Home / Romance / THE REBOUND BRIDE / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of THE REBOUND BRIDE: Chapter 11 - Chapter 20

105 Chapters

KABANATA 11

Nang mapahupa na niya ang pagwawala ni Carrie sa tulong ng mga magulang nito ay mabilis na nilapitan niya si Joshua."Where did you take her?" Ang tinutukoy niya ay ang babaeng pinagdiskitahan ni Carrie pagkatapos niyang ianunsiyo na walang kasalang magaganap.Nakatanga lang si Joshua sa kanya na parang lutang."Mr. De Lara!" Gusto na niyang mainis dito.Napatingin pa siya sa mga bisitang isa-isa nang umalis sa bahay ng babaeng pakakasalan niya sana. Ang iba sa mga iyon ay tinatapunan siya ng masamang tingin but he doesn't care at all."S-she's actually my sister, S-sean. I mean, S-sir."Siya naman ang napatitig sa mukha ng empleyado ng kompanya nila. Kapatid nito ang babaeng iyon?Napakunot-noo siya. Alam niyang malaki ang sweldong natatanggap ni Mr. De Lara bilang accountant ni Mr. Rado na isa sa mga kasosyo niya sa kompanya.Paanong nagawang ibenta ng kapatid ni Mr. De Lara ang pagkababae nito gayong maganda naman ang trabaho ng lalaki?Sumagi kasi sa isip niya na baka nga dala n
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more

KABANATA 12

Pinatayan na siya ng phone ni Yazmin. Gusto niyang sanayin ang sarili na tawagin ito sa totoo nitong pangalan dahil desidido siyang mapapayag ito sa alok niya.Dumiretso siya sa library pagkarating ng bahay. Agad na kinuha niya ang isang bote ng alak at nagsalin sa baso bago umupo sa harap ng mesa sa loob ng library. Doon siya madalas tumatambay kapag may mga tinatapos siyang trabaho pagkatapos ng office hours. Hindi niya ugaling mag-overtime sa opisina dahil ang library sa bahay niya ang nagiging parang opisina niya kapag nando'n siya.Pabagsak na umupo siya at tinungga ang alak nang diretso habang binubuklat ang folder na kinuha sa drawer.Binasa niya uli ang nakasulat doon. Iyon ang kopya niya sa last will and testament ng amang namatay last year.Gusto niyang patawarin ito sa lahat ng mga kasalanan nito no'ng ito'y nabubuhay pa pero hindi niya makapa sa puso ang pagpapatawad na iyon. Saksi siya sa pasakit na pinagdaanan ng Mama niya hanggang sa namatay ito dahil sa matinding depre
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more

KABANATA 13

Maaga siyang bumiyahe pauwi sa kanila. Hindi rin naman kasi siya nakatulog nang maayos. Hindi niya alam kung nakauwi na ang mga magulang niya o ando'n pa rin ang mga ito sa bahay ng Tita Ellen niya. Buong gabi yata niyang pilit isinasaulo ang paliwanag na gagawin sa mga ito pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari.Alangan namang sabihin niyang nakilala niya ang lalaki sa bar at may nangyari sa kanila nang gabi ring iyon?Bahala na...Nakatayo siya sa labas ng kahoy na tarangkahan nila at nagdadalawang-isip pa rin na pumasok. Mag-aalas diyes pa lang ng umaga nang dumating siya. Pumikit pa siya bago niya binuksan ang tarangkahan nila.Napatingin siya sa mga damit na nasa labas ng bahay nila.Mga gamit at damit niya ang mga iyon!Basta na lang nakakalat ang mga iyon sa lupa katabi ng isang malaking maleta na walang laman. Mas lalo siyang nabahala sa nakita. Alam niyang magagalit talaga ang mga magulang niya sa kanya kahit hindi pa
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more

