Share

Chapter 1

Author: Benibeni
last update Huling Na-update: 2022-02-12 01:56:48

Everything is so peaceful, calm, and beautiful. Ito palagi ang nararamdaman ko sa araw-araw. The beautiful place of Polimoa gives me that feeling. The place is extremely beautiful. Lahat ng tao ay mababait, masayahin at palakaibigan.

Nothing is imperfect. Almost flawless. Like the water of Samaya falls that envelops my porcelain skin. It feels good and very relaxing.

Habol-habol ko ang aking hininga nang umahon ako mula sa ilalim ng tubig. Tumambad sa aking pandinig ang dagundong ng tubig na bumabagsak sa ilalim mula sa mataas na bundok, at ang ingay na huni ng mga ibon sa mga puno. Halos masilaw ako sa maliwang na sikat ng araw na sumisilip mula sa mga kakahuyan. This is the usual scenery that I always see in every morning that I swim here. Even the dry leaves that dramatically fall from the dancing branches of the tress are very satisfying.

Sa umaga, pagkagising ko ay rito agad ako dumidiretso para maligo. Hindi ito malayo at hindi rin malapit sa aming bahay kaya hindi rin mahirap para sa akin na bumabalik dito tuwing umaga.

Isa ito sa mga binabalik-balikan ng mga residente ng Polimoa ngunit tuwing umaga ay halos walang tao rito kaya palagi ay mag-isa akong naliligo. I love my time being alone, kaya it doesn’t matter to me. Hindi rin ako natatakot na pumunta at maligo rito ng mag-isa dahil hindi naman pinupuntahan ng ibang mga tao na labas sa lugar ng Polimoa. Polimoa is a very remote area, na halos maliban sa mga residente rito, wala nang may nakakaalam na nag-eexist ang lugar na ito. Iyon ang sabi nina Mama sa akin. At naniniwala na ako roon dahil hindi pa ako kailanman nakakita ng ibang tao o mga tursita na dumayo sa lugar na ito.

Maliban na lang siguro sa araw na ito.

Sinuklay ko ang aking mahaba at basang buhok gamit ang aking mga daliri bago ako naglakad para tumakas na sa tubig. I wanna go back now, marami pa akong gagawin sa bahay. Napangiti ako at nanumbalik ang excitement sa akin nang naalala ang pinangako ni Papa sa akin. Isasama na nila ako ngayon na magbenta ng banig sa palengke sa labas. Ito ang aming negosyo at lagi akong tumutulong sa kanila Mama sa paghahabi ng banig na gawa sa nipa. Ngunit kailanman ay hindi nila sinasama kapag dinadala at binebenta na nila ito sa palengke kung saan ay nasa labas na iyon ng Polimoa. At ngayon na pumayag na si Papa na isasama ako ay masayang-masaya ako dahil alam ko na kahit papaano ay may katanungan ako sa isip na mabibigyan na ng kasagutan sa wakas.

Natigil ako sa pagpunas ng aking leeg gamit ang tuwalya nang nakita ang isang matangkad na lalaki na may suot na malaking bag sa kaniyang likuran. Nakasuot siya ng kulay pulang t-shirt at itim na short. May hawak-hawak siya sa kaniyang kamay at tinutuon niya iyon sa akin. Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng ganitong bagay rito sa Polimoa at alam kong cell phone ang tawag dito. At alam ko rin na kinukuhanan niya ako ng litrato. Nang binaba niya iyon at nakita ko ang kaniyang mukha ay kumunot ang noo ko. Hindi siya pamilyar sa akin kaya nalaman ko agad na hindi siya residente sa lugar na ito at posible na isa siyang turista.

Sa gitna ng kaba na nararamdaman ko, unti-unting umahon ang kagustuhan ko na makipagsalamuha habang tinitingnan siya na parang nakakita ng multo. Laglag ang kaniyang panga habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako at sinuot na ang aking tsinelas at mabilis na agad na umalis doon.

“Hey! Teka lang!” dinig kong sigaw ng lalaki habang tumatakbo ako paalis.

Kumalabog ang dibdib ko sa kaba nang nilingon ko siya ay tumatakbo rin siya para sundan ako. Nakita ko na patuloy pa rin siya sa pagkukuha sa akin ng litrato.

Mas binilisan ko na ang takbo at hindi na ako nagsayang pa ng oras na lingunin ang turistang iyon. Tumigil lang ako sa pagtatakbo nang nakarating na ako sa bahay.

