“SINUSUMBAT mo ba sa akin ‘yan, Meganne? Baka nakalilimutan mong ako ang nagbu—” Hindi ko na hinayaang matapos pa n’ya ang dapat n’yang sasabihin dahil memoryadong–memoryado ko na ang linyahan n’yang ‘yan.“Na ano, kuya? Na ikaw ang bumuhay sa akin noong nagkasakit ako, na ikaw ang tumayong tatay sa akin noong bata pa ako? Ilang taon ‘yon, kuya? Isang taon? Dalawa o ‘di naman kaya tatlo? Bilangin mo! Kasi ako! Sampung taon, kuya! Sampung taon akong nagpakaalipin sa ‘yo! Kung dati takot na takot akong mawalan ng silbi sa ‘yo, ngayon, tapos na tapos na ako, kuya! Kaya kong hindi mo ako magawang suportahan sa gusto ko, bahala ka! Pagod na akong maghanap ng papel sa buhay mo, kuya! Kung isusumbat mo sa akin habang buhay ‘yang ginawa mong sakripisyo dati sana pinatay mo na lang ako! Sana pinabayaan mo na lang ako!” Humihikbi akong naglakad papasok ng k’warto ko.“Utot
Read more