KABANATA 14

Wala siyang nararamdamang sumusunod sa kanya kaya't nagmamadaling naglakad na siya. Nakakailang hakbang pa lang siya nang matigilan. Papunta kasi sa kanya si Dino. Ngayon lang talaga sila nagkaharap muli pagkatapos ng ilang linggo."Yaz..." Pagkabanggit pa lang ng pangalan niya ay nagsusumamo na agad ang boses nito.Kailangan ba talagang sirain ng dalawang lalaki ang araw niya o buong buhay niya?!Ito naman ang natigilan nang mapansin ang mga mata niya at ang dalang maleta."Saan ka pupunta? Galing ka ba sa pag-iyak?" Nag-aalalang tanong nito."Huwag ngayon, Dino. Pagod ako. Huwag mo muna akong kulitin," nahahapong sagot niya na iniiwas ang katawan sa lalaki."Yaz, we need to talk." Pilit na hinaharangan nito ang daan niya.Napahugot siya nang malalim na hininga."Marry me this instant, please."Oh my! Ilang alok ng kasal ba ang matatanggap niya sa araw na iyon?"Please, Yaz... Pagkatapos ng kasal natin ay magpakalayo-layo tayo rito."Napatitig siya sa mukha ng dating nobyo. Kitang-ki
last updateLast Updated : 2022-05-28
Read more

KABANATA 15

"Are you done sulking?"Napapitlag pa siya sa baritonong boses na iyon. Nawala sa isip niya na nasa loob pala siya ng sasakyan nito habang busy ang utak niya kina Mhariel at Dino.Saka lang niya napansin na parang kanina pa yata nila nilagpasan ang terminal. Agad na bumaling siya sa lalaking nagmamaneho."Bakit hindi mo ako ibinaba sa terminal?" Kumunot pa ang noo niya nang itanong iyon.Luminga lang ito saglit sa kanya bago sumagot."Do you even know where to go?" Itinuon na uli nito ang tingin sa daan.Natahimik siyang muli."Just as I thought," agad na dugtong ng lalaki.Biglang bumalik ang inis niya rito. Parang gusto niyang ibuhos dito ang lahat ng nararamdaman niyang galit kay Dino at Mhariel."It's none of your business! Ibalik mo ako sa terminal or kakasuhan kita ng kidnapping!"Pumalatak lang ito saka tumawa nang mahina na hindi man lang tumingin uli sa kanya."Fine! Itigil mo ang sasakyan at bababa ako!" Mas lalo siyang nainis dahil sa reaksiyon nito."I get it. You're too e
last updateLast Updated : 2022-05-28
Read more

KABANATA 16

"I'm sure, Mister... S-sean, maraming babae ang willing magpakasal sa'yo. Hindi ko maintindihan kung bakit sa akin mo inaalok iyan. Hindi ko rin alam kung bakit kailangang magpakasal ka agad-agad after mong ikansela ang kasal ninyo ng pinsan ko. Nanghihinayang ka ba sa nagastos mo sa wedding preparations kung meron na nga kaya't gusto mong matuloy pa rin ang kasal mo kahit sa ibang babae na?" Hindi niya mapigilang itanong.Nagtataka kasi siya kung bakit kailangan pa nitong mam-blackmail para lang pumayag siyang magpakasal dito. Hindi sila magkakilala talaga at ang kasal ay isang bagay na hindi mo basta-basta inaalok kung kanino lang.Tumawa ito sa sinabi niya."Do you think I care about the money? Kaya kong pakasalan ang ilang babae nang sabay-sabay nang hindi mag-aalala sa gastos. I'm not bragging but I'm stating a fact. Truth is I never ever want to get married kung ako lang ang masusunod."Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. Ayaw naman pala nitong magpakasal."Then why...""I
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

KABANATA 17

Hindi siya pumayag na sa bahay nito sila mag-usap kaya't sa isang restaurant na lang siya dinala nito.Hindi pa siya handang tumungtong uli sa bahay nito dahil alam niyang mas magiging awkward iyon sa kanilang pareho. Maalala na naman nila ang isang gabi ng kapusukan dahil sa bahay nito iyon nangyari.Juice lang ang inorder niya pero andami nitong inorder na pagkain kaya't napilitan na rin siyang sabayan ito. Pagkakain ay pinaligpit muna nito ang pinagkainan nila sa isang waiter saka ito humingi ng papel at ballpen.Nagtaka pa siya nang iabot nito iyon sa kanya."You can write the things that you want to be included in our deal on that piece of paper."Walang imik na kinuha niya naman iyon. Nakita niyang may papel at ballpen din ito at nagsimula nang magsulat. Naisip niyang mabuti nga iyon at nang magkalinawan silang pareho. Abala na siya sa pag-iisip ng mga bagay na gusto niyang mailagay sa kung ano mang kontratang meron sila. Napatingin pa siya rito nang wala pang sampung minuto
last updateLast Updated : 2022-05-30
Read more

