Hindi mawala ang saya sa aking puso habang tinutulungan sina Mama na ibaba ang mga banig sa sasakyan.“Sia, ilagay mo na ‘yan. Ako na,” saway ni Papa sa akin nang sinubukan kong magbuhat para tulungan siya.“Pa, kaya ko naman,” sabi ko ngunit inagaw niya na sa akin iyon at siya na mismo ang nagbuhat.I’m almost not comfortable with the noises from the crowd and from the vehicles around. Nasanay kasi ako na palaging tahimik ang aking paligid kaya medyo nabubulabog talaga ang kaluluwa ko sa ingay ngayon. Sinuyod ko ng tingin ang paligid. May mga kabahayan akong nakikita, mahahabang kalsada na gawa sa semento, maraming sasakyan, may mga kakahuyan at bundok sa malayo. Maliban doon ay wala na.“Tara na,” ani Papa at hinintay akong sumabay sa kanila ni Mama na pumasok sa loob ng palengke.Namangha ako sa dami ng mga taong naroon. Maingay sa loob at kahit mula sa labas ay dinig na dinig iyon.Halos la
Last Updated : 2022-02-12 Read more