MABILIS NA INAYOS ni Daphne ang magulong mesa nang marinig na may kakausapin ang asawa na bisita. Gano’n siya lagi. Siya na ang lumalabas para bigyan ng privacy ang asawa at tumutulong na lang siya kay Caridad. O ‘di kaya doon ipagpapatuloy ang ginagawa. Hindi siya nakikinig sa usapan, maliban na lang kapag pinipigilan siya ng asawa. “Okay lang ba?” aniya kay Caridad nang makarating sa tapat nito. Ipinakita niya ang laptop at folder na dala. “Sure, Ma’am,” nakangiting saad ni Caridad. Kaagad na binigyan siya nito ng space sa lamesa nito at upuan. May nakahanda naman sa gilid dahil lagi niyang gawain naman iyon sa loob ng isang buwan. “Birthday ko sa Linggo, Ma’am Daphne. Iimbitahan sana kita. ‘Wag kang mag-aalala, kasama natin ang ilang empleyado ng HGC. Sure na pupunta sila.” “Wow. Advance happy birthday kung gano’n. Mukhang magiging masaya, pero papaalam ko pa kay BK.” “Hindi pa naman pasukan, Ma’am kaya I’m sure, papayagan ka ni Boss. Kasama mo naman kami. Kung gusto niya po
Last Updated : 2022-09-24 Read more