Hindi mawala ang saya sa aking puso habang tinutulungan sina Mama na ibaba ang mga banig sa sasakyan.
“Sia, ilagay mo na ‘yan. Ako na,” saway ni Papa sa akin nang sinubukan kong magbuhat para tulungan siya.
“Pa, kaya ko naman,” sabi ko ngunit inagaw niya na sa akin iyon at siya na mismo ang nagbuhat.
I’m almost not comfortable with the noises from the crowd and from the vehicles around. Nasanay kasi ako na palaging tahimik ang aking paligid kaya medyo nabubulabog talaga ang kaluluwa ko sa ingay ngayon. Sinuyod ko ng tingin ang paligid. May mga kabahayan akong nakikita, mahahabang kalsada na gawa sa semento, maraming sasakyan, may mga kakahuyan at bundok sa malayo. Maliban doon ay wala na.
“Tara na,” ani Papa at hinintay akong sumabay sa kanila ni Mama na pumasok sa loob ng palengke.
Namangha ako sa dami ng mga taong naroon. Maingay sa loob at kahit mula sa labas ay dinig na dinig iyon.
Halos lalakarin lang ang layo nito mula sa bukana ng gubat kung saan kami lumabas kanina kaya sobrang lapit lang nito. Ito ang unang beses na nakatagpo ako ng ganito ka raming tao na nagdadagsaan sa iisang lugar.
Amoy na amoy ko ang lansa ng mga karne nang dumaan kami sa poultry area. Kumapit ako sa braso ni Papa nang nakita ang lalaki na walang awa na hinihiwa ang paa ng baboy.
“May problema ba?” tanong ni Papa.
Nilingon din ako ni Mama.
Umiling ako at kinalma ang sarili.
“Lika na,” sabi ni Papa at hinawakan ang braso ko.
Nang nakarating na kami sa mismong pwesto nina Papa ay tumulong naman agad ako sa pag-ayos ng mga banig doon. Sari-sari ang mga gulay na binebenta nina Mama, ganoon din ang mga prutas.
Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang kanilang pwesto rito. Malaki naman ‘yon kaya kahit na marami pala kaming habiing banig ay magkakasya pa rin, maliban sa mga prutas at gulay. Kahit ilang minuto pa lang kaming nagbukas ay marami na agad ang lumapit para bumili ng mga gulay at prutas. Tinuruan ako ni Mama kung paano e entertain ang mga customer kaya kalaunan ay tumango ako nang naintindihan ang lahat ng iyon.
Meron doong upuan kaya roon ako umupo habang naghihintay ng mga customer na lalapit doon. Nalibang ako sa panonood sa paligid kahit na sobrang ingay. Marami ang dumadaan at mayroon pa na nagtatakha akong tinitingnan. Sa kabila ay mayroon na pareho ang tinda sa amin at sa kabila naman ay puro mga sapatos at mga damit. Aksidenteng napalipat ang tingin ko sa nakaitim na taong tumitingin sa mga notebook doon. Kumunot ang noo ko nang nakitang nasa akin aang kaniyang tingin. Na para bang kinikilatis niya ang mukha ko kahit na may suot akong mask at rayban.
Nag-iwas ako ng tingin nang naalala ang sinabi nina Mama sa akin. Baka nga totoo iyon. Pero hindi naman revealing ang suot ko ngayon. Halos wala na ngang makikita na balat sa suot ko ngayon.
“Ate! Bibili po sabi ko!”
Halos mapatalon ako sa gulat nang narinig ang boses ng lalaking naroon sa harapan.
“S-Sorry,” sabi ko at tumayo.
Ba’t kasi ako natulala?
Naroon si Mama sa mga banig at ina assist niya roon ang isang customer. Si Papa naman kararating lang galing pick up para kunin ang mga natirang banig doon.
“Ano po ‘yon?” tanong ko sa lalaki na sa kaniyang cellphone ang tingin.
“Mansanas. Dalawa,” sabi niya.
Agaran ang pagbalik ng tingin ko sa kaniya nang namukhaan siya. Nanlaki ang mga mata ko nang naalala na ito ‘yong turistang lalaki na kinukuhanan ako kanina ng litrato habang naliligo sa talon.
Kahit na gulantang ay inabot ko naman ang kaniyng bibilhin at nilahad ko agad iyon sa kaniya nang nailagay ko na iyon sa plastic. Naroon pa rin ang kaniyang atensyon sa cellphone at isang beses lang siyang sumulyap sa nilalahad kong binili niya at bigay ng kaniyang bayad. Kumunot ang noo ko nang naalala ang pangunguha niya sa akin kanina ng litrato gamit ang kaniyang cellphone na hawak niya.
“Ano ‘yan?” tanong ng lalaking nakaitim na kanina lang ay napansin kong nakatingin sa akin.
