Home / Romance / Her Unexpected Marriage / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Her Unexpected Marriage: Chapter 21 - Chapter 30

132 Chapters

Kabanata 15: The Unexpected Dinner

NAPILI NAMING kumain sa malapit na resto, kung saan may bandang umaawit sa entablado. Maraming tao sa lugar at open iyon kung kaya naman ramdam ko ang ihip ng malamig na hangin sa katawan ko.  "Sigurado ka ba, Zandy na ok lang sa 'yo ang lugar na ito? You're rich man at hindi ka bagay sa lugar na ito," tanong uli ni Andrea kay Zandy nang makaupo kami sa bakanteng table. Ngumiti si Zandy at saglit na yumuko. "Don't treat me like a rich man tonight. At saka, gusto ko ring maranasan 'yong ganito, 'yong simpleng buhay. Isipin niyo na lang na we're on the same ground," seryoso ani Zandy. Tahimik lang ako habang pasimpleng umiirap sa mga sinasabi ni Zandy na ang hirap paniwalaan. Bakit ba kung umakto siya sa taong malalapit sa akin, animo'y mabait siya at walang ginawa sa akin. Naiinis ako at nagagalit sa pagpapakitang tao niya. "Teka ka nga, Chad um-order ka na nga ng food at drinks para masimulan na
last updateLast Updated : 2022-03-24
Read more

Kabanata 16: The Unexpected Kiss

PAKIRAMDAM KO'Y umiikot na ang paligid dahil sa nararamdaman kong hilo dulot ng alak na ininom ko. Hindi ko namalayang naparami na pala ang nainom kong alak dahil sa masayang kwentuhan at tawanan.   "Paano ba 'yan, uuwi na kami. Salamat, Zandy for the drinks and food for us tonight," narinig kong paalam ni Chad na parang hindi naman ata nalasing. "Ihahatid ko pa 'tong si Melissa sa kanila dahil mukhang hindi na kayang umuwi," dagdag pa nito.   Kahit nahihilo ako, naiintindihan ko pa naman ang mga sinasabi nila pero sigurado akong kinaumagahan, makalilimutan ko rin ang mga nangyari.   "Si-shinong h-hindi kayang umuwi, huh? Hindi ako lashing, Chad, kaya kong umuwi mag-isha," ani naman ni Melissa na halos pikit na at hindi maintindihan ang sinasabi habang inaalalayan ni Chad. Sinusundot pa nito ang pisngi ni Chad kaya iniiwas nito ang mukha sa daliri ni Melissa.   "Salamat, Zandy and congrats ulit sa in
last updateLast Updated : 2022-03-24
Read more

Kabanata 17: The Unexpected Person

NAPANGIWI AKO nang imulat ko ang mga mata ko dahil sa kirot na nagmula sa ulo ko. Pakiramdam ko rin, nanunuyo ang lalamun ko at bahagyang masakit iyon. Dahan-dahan akong gumalaw at muling napapikit ng masilaw ako ng sikat ng araw na tumagos sa bintana ng silid ko. Napasandal ako sa headboard at nasapo ang ulo ko. Nanghihina ang katawan ko at walang ganang gumalaw. "Ano bang nangyari?" nagtataka kong tanong. Inalala ko ang mga kaganapan sa nagdaang gabi pero napakunot ang noo ko dahil sa hindi ko maalala ang lahat. Ni hindi ko na natandaan kung paano nakauwi. Mabilis kong tiningnan ang suot ko na may kaba dahil baka kung ano'ng nangyari sa akin. Nang makita kong iyon pa rin ang suot ko, nakahinga ako ng maluwag. "Paano ako nakauwi?" tanong ko pa sa sarili ko. Ang huling naalala ko, lumabas kami ng Resto na iyon kasama sila ate Shai, pero umalis din sila at kami ang natira ni Zandy. Hanggang doon na lang at wala na akong ibang maalala. Napangi
last updateLast Updated : 2022-03-25
Read more

Kabanata 18: The Unexpected Date (Part 1)