Inaamin ko na hindi ito ang gusto kong gawin. I am just following what my parents’ order to me at dahil na rin sa takot dahil sa kanilang sinabi sa akin. Pinapaalala nila sa akin palagi na hindi raw ako dapat makipagsalamuha sa mga taong hindi ko kilala lalo na sa mga turista na maaaring papasok sa lugar na ito dahil masyadong delikado. Binabalaan nila ako lagi tungkol doon kapag napapansin nilang aalis ako ng bahay kaya dahil ayokong biguin ang mga magulang ko at dahil sa takot ay iyon nga ang ginagawa ko. Pero hindi ko maipagkakaila na may parte sa akin na nais makipagsalamuha sa mga tao sa labas ng Polimoa. Dahil sa bawat pagbabawal sa akin nina Mama, mas lalo lang lumalakas ang kuryusidad ko.

I want to know and see the life and the people out there. Gusto kong makita mismo ng mga mata ko kung totoo nga ba na iba ang pamumuhay ng mga tao sa labas ng lugar na ito. Kung katulad din ba sila sa amin? O ibang-iba.

At sa bawat katanungan na hindi ko kayang hanapan ng sagot ay mas lalo lamang akong nalilito at napupuno ng kuryosidad. Ang mga impormasyon na nakukuha ko sa pagtatanong sa aking mga magulang at sa mga taong nakakasalamuha ko rito lagi ay nanatili pa ring hindi sapat para sa akin.

“Kung sa siyudad, Sia. Magkaiba. Pero wala namang maganda roon. Mas maganda rito sa Polimoa. Tahimik, preska ang hangin at-”

“Bakit? Ano bang meron doon?” tanong ko habang nasa paghahabi pa rin ng nipa ang aking atensyon.

Alam kong ilang beses ko na itong natatanong kay Mama kaya pansin ko rin minsan na napapagod na siyang sagutin nang paulit-ulit ang tanong ko. Nagbabaka sakali lang naman ako na baka may bago siyang impormasyon na idadagdag tungkol sa mga tanong ko.

Nasa bakuran kami ngayon ng bahay at tinatapos na ang natitirang mga banig na hindi pa namin natapos kahapon para madala at maibenta na ito sa palengke mamaya.

“Wala. Usok, basura, building-”

“Building?” putol ko sa kaniya at napaisip.

“Oo, bakit?” tumigil si Mama sa paghahabi at kumunot ang noo sa akin.

Mga ilang sandali pa akong napaisip nang may naalala. Siguro ay narinig ko na ito sa mga tao rito.

Nagkibit-balikat ako.

“Seems familiar, though,” sagot ko habang tinatali ang banig na kakatapos ko lang habiin.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama sa aking tabi.

“Sia, tigilan mo na ang pag-iisip tungkol sa buhay sa labas. Sinasayang mo lang ang oras mo. Wala naman kasing special doon. Magulo ang syudad, dito sa Polimoa, mapayapa at tahimik,” sabi ni Mama.

Kumunot ang noo ko pagkatapos ipatong sa mga banig na natapos na ang aking ginawa na tapos na rin.

“Wala naman sigurong masama sa pagiging kuryuso, Ma. At isa pa, hindi ko naman tinatanong kung saan ang mas maganda. Gusto ko lang malaman ang... pinagkaiba. I am curious about their lifestyle, kung pareho rin ba sa atin,” sagot ko at tiningnan si Mama na muling napabuntong hininga sa aking sinabi.

Ngumuso ako at tiningnan ang mga nipang nagkakalat sa aming harapan. Sa edad kong twenty years old, hindi ko man lang naranasan na lumabas sa lugar na ito kahit sa palengke lang. Gusto kong suwayin ang utos nina Mama kaso...

“Sinabi na namIn sa ‘yo ng Papa mo ‘di ba? Sa labas ng Polimoa, hindi mapagkakatiwalaan ang mga tao. Marami ang mapang-abuso. Maraming... holdaper, may rapist. At sa ganda mong ‘yan, marami kang makukuhang atensyon. Iniiwasan lang namin ni Romelio na malagay ka sa kapahamakan,” seryosong sabi ni Mama at binuhat na ang mga banig para ikarga sa pick up truck ni Papa.

Tinulungan ko siya at kinuha na rin ang natira para ikarga na rin ang mga iyon doon.

Nalungkot ako nang muli ko iyong marinig. Pakiramdam ko ay muli na naman akong nawalan ng pag-asa. Ito palagi ang rason nila sa akin kapag nangungulit ako. Ngunit kahit na nabibigo at nalulungkot, sinusunod ko pa rin ang gusto nila.