Dumungaw siya sa cellphone ng lalaki.
Bago pa man ako maka react ay lumapit na si Papa sa akin.
“Ayos ka lang? Pagod ka na ba?” nakangiting tanong niya habang pinupunasan ang kaniyang pawis sa noo.
“Ayos lang po,” simpleng sagot ko at binalik ang tingin sa dalawang lalaki sa harapan na ngayon ay nasa kamay na ng lalaking nakaitim ang cellphone.
Naramdaman ko ang pag-alis ni Papa sa aking tabi.
“Bakit? Kilala mo ‘yan? Kanina ko pa ‘yan hinahanao. Ganda ‘no?” sabi ng lalaking turista at kumagat sa kaniyang mansanas.
Hindi sumagot ang lalaking nakaitim at tinitigan niya iyon. Lumipat sa akin ang kaniyang seryosong mga mata. Umahon ang aking kaba nang hinarap niya sa akin ang cellphone na hawak na niya.
Kumalabog ang aking dibdib nang nakitang litrato ko nga iyon na nasa talon at nakayuko. Iyon ang mga oras na tumatakas na ako sa tubig. Hindi ako nakasuot ng bra kanina kaya halos kitang-kita ng klaro ang dibdib kong nababakat sa basa kong damit. Oh god!
“Kilala mo ba ‘to, Miss?” tanong ng nakaitim na lalaki sabay pasada ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Hindi ko alam ang itutugon ko sa kaniya. Ramdam ko ang aking takot nang naalala ang sinasabi sa akin palagi nina Mama. Maraming masasamang loob sa labas ng Polimoa at siguro masasabi ko na tama nga sila roon.
“H-Hindi,” sagot ko.
Bago pa niya ulit ako matanong ay tumalikod na ako at lumapit sa mga banig. Tumulong ako kay Papa na maglagay ng mga dinala niya roon.
Hindi ko alam kung tama bang hayaan ko na lang na mananatili ang aking litrato sa cellphone ng lalaki. May parte sa akin na gustong ipabura iyon sa kaniya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pangongompronta ko sa bagay na iyon. Natatakot din ako na malaman nilang ako ang nasa litratong iyon.
Hinayaan kong lumipas ang nangyari. Nawala ang lalaking turista ngunit ang misteryosong lalaki na nakasuot ng all-black na damit ay nasa karenderya sa harap ng aming tindahan at madalas ang sulyap sa akin. Ngayon ko lang din napansin na guwapo ang lalaking ito. Matangkad, matikas at matipuno ang katawan. May mga nakikita rin naman akong guwapo sa Polimoa pero hindi ganito. Parang... may kakaiba sa kaniyang features.
Mapula ang kaniyang mga labi at matangos ang ilong. Kanina ay nakita ko sa malapitan ang kaniyang mga mata at ngayon ko lang naalala na kulay bughaw iyon. Hindi pa ako nakakita sa totoong buhay na may ganoong kulay na mga mata kaya medyo nakakamangha iyon para sa akin.
Umabot ng hapon ang pananatili niya roon sa karenderya. Kahot noong nagligpit na kami, sinarado ang tindahan at umuwi ay napansin ko na hindi pa rin siya umalis doon.
Naging mabilis ang pag-alis namin sa palengke kaya hindi ko na nagawa pang lumingon para kumpirmahin kung sinusundan ba kami ng misteryosong lalaking iyon.
Halos hindi ako makatulog pagdating ng gabi. Hindi ko alam kung dahil ba hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkakalabas ko sa Polimoa sa unang pagkakataon o dahil sa lalaki na parang binabantayan ang bawat galaw ko.
“Sia! Sia!”
Agaran ang pagkakagising ko nang narinig ang boses ni Mama sa labas ng kuwarto. Nang binuksan ko ang pintuan ay tumambad agad sa akin ang nag-aalala niyang ekspresyon at parang... Kinakabahan.
Kumunot ang noo ko.
“Bakit ma? May problema po ba?” tanong ko at sumilip sa labas sa sala.
Naroon si Papa na sinasarado ang bintana at pintuan.
“Anong meron ma? Bakit-”
“Sia, anak, makinig ka-”
Bago pa man niya matapos ang kaniyang sinasabi ay may maingay nang kumakatok sa pintuan sa baba. Naririnig ko na rin ang maingay na mga boses ng mga tao sa labas.
Umahon ang kaba sa aking kalooblooban kahit na wala akong ideya sa nangyayari.
“Sia!” Muling inagaw ni Mama ang aking atensyon.
“M-Ma? Ano pong nangyayari?” kinakabahang tanong ko.