PATINGIN-TINGIN ako sa wristwatch na suot ko. Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa silid ko at nagdadalawang isip kung sisipot ba ako sa date na inihanda nila para sa amin ni Zandy. Alas-sais na ng hapon at ang sabi ni Mama alas-otso raw ang oras ng date namin sa isang kilalang restaurant. Napapikit ako ng mariin habang nakahiga sa kama ko. Muling bumalik sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina sa mall. Nagmulat ako at tumambad sa paningin ko ang puting kisame. "Roven," banggit ko sa pangalan niya. Bakit hanggang ngayon may sakit pa rin akong nararamdaman? Pero alam ko ring sa kabila ng sakit, may pananabik at galak na lumitaw sa puso ko. Isang taon na mahigit simula nang huli kong makita si Roven at kanina, nang makita ko siya, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Magagalit ba ako o magagalak dahil nakita ko siya. Ipinilig ko ang ulo ko ng ilang sunod. Muli na namang nagugulo ang isip ko dahil kay Roven. Wala na dapat a
last updateLast Updated : 2022-03-25
Read more

Kabanata 18: The Unexpected Date (Part 2)

HINDI KO magawang tumingin kay Zandy habang lulan kami ng sasakyan niya patungo sa restaurant kung saan kami magde-date daw. Pilit kong inalala sa isip ko ang ginawa ko nang nagdaang gabi at lahat iyon muling bumalik sa isip ko. Hindi ko na alam kung paano ako haharap kay Zandy. Tama siya, para nga akong baliw nang nagdaang gabi. Nahihiya ako sa sarili ko, maging kay Zandy dahil sa pinagagawa at pinagsasabi ko. Bigla ko tuloy pinagsisihan ang pag-inom ko ng marami. Naalala kong ako nga pala ang nanghamon kay Zandy na halikan ako, inilapit ko pa ang nguso ko sa kaniya dahil iniisip kong hindi naman niya iyon kayang gawin. Nakalimutan ko atang ginawa na niya iyon nang ikasal kami. Mayamaya pa'y huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking restaurant. Napaka-elegante niyon mula sa labas at hindi maitatangging halos mayaman lamang ang kumakain doon. Glass wall iyon na may kakaibang mga ilaw sa taas na nakasabit. Hindi rin tipikal ang lamesa't
last updateLast Updated : 2022-03-26
Read more

Kabanata 19: The Unexpected Project

HINDI MAALIS sa isip ko ang naging pagtatalo namin ni Zandy nang nagdaang gabi. Hindi pa rin mawala ang inis at galit ko sa kaniya. "Miles, mukhang masyado kang tahimik?" narinig kong sabi ni Melissa na nakalapit na pala sa akin. "'Yong article mo, oh, kinakausapa ka, hindi mo pinapansin," pagbibiro pa nito. "Oo nga, kanina pa kitang nakitang ganiyan. Ano'ng nangyari? Nag-away ba kayo ng asawa mo?" tanong naman ni Andrea na pinaandar ang swivel chair palapit sa akin. Seryoso ko silang tiningnan. "Wala, may naisip lang ako," dahilan ko. "Sige na, bumalik na kayo sa trabaho ni'yo," pagtataboy ko sa kanila, saka muling humarap sa monitor ko. "Gusto mo inom uli tayo mamaya?" pang-aakit ni Melissa. Hinarap ko siya at kinunutan ng ulo. Hindi na uli ako iinom dahil naaalala ko lang ang nangyari nang gabing iyon. Baka sa susunod na malasing ako, mas higit pa sa halik ang mangyari. "No th
last updateLast Updated : 2022-03-26
Read more

Kabanata 20: The Unexpected Dinner (Part 1)