Hindi na ako nagsalita pa. Alam kong na estress na si Mama sa kakatanong ko. At alam ko rin na iniisip lang din naman nila ang kapakanan ko kaya walang mali roon. Hindi nila ako pinagkakaitan ng kalayaan na gawin ang gusto ko o ang bagay na makakapag pa-satisfy sa akin, sadyang nag-aalala lang talaga sila sa akin. And I understand them.

Pero iyon nga lang, hindi ko mapigilan na magtakha nang nilahad na sa ‘kin ni Papa ang isang sumbrero, mask, at itim na rayban. Gusto rin nila na itali ko ang buhok ko. Even my body is fully clothed with thick clothes.

“Pa, kailangan ba talaga ‘to?” sabi ko at hindi naapigilan ang dismayadong tono.

Sinuot ko ang jacket na binigay ni Papa na pagmamay-ari niya rin. Lagpas ito sa aking kamay kaya kinailangan ko pang tupiin iyon.

Tumingin si Papa sa akin sa repleksyon ko sa rearview mirror.

“Huwag kang mag-alala. Hindi naman mainit ang panahon ngayon. Pero kung naiinitan ka, pwede kang manatili rito sa loob ng sasakyan-”

“Romelio!” ani Mommy na parang kinabahan sa sinabi ni Papa.

Nangunot ang noo ko. Bumuntong hininga naman si Papa.

“Hindi natin maipapasok ang sasakyan sa loob ng palengke kaya delikado pa rin. Sino ang magbabantay sa kaniya roon?” tanong ni Mama.

Tumingin si Papa sa repleksyon ko.

“Gusto mo bang tumulong?” marahang tanong niya sa ‘kin.

Tumango ako, “Opo.”

Nandito naman na kami sa loob ng sasakyan at naghahanda nang umalis ngunit dahil sa pinag-uusapan ay hindi pa kami nakaalis.

Mahilig akong mamasyal sa maliit na bayan ng Polimoa. Ngunit iyon nga lang, limitado pa rin ang pinupuntahan ko dahil hindi ako pwedeng pumunta malapit sa labasan ng bayan. Pero ginawa ko pa rin iyon ng mga dalawang beses at hindi iyon alam nina Mama. Kaya ngayon, kabisadong-kabisado ko na ang bawat parte na nadadaanan namin habang bumibiyahe palabas ng Polimoa. Diretso lang ang tingin ko sa unahan dahil mas lalo akong na eexcite sa tatambad sa amin pagkalabas namin sa bayang ito.

Tumingin ako kay Papa nang napansin ang madalas niyang pagsulyap sa akin sa rearview mirror.

Ngumiti ako sa kaniya, “Marami bang... tao roon?”

Ngumiti rin siya at muling ibinalik ang tingin sa medyo maputik na daan. Sa magkabilang gilid ay hindi nawawala ang naglalakihang mga puno kaya kahit na tanghali na ay halos madilim pa rin dahil natatakpan ang buong lugar ng mga kakahuyan.

“Oo. Pero hindi ka pwedeng makipaghalubilo roon. Maliban na lang sa mga customer,” sabi niya.

“Okay,” ani ko at muling ibinalik ang tingin sa labas.

Kaugnay na kabanata

  • The Broken Naivety   Chapter 2

    Hindi mawala ang saya sa aking puso habang tinutulungan sina Mama na ibaba ang mga banig sa sasakyan.“Sia, ilagay mo na ‘yan. Ako na,” saway ni Papa sa akin nang sinubukan kong magbuhat para tulungan siya.“Pa, kaya ko naman,” sabi ko ngunit inagaw niya na sa akin iyon at siya na mismo ang nagbuhat.I’m almost not comfortable with the noises from the crowd and from the vehicles around. Nasanay kasi ako na palaging tahimik ang aking paligid kaya medyo nabubulabog talaga ang kaluluwa ko sa ingay ngayon. Sinuyod ko ng tingin ang paligid. May mga kabahayan akong nakikita, mahahabang kalsada na gawa sa semento, maraming sasakyan, may mga kakahuyan at bundok sa malayo. Maliban doon ay wala na.“Tara na,” ani Papa at hinintay akong sumabay sa kanila ni Mama na pumasok sa loob ng palengke.Namangha ako sa dami ng mga taong naroon. Maingay sa loob at kahit mula sa labas ay dinig na dinig iyon.Halos la