“Mamaya ko na sasabihin, okay? Doon ka na muna sa kwarto namin ng Papa mo. Magtago ka roon. Sa likod ng aming aparador. Sige na,” naalarmang aniya at tinutlak na ako papunta sa kanilang kwarto.
“May mga tao po sa labas? Ano pong gagawin nila?” tanong ko sa gitna ng takot na nararamdaman ko lalo na at kitang-kita rin sa mga mata ni Mama ang takot.
Maay pag-aalinlangan sa mukha ni Mama na sagutin ang tanong ko.
“Cruzela! Ilabas niyo si Sia!”
“Sia!”
Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ang sigaw ng mga tao sa labas.
Bago pa ulit ako makapagtanong kay Mama ay kumalabog na ang pintuan sa ibaba at mas lalong naging klaro sa aking pandinig ang sigaw ng mga tao.
“Ma!” sigaw ko nang nakita siyang lumabas.
“Diyan ka lang,” aniya ngunit may isang tao nang nakaakyat sa hagdan at malakas siyang itinulak.
“Mama!” sigaw ko nang nakitang humandusay siya sa sahig.
Pilit siyang tumayo ngunit may pumigil at humawak na sa kaniya.
“’Wag ang anak namin! Sia! Huwag kang sumama sa kanila!” sigaw ni Mama.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang tatlong tao na residente ng Polimoa ang pumasok sa kwarto at mabilis akong nilapitan at kinaladkad palabas.
“Anong gagawin niyo? Anong ginawa niyo sa mga magulang ko!? Bitawan niyo ako!?” Pumiglas ako ngunit hindi nila ako pinakinggan, “Pa!” sigaw ko nang nakita siyang hinahawakan sa dalawang braso nina Mang Leroy at Ado.
“Huwag niyong gawin ‘to sa anak namin! Ado! Traydor ka ‘yo!” sigaw ni Papa at pilit kumakawala sa humahawak sa kaniya ngunit hindi siya pinagbibigyan.
Litong-lito ako sa lahat. Ang tanging iniisip ko lang ay ang mga magulang ko na ginagapos ng mga tao at ako na kinakaladkad nila palabas.
“Manong, maawa po kayo-” pagmamakaawa ko.
“Pasensya ka na, Sia. Para ito sa kapakanan ng lahat ng mga tao rito sa Polimoa,” sabi ng isa sa mga humahawak sa akin.
Mas lalo akong nalito. At noong nagtagumpay na silang mailabas ako ng bahay at maidala sa bakuran ay roon na ako natigilan nang tumambad sa akin ang maraming mga tao sa labas. Ngunit hindi iyon ang mas nagpakuha ng atensyon ko.
Sa aking harapan, mayroong limang matatangkad na mga lalaking nakatayo. Mga sampu ang naroon. Sa likuran nila ay ang limang kulay itim at makintab na mga sasakyan na katulad ng mga nakita ko kahapon noong pumunta kaming palengke.
Naging tahimik ang mga tao sa labas. Ang tanging naririnig ko lang ay ang sigaw nina Papa sa loob ng bahay at ang malalakas na kalabog ng aking puso.
Sinuyod ko ng tingin ang mga lalaki. Lahat sila ay nakasuot ng pormal na kasuotan at halatang mamahalin. Nanlaki ang mga mata ko nang nakilala ang isang lalaki na nakatayo sa likuran. Siya iyong misteryosong lalaki kahapon. Ngumisi siya sa akin. Lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan. Bigla akong natigilan. Halata ang gulat sa kaniyang mukha. Marami ring emosyon ang makikita sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa ‘kin.
And I swear. Hindi man ganoon karaming lalaki ang nakakasalamuha ko ay sigurado akong ito na ang pinakaperpektong mukha na nakita ko. Pormal ang kaniyang suot at halatang mamahalin ito. He’s tall, and has an athletic body. He has deep and very attractive eyes, long eyelashes, thick eyebrows, narrow nose, and perfectly sculpted jaw. His thin lips were naturally red and very... alluring. Kahit na hindi ko pa nahahawakan ay alam kong malambot iyon.
Napalunok ako ng sariling laway. His overbearing aura is completely giving me chills.
Bago pa niya maibuka ang kaniyang mga labi para magsalita ay namutawi na ang tanong galing sa akin.
“S-Sino kayo?” tanong na lumabas sa nanginginig kong bibig nang nakabawi.
