Home / Romance / THE REBOUND BRIDE / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of THE REBOUND BRIDE: Chapter 21 - Chapter 30

105 Chapters

KABANATA 21

Pinahintay niya muna si Yazmin sa waiting area ng hotel. Pumasok siya sa isang maliit na opisina niya na tinatambayan niya kapag dinadalaw niya ang pag-aari niyang hotel.Pormal ang mukhang hinintay niya ang pagpasok ni Yvette.Taas-noong pumasok si Yvette na parang wala namang pinagsisihan sa ginawa nito kanina. Nanatiling nakatayo ito sa harap ng mesa niya."That was so unprofessional, Miss Santos," walang kangiti-ngiti niyang sabi.Huminga ito nang malalim saka sinalubong ang mga mata niya."You left me hanging, Sean, then all of a sudden makikita ko na lang na may ibang babae ka na namang pinagkakaabalahan."Nagulat siya sa isinagot ng babae. Kung umasta kasi ito ay parang may relasyon sila at nahuli siyang nagloko.Tumikhim pa muna siya to clear his throat."Miss Santos-""Let's drop the formalities. Tayong dalawa lang naman ang nandito," putol nito sa kanya saka hindi na hinintay pang paupuin niya ito.Ito na ang kusang lumapit sa mesa at umupo sa upuang nasa harap no'n."Sean,
last updateLast Updated : 2022-06-02
Read more

KABANATA 22

Sinabihan siya ng isang staff na sa opisina na lang daw ni Sean maghintay. Sinamahan pa siya nito sa harap ng pinto saka nagpaalam.Kakatok sana siya nang biglang umawang konti ang pinto. Papasok na siya nang matigilan dahil parang may nag-uusap sa loob.Tumalikod agad siya para umalis muna nang marinig si Sean."Yvette, stop. Hindi ako ang tipo ng lalaki na naghihintay ng babaeng magpapabago sa akin. I'm not a one woman-man. Hindi ako ang lalaking gugustuhin ng kahit sinong babae na maging asawa..."Napakurap-kurap siya sa narinig. Napailing-iling din kapagkuwan habang maingat na isinarang muli ang pinto.Napaisip tuloy siya nang wala sa oras. Sino ba ang mas malala sa dalawa? Ang lalaking ito na simula pa lang ay sinasabi agad sa babaeng pinapatulan nito na walang aasahan sa kanya? Kaya na sa babae na kung papatol pa rin at huwag nang mangarap na patungo sa isang malalim na relasyon iyon? O si Dino na pinaasa siyang mahal na mahal nito at wala nang hahanapin pa pero pumatol naman pa
last updateLast Updated : 2022-06-03
Read more

KABANATA 23

Nagpa-panic na hinanap niya ang puting damit na susuotin sana sa kasal niya bukas. Kahit naman kasi isang kasunduang kasal lang iyon ay magsusuot pa rin siya ng puting damit. Nakikita kasi niya sa palabas na kahit sa huwes ikinakasal ay nakaputing damit pa rin ang bride.Hinalungkat niya ang mga damit sa loob ng maleta. Piling-pili lang kasi ang binitbit niyang damit dahil hindi iyon magkakasyang lahat sa maleta niya.Siyempre pa inuna niyang kunin ang mga damit na pwedeng magamit sa trabaho or kapag nag-aapply siya. Nailagay na niya ang lahat sa ibabaw ng kama pero wala siyang makitang damit na pwede niyang maisuot bukas. Mas awkward tingnan kung para siyang applicant sa "kasal" nila ng lalaki.Naalala niya ang damit na namantshan ng wine ay pwede sana niyang suotin bukas kaso pina-laundry niya na pala iyon at tatlong araw pa bago makuha dahil sa matinding mantsa.Nahahapong napaupo siya sa kama habang tinitingnan ang oras. Alas onse na ng gabi at alas-nuebe ng umaga ang kasal nila b
last updateLast Updated : 2022-06-04
Read more