    Huling Na-update : 2022-02-12
  • The Broken Naivety   Prologue

    Patuloy na sinasakop ng init ang aking buong sistema. Nagiging bayolente at halos inuubos ang aking lakas. The sensation that I feel within me intensifies even more as his warm tongue travels gently from my chest down to my navel. Halos wala na akong lakas para umahon sa pagkakalunod sa init at sensasyon na binibigay niya sa akin. I want to move my arm and touch his face but he’s pinning them tightly on the bed as he continued to suck my breast and tease my nipple with his wet tongue.“Hmm...” ungol ko sa gitna ng pangangatog ng aking tuhod.Gusto kong magsalita at sumigaw ngunit para akong pinagkakaitan ng lakas at kalayaan na gawin iyon. Mabigat ang aking hininga at tagaktak ang mga butil ng pawis sa aking noo. I tried to look down to the man who continues to worshipping my naked body. Katulad ng kakayahan kong igalaw ang aking katawan at sumigaw ay pinagkaitan din akong makita ng klaro ang mukha ng lalaking gumagawa sa akin nito. Pinagkakaitan ako

    Huling Na-update : 2022-02-12

Pinakabagong kabanata

  • The Broken Naivety   Chapter 2

    Hindi mawala ang saya sa aking puso habang tinutulungan sina Mama na ibaba ang mga banig sa sasakyan.“Sia, ilagay mo na ‘yan. Ako na,” saway ni Papa sa akin nang sinubukan kong magbuhat para tulungan siya.“Pa, kaya ko naman,” sabi ko ngunit inagaw niya na sa akin iyon at siya na mismo ang nagbuhat.I’m almost not comfortable with the noises from the crowd and from the vehicles around. Nasanay kasi ako na palaging tahimik ang aking paligid kaya medyo nabubulabog talaga ang kaluluwa ko sa ingay ngayon. Sinuyod ko ng tingin ang paligid. May mga kabahayan akong nakikita, mahahabang kalsada na gawa sa semento, maraming sasakyan, may mga kakahuyan at bundok sa malayo. Maliban doon ay wala na.“Tara na,” ani Papa at hinintay akong sumabay sa kanila ni Mama na pumasok sa loob ng palengke.Namangha ako sa dami ng mga taong naroon. Maingay sa loob at kahit mula sa labas ay dinig na dinig iyon.Halos la

  • The Broken Naivety   Chapter 1

    Everything is so peaceful, calm, and beautiful. Ito palagi ang nararamdaman ko sa araw-araw. The beautiful place of Polimoa gives me that feeling. The place is extremely beautiful. Lahat ng tao ay mababait, masayahin at palakaibigan.Nothing is imperfect. Almost flawless. Like the water of Samaya falls that envelops my porcelain skin. It feels good and very relaxing.Habol-habol ko ang aking hininga nang umahon ako mula sa ilalim ng tubig. Tumambad sa aking pandinig ang dagundong ng tubig na bumabagsak sa ilalim mula sa mataas na bundok, at ang ingay na huni ng mga ibon sa mga puno. Halos masilaw ako sa maliwang na sikat ng araw na sumisilip mula sa mga kakahuyan. This is the usual scenery that I always see in every morning that I swim here. Even the dry leaves that dramatically fall from the dancing branches of the tress are very satisfying.Sa umaga, pagkagising ko ay rito agad ako dumidiretso para maligo. Hindi ito malayo at hindi rin malapit sa aming bahay k

  • The Broken Naivety   Prologue

    Patuloy na sinasakop ng init ang aking buong sistema. Nagiging bayolente at halos inuubos ang aking lakas. The sensation that I feel within me intensifies even more as his warm tongue travels gently from my chest down to my navel. Halos wala na akong lakas para umahon sa pagkakalunod sa init at sensasyon na binibigay niya sa akin. I want to move my arm and touch his face but he’s pinning them tightly on the bed as he continued to suck my breast and tease my nipple with his wet tongue.“Hmm...” ungol ko sa gitna ng pangangatog ng aking tuhod.Gusto kong magsalita at sumigaw ngunit para akong pinagkakaitan ng lakas at kalayaan na gawin iyon. Mabigat ang aking hininga at tagaktak ang mga butil ng pawis sa aking noo. I tried to look down to the man who continues to worshipping my naked body. Katulad ng kakayahan kong igalaw ang aking katawan at sumigaw ay pinagkaitan din akong makita ng klaro ang mukha ng lalaking gumagawa sa akin nito. Pinagkakaitan ako

DMCA.com Protection Status