga reporters? This is annoying. Hindi ko pinangarap na maging kontrabida sa kasal ng iba ngunit hindi rin nararapat sa groom na makasal sa isang maling babae.Ngunit nagkalakas-loob pa rin ako na magsalita upang mapagtagumpayan namin ang misyon habang nakatakip pa rin ang aking mukha. “Hindi nararapat na ituloy ang kasal dahil ang bride ay mayroong ibang lalaki at nagpaplano sila na kapag nakamkam na niya ang lahat-lahat ng ari-arian ng kanyang groom ay babalikan niya ang lalaking ito,” pagkatapos ay sakto namang bumukas ang pintuan at biglang ipinasok ni Khen at Reynard ang other man ng bride.
Hindi ko na tinakpan pa ang aking mukha dahil nasa iba na ngayon ang spotlight kung kaya’t napatuunan ko ng pansin ang bride na nasa altar. Parang binuhusan ito ng malamig na tubig pagkatapos makita ang lalaking naroon din ngayon sa simbahan. Dumako naman ang tingin ko sa groom na katabi ng bride at nagulat ako nang makita ang walang emosyon na mukha ni Denisses! Para akong nanghina ngunit hindi ko maaaring ipakita.Of all the people na puwedeng maging kliyente ang kapatid pa nito! Of all the people na puwedeng ikasal si Dennisses pa! No wonder kung bakit maraming reporters ang narito ngayon sa venue. Pinag-igihan ko pang takpan ang mukha ko dahil baka makilala nila ako na ang babaeng nakahalikan pala ni Denisses noong isang gabi at ang babaeng pumigil sa kasal nito ngayon ay iisa. Baka magdulot na naman ito ng fake news at akalain ng lahat na may romantic relationship kami ng artista.“Totoo ba ang sinasabi nila Averie?” narinig kong tanong ni Denisses sa kanyang bride. Pain all over his face.Hindi pa nakakapagsalita si Averie ngunit sumigaw na ang kapatid ni Denisses. “Totoo iyon, kuya! Narinig at nakita ko ang lahat!”Tiningnan lang ni Denisses si Averie. Umiiyak na ang babae. Napahilamos ng mukha si Denisses dahil hindi rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Hinimatay ang nanay ng bride dahil sa rebelasyong kanyang nalaman kaya nagkagulo ang lahat.“Team, vacate the area now,” narinig namin lahat na wika ni Madel mula sa device na nakakonekta sa mga tainga namin kaya’t parang iisang tao lang ang aming galaw na lumabas na ng lugar na iyon. Sinamantala na rin namin ang pagkakatong iyon para makatakas na rin mula sa mga reporter.“THIS calls for a celebration! Chicken and beer! Chicken and beer!” tuwang-tuwang sabi ni Madel. Tuwang-tuwa ang lahat ng taong naroroon maliban sa akin. Bakit kaya hindi ko magawang matuwa? Bakit may bahagi sa puso ko ang nalulungkot at nakikisimpatya dahil sa nangyari kay Denisses kahit na may masama itong sinabi laban sa akin sa national t.v.?Hanggang sa humantong na kaming lahat sa isang sikat na restaurant na palagi naming pinagkakainan kapag may matagumpay kaming misyon. Paborito kasi ng kanyang mga kasama ang fried chicken doon. Habang kumakain kami ay napag-usapan namin ang tungkol sa nangyari kanina.“Ngunit hindi ko akalain na ang kasal pala ni Dennisses ang misyon natin,” napabuntunghininga pa si Josebeth.“May ipagtatapat ako sa inyo guys. May panahon pa naman para umatras tayo nang malaman kong kasal pala ni Denisses ang misyon natin. Ngunit hindi ko na sinabi dahil alam niyo na rin naman ang rules diba? “ pag-amin ni Madel.“Yeah. Once both parties signed the contract and the client already wired the money then there’s no point in turning back,” sagot ni Reynard.“Tama kayo guys. Well, it’s okay. Tatanggapin ko nalang ang katotohanan na tila sinasabotahe ako ng tadhana,”“Cheers to more successful missions guys!” sigaw ni Khen at itinaas naming nang sabay-sabay ang baso namin ng beer at nagtoast.DENISSES’ POV
