"Lara, ano ang nangyari sa 'yo?" Payakap siyang sinalubong ni Tasya. Luhaan ang kanyang mukha nang makita siya ng kaibigan. Dahil niyakap na siya nito, hindi na rin niya pinigilan ang pag-iyak. Lara cried like a baby in Tasya's arms. They stayed like that for a good several minutes, Tasya rubbing her back and Lara crying rivers. Nang makalma ay saka siya nagkwento. Mataman namang nakinig ang kaibigan niya nang walang panghuhusga. "I can't believe that's just what I am to him, Tasya… To think that I loved him with all I got," hikbi niya. Hindi niya alam eksakto kung paano niya naitawid ang kwento niya nang hindi binabanggit kung ano ang narinig niya. Na hindi pinapaliwanag ang pinanggagalingan niya. At kung paanong hindi na rin nag-usisa pa si Tasya. Maybe, her friend just dwelled on the fact that she heard something that upset her. "Lara, you should have confronted him," sabi naman ni Tasya. "Sana tinanong mo. Kasi kung narinig mo lang at hindi mo naman pinatapos ang usapan, ma
Read more