"MASYADO kang tahimik, Miles," pukaw ni Melissa sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng department. Sabay-sabay kaming lumabas nila Melissa, Andrea at Chad habang naiwan naman si ate Shai.   "Siyanga pala, Miles bakit ka pinatawag ni Sir Troy?" usisa naman ni Andrea.   "Umusok na naman ba tainga niya sa magulo mong articles?" natatawa namang tanong ni Chad nang maalala nito ang nangyari noon na halos mabingi ako sa galit ni Sir Troy dahil sa magulong construction ng articles ko na daig pa ng high school journalist ang pagkakagawa. That was the time na sariwa pa ang sugat na ginawa ni Roven sa akin.   Binalingan ko sila at sumimangot. "He gave me a new project," pag-amin ko. "I hate this project at kung pwede ko lang ipasa ito sa iba, gagawin ko," malungkot kong sabi.   Nagkatinginan ang tatlo sa naging reaction ko. "Oh? Ano'ng problema sa new project bakit parang sobrang bigat naman ng problema
last updateLast Updated : 2022-03-27
Read more

Kabanata 20: The Unexpected Dinner (Part 2)

HINDI PA rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Tita Mandy sa akin tungkol kay Zandy hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Ginugulo niyon ang utak ko sa kasalukuyang pagkakakilala ko kay Zandy. Introvert daw ito pero bakit ganoon niya ako tratuhin? Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko ba na iniwan si Zandy ng girlfriend nito para sa ibang lalaki. O baka naman iyon ang naging dahilan para maging bakla siya, dahil sa matinding pagkabigo niyo sa babae. Kung ano-ano nang tumatakbo sa isip ko tungkol kay Zandy at bakit ko nga ba iniisip ang lalaking iyon? Galit nga pala ako sa kaniya. Bumaba ako ng sasakyan kasunod si Tita Mandy at tumambad sa akin ang isang malaking bahay. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang bahay nila Zandy. Napakaliwanag ng paligid dahil sa ilaw na nagkalat sa labas, napakataas ng gate na pinasukan namin kanina na ngayon ko lang nakita. Kulay cream ang kabuuan ng bahay na halos tinga
last updateLast Updated : 2022-03-27
Read more

Kabanata 21: The Unexpected

NAMAYANI ANG nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan ni Zandy habang lulan kani niyon pauwi. Wala naman kasi siyang ibang choice kung 'di ang ihatid ako pauwi dahil naiwan ko ang sasakyan ko sa opisina dahil sa biglaang pag-imbita sa akin ni Tita Mandy. Bigla akong nanibago sa Zandy na kasama ko na gustong-gusto na palagi akong inaasar at nagagalit sa kaniya. Napakatatimik niya at hindi ako sanay na ganito siya. Higit lalo akong nacu-curious sa kung ano'ng nasa isip niya at sa totoong pagkatao niya. Katulad ko, alam kong may hinaing din siya sa buhay at gusto kong malaman iyon sa hindi ko alam na dahilan. "Do you really think na matatapos din ang marriage nating dalawa?" basag ko sa katahimikang namayani na parang nakakabingi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto kong magsimula ng conversation sa kaniya. "I mean, if we keep on treating each other like this, sa tingin mo ganoon sila kadaling bibitaw sa atin?" sabi ko sa
last updateLast Updated : 2022-03-28
Read more

Chapter 22: The Unexpected Lipat Bahay

NAKITA KO ang lungkot sa mukha ni Papa at Mama habang nakatingin sa akin, bitbit ang maleta na naglalaman ng mga gamit ko at ang back pack na nakasabit sa likod ko. Ito na kasi ang araw na lilipat kami sa bahay na binili ng mga Zaavedra para sa amin ni Zandy. Kahit mabigat ang loob ko, wala na akong magagawa.  Bumaling ang mga ito kay Zandy na bakas doon ang lungkot. "Zandy, please take care our daughter, ok? This would be the first time na malalayo sa amin si Miles at hindi siya sanay na wala kami para mag-alaga sa kaniya," simula ni Mama na bakas agad ang pangungulila sa boses nito. Kanina pang nandito si Zandy para sunduin ako at alam kong napipilitan lang din siya sa gagawin. Nandoon pa rin ang kakaibang emosyon sa mukha niya. Hindi ko rin madalas makita ang ngiti sa mga labi niya, at kung sumilay man iyon, mababakasan iyon ng lungkot. Kumunot ang noo ko. "'Ma, para namang sinasabi ninyong hanggang ngayon alagai
last updateLast Updated : 2022-03-28
Read more
PREV
123456
...
14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status