KABANATA 18

Todo tanggi man siya ay wala na siyang nagawa nang doon muna siya patuluyin ni Sean sa isang mamahaling hotel. Ang sabi nito ay pag-aari daw nito ang hotel na iyon kaya't huwag daw siyang mag-aalala sa bayad doon. Nakita kasi nito ang pag-aalinlangan niya nang makita niya ang rate para sa isang gabi sa hotel na iyon. Ang sabi nito ay doon muna siya manunuluyan habang inaayos pa nito ang mga kakailanganin para sa kontratang pipirmahan nila. Pinapa-ready na rin nito sa kanya ang mga dokumento niyang kakailanganin para mai-schedule ang kasal nila sa huwes.Agad na umalis ito pagkatapos nitong kausapin ang manager ng hotel. Inihabilin siya ng lalaki rito. Ang manager pa mismo ang sumamang umakyat sa kanya para ihatid siya sa kwarto niya. Tumanggi siya nang sa isang bellboy sana nito ipapadala ang maleta niya. Sabi niya ay kaya niya namang dalhin iyon nang walang tulong.Tumigil sila ng babaeng manager sa harap ng isang kwarto. Binuksan nito iyon at muntik pa siyang mapasinghap sa laki at
last updateLast Updated : 2022-05-31
Read more

KABANATA 19

"Let's eat first. Saka ko na ipapabasa sa'yo ang contract natin."Walang imik na kumuha na nga siya ng makakain niya. Hindi niya alam na nakakagutom palang masyado ang umiyak nang halos buong maghapon.Hindi na niya pinansin ang lalaking nakaupo sa harap niya. Sunod-sunod ang naging pagsubo niya."Alam mo bang ang pagkain mo nang ganyan ang nakaagaw ng pansin sa akin no'ng unang gabi kitang nakita?"Natigil sa ere ang pagsubo niya at napatingin dito. Nakita niyang wala pang lamang pagkain ang plato nito. Ang tanging hawak nito ay ang basong may lamang wine.Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Uunahin ang wine kesa pagkain?Nginuya niya muna ang nasa loob ng bibig bago nagsalita. Saka lang din nag-sink in sa utak niya ang sinabi nito. Biglang pumormal ang mukha niya at ibinaba ang mga kubyertos at pinahiran ang bibig ng table napkin."Oh, please... Don't let me stop you. Natutuwa lang akong panoorin kang kumakain. Most of the women I dated ay parang walang ganang kumain lagi."Ni hind
last updateLast Updated : 2022-06-01
Read more

KABANATA 20

Kanina pa niya napansin si Yvette sa isang tabi nang magsisimula pa lang silang kumain ni Yazmin. Kakaiba na ang kutob niya dahil hindi naman kailangan ang manager sa tabi kapag may special dinner sa hotel niya. Trabaho naman kasi iyon ng mga waiters at hindi nito kailangang tumambay doon habang kumakain sila.Ibinaling na lang niya muli ang atensiyon sa babaeng nasa harap na sunod-sunod ang ginawang pagsubo na parang wala siya sa harap nito.Napangiti siya habang sinisimsim ang wine sa basong hawak. Kakaiba talaga ito sa mga babaeng nakakasama niya. Mahirap tantiyahan ang mood nito kapag magkasama sila. Minsan para itong babaeng hindi makabasag ng pinggan tapos bigla na lang nagiging tigre sa isang iglap. Para pa nga itong laging inis sa kanya.Kabaliktaran no'ng gabing...Ipinilig niya ang ulo. Pilit man niyang inaalis sa utak iyon ay tukso namang laging bumabalik iyon sa isip niya.Napatitig siya sa namumugtong mga mata nito. Iniiyakan pa rin ba nito ang lalaking nakita niyang kau
last updateLast Updated : 2022-06-01
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status