“PAKIZOOM nga ang mukha ng babaeng iyan,” utos ko sa isa sa staff ng hotel nang tingnan naming ang CCTV footage sa araw ng aking kasal. Pamilyar ang babaeng pumigil sa kasal ko. Parang nakita ko na ito somewhere. Kailangan ko lang maalala kung saan. Ngunit bakit ganoon na lamang ang concern nito sa akin gayong hindi naman kami magkakilala? At paano nito nalaman na ganoon na pala ang ginagawa ng bride ko? Hindi ko palalampasin ang nangyaring ito. Nakacoverage ang kasal ko at nagkalat silang lahat doon. Napahiya ako at ang aking pamilya sa national t.v. Ito na ba ang simula ng pagkasira ko? Magbabayad ang babaeng ito kung sino man siya. Mapatatawad ko pa naman si Averie kahit na huli ko na nang malaman ang plano nito dahil ganoon ko siya kamahal at hihintayin ko siyang magbago. Kapag ganoon ang nangyari, hindi sana ako napahiya sa lahat dahil pag-uusapan lang namin iyon privately. Pero dahil sa kagagawan ng babaeng naka-itim na iyon ay nasira ang lahat. Nasira ang pangalang matagal ko nang iniingatan. Karma na ba ito sa akin dahil sa ginawa kong panghahalik sa babaeng iyon noong isang gabi?Halik. Babae. Last night. Napakumpas ako sa hangin nang maalala ang lahat. Ang babaeng hinalikan ko sa kalsada at ang babaeng pumigil ng kasal ko ay iisa.“I think I found the answer now. Thank you,”JEAN’S POV
“PAANO guys! Kayo nalang ang gumamit ng sasakyan at uuwi na ako sa amin baka kasi kanina pa naghihintay ang kapatid ko. Mag-iingat kayong lahat,” paalam ko sa aking mga kasamahan at ngumiti pa ako habang nagpapaalam sa kanila.Tuluyan na akong lumabas ng restaurant na iyon pasado alas-otso ng gabi. Naglakad-lakad muna ako upang mawala ang pagiging tipsy ko. Habang naglalakad ako ay hindi ko pa rin mawaglit sa isipan ko si Denisses kung kamusta na ba siya at kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Ipinagdarasal ko na lang na sana’y mabawasan ang sakit na dinaramdam niya.At sana’y hindi na ulit magkrus ang landas namin dahil kahit na wala kaming relasyon at hindi kami konektado sa isa’t isa ay nasasaktan pa rin namin pareho ang isa’t isa. Naputol ang pag-iisip ko nang may biglang humintong itim na van sa harapan ko at sapilitan akong tinakpan ng panyo sa ilong ng isang lalaking hindi ko kilala. Pagkatapos noon ay nahilo na ako at bago pa ako mawalan ng malay ay naramdaman kong binuhat na nila ako papasok ng van.JEAN'S POVNANG imulat ko ang aking mga mata ay labis akong nagulat at nagtaka. Hindi iyon ang inaasahan kong tagpo na makikita ko kapag naimulat ko ang aking mga mata pagkatapos kong kidnapin. Ang inaasahan ko ay isang abandonadong building ang kinaroroonan ko habang ako ay nakatali sa isang upuan, naka blind fold ang mga mata at may takip ang bunganga upang hindi makasigaw. Pagkatapos ang una kong makikita ay ang mga buhong na lalaki na parang adik kung makatingin at makangisi habang may hawak na baril.Ngunit ang lahat ng iyon ay kabaliktaran sa mga inaasahan ko lalo pa't nakahiga ako gayon sa isang malambot na kama at ang kinalalagyan ko pa ay isang magandang kuwarto, lalo pa't hindi buhong ang kanina pa nakatitig sa akin kundi isang napakagwapong nilalang.Kung maaari lang akong matunaw sa mga titig niya siguro kanina pa ako natunaw. Napalis ang isipin kong iyon nang mapansin kong kakaibang titig ang ipinupukol niya sa akin.Kung kaya't mabilis akong nag-isip ng paraan.Tama! Aa
JEAN’S POV“BIBIGYAN kita ng limangdaang libo layuan mo lamang ang anak ko,” wika ng Ginang na kaharap namin ngayon ng boyfriend ko. Napamulagat ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Sasagot na sana ako ng malakas na “oo” dahil malaking pera na rin iyon subalit pinisil ng boyfriend ko nang pagkalakas-lakas ang kamay ko hudyat para mapangiwi ako kasabay pa ng pagtitig niya sa akin nang may naniningkit na mga mata.“Hindi po ako nababayaran, Maam. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo,” sa halip ay ganoon ang sinabi ko kahit na kanina pa ako nakatitig sa kamay niyang may hawak na tseke at permado na habang nakalimbag doon ang mga salitang five hundred thousand pesos only. Sa totoo lang kanina ko pa gusto kunin sa kamay niya ang tsekeng iyon dahil maraming pera na iyon kung tutuusin.“Mahal na mahal namin ang isa’t isa, Mommy kung kaya’t hindi niyo na po kami mapaghihiwalay pa. Hindi nga ba’t matagal na
DENISSES’ POVPAGKATAPOS ng taping namin ay dumiretso ako sa lugar kung saan naroon naghihintay ang ex ko. Bago ako magpakasal ay nakiusap siyang makita niya ako sa kahuli-hulihang pagkakataon at upang magkaroon na rin ng closure sa aming dalawa dahil bago naging kami dati ay matagal na rin kaming naging mabuting magkaibigan. Nagpaalam naman ako sa aking fiancé at sinigurado ko sa kanyang wala siyang dapat na ipag-alala. Nag disguise ako at nagsuot ng kulay itim. Simula sa sombrero hanggang sa sapatos. Nagsuot na rin ako ng shades para maitago ko ang aking tunay na pagkatao dahil nasisiguro kong dudumugin na naman ako ng aking mga fans.Hindi naman sa pagmamayabang pero marami ang nagsasabi na nang magsabog daw ang kalangitan ng kagwapuhan ay tulog daw ang lahat kaya halos ako na ang nakasalo.Kinakailangan kong mag-ingat dahil sa oras na may makakita sa akin ay flash na naman ng camera ang makakalaban ko idagdag pa ang maraming fake news na maaarin
