"KUMUSTA, Miles nakita mo ba ang usok sa ilong ni Sir Troy?" natatawang tanong sa akin ni Chad habang palabas na kami ng gusali. Kanina pa akong tahimik at kanina pa rin nila akong kinukulit sa mga sinabi ni Sir Troy sa akin. Bumuntong-hininga ako. "Hindi naman siya nagalit sa akin, pero alam ni'yo kung ano'ng nakakainis? Hindi pa ako tapos for my project to interview Zandy, and now he gave me another project," reklamo ko sa kanila. "New project? He gave you another personality to interview?" ulit ni Melissa. Tumango ako. "At ang nakakainis pa, napaka-choosy ng kung sino mang lalaki iyon. Ako raw ang gustong mag-interview sa kaniya and If it's not me, he wouldn't go for an interview," inis kong sabi. "Wow! Mukhang something fishy ang new project mo, Miles, ah? Hindi kaya, he's one of your millionaire admirer?" ani naman ni Andrea na natuwa pa sa naisip niya. "Admirer? Well,
Last Updated : 2022-03-31 Read more