Nang makarating kami sa lugar maginoong pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Aksel. Kinuha niya ang kamay ko at ikinawit sa kanyang braso. Ang mga mata ko naman ay naging abala. Nahagip ko ang dalawang letra na nakaukit sa labas ng building. Ito ba ang pangalan ng company. Anu kayang ibig sabihin ng LF na to. Small world parang gaya ng initial ng firstname at surname ko. Lyresh Fontanilla. "You're smiling, honey.." Nakangiting sambit ni Aksel. Nagkatinginan kami. "What's that LF stands for?" Kumunot bigla ang noo niya sa tanong ko. "Oh, I don't know. We can ask the owner later.." Pagpasok namin ng building hindi ko agad naitago ang mangha ko. Ang design pa lang nito nakuha na ang atensyon ko. Ito ang taste ko. Gawa sa kahoy ang floor pati ang reception desk. Agaw pansin ang color black na initials sa gilid ng desk, ang LF. May nakakapang akit sa matang halaman na nakatabi sa gilid nito. Sa tapat naman nito tabi ng wall ang waiting area with table sa gitna. May halaman din sa
Last Updated : 2022-08-11 Read more