KABANATA 24

May nakita siyang isang babaeng mas matanda lang yata sa kanyang ina ng ilang taon at isang lalaki na parang kasing-edad din nito nang makarating sila sa munisipyo.Nagulat pa siya nang bigla siyang yakapin ng babae at halikan sa pisngi."Naku! Kaya naman pala magpapakasal agad itong alaga ko nang ora-orada. Gusto yatang talian ka na bago ka pa maagaw ng iba."Narinig niya ang tawa ni Sean na nasa tabi niya."Si Nana talaga. By the way, this is Nana Klaudia, she's like a mother to me. This is also Mang Rogelio, our family driver," pakilala ni Sean sa dalawa. Saka lang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya ang babae.Dumako ang mga mata ng babae sa hawak niyang bulaklak."Nagustuhan mo ba ang ginawa kong bouquet? Bagay na bagay sa'yo, iha. Ang ganda-ganda mo pala kaya't hindi na mapakali 'tong alaga ko," nakangiting sabi nito."Salamat po. Napakaganda po ng pagkakagawa ninyo." Nahihiyang ngumiti siya sa babae at sa lalaking nasa tabi nito. "Nana, Mang Rogelio, this is Yazmin." Iyon lang an
last updateLast Updated : 2022-06-05
Read more

KABANATA 25

"Sumabay ka na lang kina Nana Klaudia at Mang Rogelio. May lunch meeting kasi ako kaya't dideretso na ako sa office."Tumango lang siya na hindi na tumingin pa sa lalaki na ngayon ay asawa na niya."You won't feel bad, right?" Awtomatikong bumaling ang tingin niya rito dahil sa tanong na iyon. Nakita niyang nakangiti ito kaya't parang nasa mood lang itong tuksuhin siyang muli."Kahit pa date iyang pupuntahan mo, wala akong pakialam kaya't huwag mo akong tatanungin ever kung sasama loob ko kada may lakad ka," walang emosyong sagot niya saka hinanap ng mga mata sina Nana Klaudia para makaalis na sila roon."My my wifey, lunch meeting with the clients ang pupuntahan ko, okay? Bakit sinisiksik mo agad iyang idea ng date ko sa iba? Don't tell me you want to break the rules now."Kunot-noong napilitang tumingin uli siya rito."No jealousy," agad na dugtong nito.Tumaas ang kilay niya."You're so conceited, Mr. Montarde. Patulan mo na ang lahat ng babae for all I care! Saka pwede ba huwag m
last updateLast Updated : 2022-06-05
Read more

KABANATA 26

Pagod na pagod ang pakiramdam niya dahil sa kabilaang meetings niya nang araw na iyon. Pagkatapos nga ng kasal nila ay dumiretso na siya sa unang meeting niya. Alas tres na ng hapon natapos ang panghuli niyang meeting.Suot-suot pa rin niya ang damit na isinuot niya sa kasal nila kanina nang dumiretso siya ng opisina. Kadalasan ay naglalagi pa siya sa opisina hanggang gabi kapag natapos siya sa client meeting niya. Gusto niya kasing ma-review ang lahat ng nai-take note ng secretary niya hangga't fresh pa sa utak niya.Ngunit hindi na siya bumalik pa ng opisina pagkatapos ng last meeting niya. Alam niya kasing nasa bahay na niya si Yazmin. Tumawag siya kanina saglit kay Nana Klaudia para mangumusta lalo pa't unang araw ng "asawa" niya sa bahay niya. Actually, pangalawa na kung ikokonsidera niya ang gabing dinala niya ito roon at nangyari nga ang mainit na tagpong iyon sa kanila.Pagkababa ng kotse nang makauwi na ng bahay ay agad na tiningnan niya ang oras. Alas kwatro pa lang ng hap
last updateLast Updated : 2022-06-07
Read more

KABANATA 27

Nagising siya alas sais ng umaga dahil nakasanayan na niya. Agad na bumaba siya ng kusina pagkatapos maghilamos at magmumog.Hindi siya sanay na naghihintay lang na tawagin para kumain. Gusto niyang tumulong din sa mga gawaing bahay.Nagtanong agad siya sa katulong na nasa kusina kung ano ang lulutuin para makatulong."Naku, Ma'am Yazmin, nakapagluto na po ako. Kakain na po ba kayo para ipaghanda ko kayo sa mesa? Si Sir Sean kasi, eh, maagang umalis at kadalasan ay kape lang talaga ang iniinom niya kada umaga.""Gano'n ba? Ay, sige. Huwag ka nang mag-abala ako na ang kukuha ng makakain ko. Kumain na rin ba kayo?""Sabay-sabay po kaming kumakain at mamaya pang alas siyete kami kumakaing lahat. Umupo na lang po kayo do'n sa dining area po at ilalabas ko na ang almusal. May gusto po ba kayong ipaluto?"Ngumiti siya rito."Salamat pero okay na sa akin kung ano mang nailuto mo na."Papatapos na siyang kumain nang dumating si Nana Klaudia na may dala-dalang bayong at nasa likod naman nito s
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