JEAN'S POVNANG imulat ko ang aking mga mata ay labis akong nagulat at nagtaka. Hindi iyon ang inaasahan kong tagpo na makikita ko kapag naimulat ko ang aking mga mata pagkatapos kong kidnapin. Ang inaasahan ko ay isang abandonadong building ang kinaroroonan ko habang ako ay nakatali sa isang upuan, naka blind fold ang mga mata at may takip ang bunganga upang hindi makasigaw. Pagkatapos ang una kong makikita ay ang mga buhong na lalaki na parang adik kung makatingin at makangisi habang may hawak na baril.Ngunit ang lahat ng iyon ay kabaliktaran sa mga inaasahan ko lalo pa't nakahiga ako gayon sa isang malambot na kama at ang kinalalagyan ko pa ay isang magandang kuwarto, lalo pa't hindi buhong ang kanina pa nakatitig sa akin kundi isang napakagwapong nilalang.Kung maaari lang akong matunaw sa mga titig niya siguro kanina pa ako natunaw. Napalis ang isipin kong iyon nang mapansin kong kakaibang titig ang ipinupukol niya sa akin.Kung kaya't mabilis akong nag-isip ng paraan.Tama! Aa
JEAN’S POV“GANITO ang plano natin,” nag drowing muna ako ng mga areas ng hotel at pinangalanan ang bawat area at nilagyan ng pangalan ng tao kung sino ang nakadestino sa lugar na iyon. “Khen at Reynard, hanapin ninyo ang lalaking karelasyon ng bride at siguraduhin ninyong madadala ninyo siya sa church part ng hotel. Kaya na naming mga babae doon sa church. Hihintayin ko lang na sabihin ng pari kung may pipigil ba sa kasal, tatayo ako sa part na iyon at sisigaw. Kami ni Josebeth na ang bahala sa church at ikaw Madel, maiiwan ka sa loob ng van kung saan imomonitor mo ang mga kilos naming apat at kilos ng ibang tao sa paligid. Pagkatapos nating maitigil ang kasal ay mabilis na tayong lalabas ng hotel at hanapin ninyo agad ang sasakyan dahil tayo ay eeskapo na. Maliwanag?” mahaba kong paliwanag sa mga ito.Tumango-tango naman ang apat kong kasamahan. “Go Team! For five hundred thousand pesos!” pinagpatong-patong pa naming ang tig isa
DENISSES’ POVPAGKATAPOS ng taping namin ay dumiretso ako sa lugar kung saan naroon naghihintay ang ex ko. Bago ako magpakasal ay nakiusap siyang makita niya ako sa kahuli-hulihang pagkakataon at upang magkaroon na rin ng closure sa aming dalawa dahil bago naging kami dati ay matagal na rin kaming naging mabuting magkaibigan. Nagpaalam naman ako sa aking fiancé at sinigurado ko sa kanyang wala siyang dapat na ipag-alala. Nag disguise ako at nagsuot ng kulay itim. Simula sa sombrero hanggang sa sapatos. Nagsuot na rin ako ng shades para maitago ko ang aking tunay na pagkatao dahil nasisiguro kong dudumugin na naman ako ng aking mga fans.Hindi naman sa pagmamayabang pero marami ang nagsasabi na nang magsabog daw ang kalangitan ng kagwapuhan ay tulog daw ang lahat kaya halos ako na ang nakasalo.Kinakailangan kong mag-ingat dahil sa oras na may makakita sa akin ay flash na naman ng camera ang makakalaban ko idagdag pa ang maraming fake news na maaarin
JEAN’S POV“BIBIGYAN kita ng limangdaang libo layuan mo lamang ang anak ko,” wika ng Ginang na kaharap namin ngayon ng boyfriend ko. Napamulagat ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Sasagot na sana ako ng malakas na “oo” dahil malaking pera na rin iyon subalit pinisil ng boyfriend ko nang pagkalakas-lakas ang kamay ko hudyat para mapangiwi ako kasabay pa ng pagtitig niya sa akin nang may naniningkit na mga mata.“Hindi po ako nababayaran, Maam. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo,” sa halip ay ganoon ang sinabi ko kahit na kanina pa ako nakatitig sa kamay niyang may hawak na tseke at permado na habang nakalimbag doon ang mga salitang five hundred thousand pesos only. Sa totoo lang kanina ko pa gusto kunin sa kamay niya ang tsekeng iyon dahil maraming pera na iyon kung tutuusin.“Mahal na mahal namin ang isa’t isa, Mommy kung kaya’t hindi niyo na po kami mapaghihiwalay pa. Hindi nga ba’t matagal na