Patuloy na sinasakop ng init ang aking buong sistema. Nagiging bayolente at halos inuubos ang aking lakas. The sensation that I feel within me intensifies even more as his warm tongue travels gently from my chest down to my navel. Halos wala na akong lakas para umahon sa pagkakalunod sa init at sensasyon na binibigay niya sa akin. I want to move my arm and touch his face but he’s pinning them tightly on the bed as he continued to suck my breast and tease my nipple with his wet tongue.“Hmm...” ungol ko sa gitna ng pangangatog ng aking tuhod.Gusto kong magsalita at sumigaw ngunit para akong pinagkakaitan ng lakas at kalayaan na gawin iyon. Mabigat ang aking hininga at tagaktak ang mga butil ng pawis sa aking noo. I tried to look down to the man who continues to worshipping my naked body. Katulad ng kakayahan kong igalaw ang aking katawan at sumigaw ay pinagkaitan din akong makita ng klaro ang mukha ng lalaking gumagawa sa akin nito. Pinagkakaitan ako
Everything is so peaceful, calm, and beautiful. Ito palagi ang nararamdaman ko sa araw-araw. The beautiful place of Polimoa gives me that feeling. The place is extremely beautiful. Lahat ng tao ay mababait, masayahin at palakaibigan.Nothing is imperfect. Almost flawless. Like the water of Samaya falls that envelops my porcelain skin. It feels good and very relaxing.Habol-habol ko ang aking hininga nang umahon ako mula sa ilalim ng tubig. Tumambad sa aking pandinig ang dagundong ng tubig na bumabagsak sa ilalim mula sa mataas na bundok, at ang ingay na huni ng mga ibon sa mga puno. Halos masilaw ako sa maliwang na sikat ng araw na sumisilip mula sa mga kakahuyan. This is the usual scenery that I always see in every morning that I swim here. Even the dry leaves that dramatically fall from the dancing branches of the tress are very satisfying.Sa umaga, pagkagising ko ay rito agad ako dumidiretso para maligo. Hindi ito malayo at hindi rin malapit sa aming bahay k
Hindi mawala ang saya sa aking puso habang tinutulungan sina Mama na ibaba ang mga banig sa sasakyan.“Sia, ilagay mo na ‘yan. Ako na,” saway ni Papa sa akin nang sinubukan kong magbuhat para tulungan siya.“Pa, kaya ko naman,” sabi ko ngunit inagaw niya na sa akin iyon at siya na mismo ang nagbuhat.I’m almost not comfortable with the noises from the crowd and from the vehicles around. Nasanay kasi ako na palaging tahimik ang aking paligid kaya medyo nabubulabog talaga ang kaluluwa ko sa ingay ngayon. Sinuyod ko ng tingin ang paligid. May mga kabahayan akong nakikita, mahahabang kalsada na gawa sa semento, maraming sasakyan, may mga kakahuyan at bundok sa malayo. Maliban doon ay wala na.“Tara na,” ani Papa at hinintay akong sumabay sa kanila ni Mama na pumasok sa loob ng palengke.Namangha ako sa dami ng mga taong naroon. Maingay sa loob at kahit mula sa labas ay dinig na dinig iyon.Halos la
Everything is so peaceful, calm, and beautiful. Ito palagi ang nararamdaman ko sa araw-araw. The beautiful place of Polimoa gives me that feeling. The place is extremely beautiful. Lahat ng tao ay mababait, masayahin at palakaibigan.Nothing is imperfect. Almost flawless. Like the water of Samaya falls that envelops my porcelain skin. It feels good and very relaxing.Habol-habol ko ang aking hininga nang umahon ako mula sa ilalim ng tubig. Tumambad sa aking pandinig ang dagundong ng tubig na bumabagsak sa ilalim mula sa mataas na bundok, at ang ingay na huni ng mga ibon sa mga puno. Halos masilaw ako sa maliwang na sikat ng araw na sumisilip mula sa mga kakahuyan. This is the usual scenery that I always see in every morning that I swim here. Even the dry leaves that dramatically fall from the dancing branches of the tress are very satisfying.Sa umaga, pagkagising ko ay rito agad ako dumidiretso para maligo. Hindi ito malayo at hindi rin malapit sa aming bahay k
Patuloy na sinasakop ng init ang aking buong sistema. Nagiging bayolente at halos inuubos ang aking lakas. The sensation that I feel within me intensifies even more as his warm tongue travels gently from my chest down to my navel. Halos wala na akong lakas para umahon sa pagkakalunod sa init at sensasyon na binibigay niya sa akin. I want to move my arm and touch his face but he’s pinning them tightly on the bed as he continued to suck my breast and tease my nipple with his wet tongue.“Hmm...” ungol ko sa gitna ng pangangatog ng aking tuhod.Gusto kong magsalita at sumigaw ngunit para akong pinagkakaitan ng lakas at kalayaan na gawin iyon. Mabigat ang aking hininga at tagaktak ang mga butil ng pawis sa aking noo. I tried to look down to the man who continues to worshipping my naked body. Katulad ng kakayahan kong igalaw ang aking katawan at sumigaw ay pinagkaitan din akong makita ng klaro ang mukha ng lalaking gumagawa sa akin nito. Pinagkakaitan ako