KABANATA 28

Ikatlong araw ng paghahanap niya ng trabaho. Siniguro niya munang kumain ng lunch bago siya pumunta sa napakalaking building na may pa job fair nang araw na iyon.BiaSe Company ang naghahanap ng mga trabahante sa iba't-ibang negosyong hawak ng kompanyang iyon. Ang pinakamalaki at main business nila ay ang Glass and Steel business. Napapatingala pa siya sa building na pinasukan. Hindi iyon ang mismong pagawaan pero iyon ang buidling para sa admistrative works ng kompanya. Ang building din na iyon yata ang nagsisilbing venue sa kung ano mang events ng mga negosyong under sa BiaSe Company. Ang alam niya ay kakapalit lang ng pangalan ng kompanya kaya't naghahanap din ng mga bagong trabahante.Dumagsa nga ang mga applicants. May kanya-kanyang table sa specific na position na aaplayan mo.Doon siya pumila sa kung saan angkop ang course at experience niya sa trabaho. Matiyaga siyang naghintay pagkatapos niyang maipasa ang resume. Biglang nagbulungan naman ang dalawang nasa tabi niyang apl
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

KABANATA 29

Hindi muna siya umuwi ng bahay pagkatapos. Dumiretso siya ng mall para bumili ng mga damit na maisusuot sa opisina.May tatlong pares lang kasi siya at nakakahiya naman kung iyon lang ang salitang isusuot niya. Okay lang siguro no'ng nasa kanila siya nagtatrabaho pero nasa isang malaking kompanya na siya ngayon konektado, sa kompanya pa ni Sean.Tipid na tipid naman siya habang namimili dahil baka maubos na ang pera niya, eh, magsisimula pa lang siya ng trabaho sa Lunes.Namimili pa rin siya nang biglang tumunog ang phone. Nang silipin niya ang phone ay nakita niyang si Sean ang tumatawag. Hindi niya sana papansinin iyon pero panay lang ang ring ng phone niya kaya't sinagot niya na lang din."Where are you?" Bossy pa ang tunog ng boses nito.Sinisipat niya ang damit na naka-hanger gamit ang isang kamay habang nakikipag-usap dito."Nasa mall.""Why? May mga kailangan ka bang bilhin na wala sa bahay? Nagpa-grocery na ako kay Nana Klaudia. Nagpasali pa ako ng napkin and panty liners-"Ka
last updateLast Updated : 2022-06-09
Read more

KABANATA 30

Ang plano niya ay umuwi nang maaga dahil nga ay nagpaluto siya ng special dinner sa bahay para kay Yazmin dahil tinanggap ito ni Mr. Rado.Sa totoo lang ay hindi rin niya inaasahan na tatanggapin nito si Yazmin nang gano'n kabilis. Alam niya kasing mapili rin si Mr. Rado sa pagkuha ng mga empleyado nito. Isa kasi ito sa may maliit na share sa kompanya niya. Pwede niya namang bilhin ang share nito pero hindi niya ginawa bilang respeto na rin.Kaibigan ito ng Papa niya na hinikayat ng ama niyang makisosyo rito kahit hindi naman talaga gano'n kalaki ang na-invest ng matanda. Gusto lang kasi ng ama niyang tulungan ang kaibigan para magkaroon ito ng chance na makapagsimula sa sarili nito kung kailan ready na ito.Pero hindi iyon nangyari. Nawili na yata si Mr. Rado sa kompanya nila at nawala na sa utak nito ang magtayo ng sarili nitong steel and glass company at iyon ang ipinagtataka niya.Hindi pa niya ito kinausap tungkol sa pagkakadispalko ni Mr. de Lara ng pera. Imposible kasing hindi
last updateLast Updated : 2022-06-09
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status