Home / Romance / Treat Me Right, Misis! / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Treat Me Right, Misis!: Chapter 51 - Chapter 60

77 Chapters

KABANATA 50.1

"M-adaling araw pa rito, D-elton."Kinagat ko ang labi pagkatapos sabihin iyon. Nanghihina rin akong umupo sa gilid ng kama at nasapo ang noo sa pananakit ng ulo ko.Dinig ko ang mabibigat niyang paghinga mula sa kabilang linya."I was worried," muling sabi niya.Pumikit ako at hindi alam paanong magsasalita. Natatakot akong baka bigla na lamang dumulas sa mga labi ko na buntis ako."I still want to sleep, Delton," mahinang bigkas ko."Hm? I told you to call me, but you didn't."Walang halong sermon iyon ngunit dahil na rin sa sakit ng ulo ko at sa sitwasyon ay hindi ko mapigilan ang mainis."We have different timezone, Attorney. Saka na tayo mag-usap. Gusto ko pang matulog."Akmang ibaba ko na ngunit nagsalita pa siya muli."Can we facetime? Video call? I miss you, Savvy," he murmured like as if he was doubting.Lumukso ang puso ko dahil doon at tinunaw bahagya ang inis ko. Inalis ko ang pagkakasapo sa noo
last updateLast Updated : 2022-03-10
Read more

KABANATA 50.2

Two red lines. Two fucking red lines.Pumikit ako ulit at nagbabakasakaling namalikmata lang ako ngunit hindi. Pagmulat ko ay dalawang linyang pula pa rin ang nakikita ko. Dalawang pulamg linya na alam kong babago sa buhay ko.Nagsimulang mangilid ang mga luha sa aking mga mata at bagsak ang balikat na lumabas ako ng banyo. Hinanap agad ng mga mata ko ang basurahan sa gilid at agad tinapon doon ang kit. Halos natatakot din akong lumayo roon.Dumadagdag pa sa sakit ng ulo ko ang tunog ng cellphone. Wala iyong tigil sa pagtunog. Mamamatay sandali ngunit tutunog muli."Bakit ba nangyayari 'to? Hindi pa nga tapos ang kila Daddy, dumagdag ka pa," pagkausap ko sa sarili.Suminghot ako at halos masabunot ang sarili kung hindi lang muling tumunog ang cellphone. Nagmartsa ako sa kama at marahas na kinuha iyon ngunit napunta sa missed calls ang tawag. Halos manlaki pa ang mga mata ko matapos makitang nagpaparamihan yata ng tawag sa akin si Delton at Yaya Nen
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

KABANATA 51.1

Unti-unting piniraso ang puso ko. Ni hindi na nga yata ako makahinga sa sakit at sa bawat pagpatak ng luha sa mga mata ko."H-ow, Yaya? P-aano?"Humagulhol ito at hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi."Y-aya, u-uwi po a-ko. H-indi k-o p-o k-ayang m-anatili l-ang d-ito."Walang patid ang luha ko kasabay ng hagulhol ni Yaya. Hindi na ito makapagsalita at hindi ko na yata makakausap pa nang maayos."M-a'am S-age," ani nito bago namatay ang tawag.Awang ang mga labing dumiretso ako sa social media account at tinawagan si Yaya para sa video call. Hindi naman ako nabigo at sinagot agad ang tawag ko ngunit si Andres ang lumitaw sa screen habang dinig ko ang pag-iyak ni Yaya Nenita sa gilid nito."Ma'am Sage, na-heart attack po ang Daddy niyo at hindi alam kung... kung gigising pa po," seryoso at sinserong balita muli ni Andres.Kung masakit na kanina ay mas lalo pang sumakit ngayong dalawang tao na ang nagsabi sa akin. Hindi na ako halos makapagsalita sa kaiiyak. Ni hindi ko alam kung
last updateLast Updated : 2022-06-07
Read more

KABANATA 51.2

Kulang ang salitang nagimbal sa aking nararamdaman. Tila buong mundo ko ang tumigil at ni ayaw i-proseso ng puso ko ang narinig ngunit pilit naman iyong sumisiksik sa isipan ko.Delton is Daxton?Kinapusan ako ng hininga at umawang ang mga labi.Paanong ang asawa ko ay siya ring gustong magpakulong sa mga magulang ko?Napasinghap ako sa kawalan ng hininga at napahawak sa aking dibdib sa sakit niyon. Triple ang sakit na nararamdaman ko mula roon."Ma'am Sage, ayos lang po ba kayo?" may pag-aalalang tanong ni Andres.Hindi ako makapagsalita at naramdaman na lamang ang patak ng luha sa aking pisngi.Mapakla akong napangiti. Totoo nga siguro ang kasabihan na 'love your enemies.'Kaya ba ayaw niya akong pakawalan? Kaya ganoon na lang ang higpit niya at halos ayaw akong ipakiusap sa mga magulang ko?Napapikit ako nang mariin sa biglaang sakit ng ulo ko. Nanghina at hindi lubos na makapaniwalang nangyayari lahat ng ito.Hindi pa nga nawawala ang sakit ng puso ko sa sinapit ni Tatay ay dumagd
last updateLast Updated : 2022-06-27
Read more

KABANATA 52.1

Nanginginig ang mga kamay ko. Kinakabahan. Nagdadalawang isip kung sasagutin ba o hindi ang tawag niya. Ngunit sa huli, hinayaan ko lamang na matapos ang pag-ring at hindi iyon sinagot. At dahil alam kong tatawag siya muli ay agad kong pinatay ang cellphone at muling humilata sa kama."Now what, Sage? Ano ng gagawin mo?" tanong ko sa sarili.Nangunguna sa isipan ko ang umuwi na at ilayo sila Mommy at Daddy. Ngunit hindi ko naman alam kung paano gagawin iyon. Inabot ako ng ilang oras hanggang maggabi ay hindi pa rin alam ang dapat gawin.Ano nga lang ba ang bitbit ko papunta rito? Pera niya at cards niya.Napatigil ako sandali. Alam kong hindi ako makahihingi ng pera kila Mommy lalo pa't lugmok kami ngayon. Iniisip ko na baka pwede kong gamitin ang cards niya? Or kahit ang online bank niya na lang.Alam kong mapanganib ang balak ko at ma-te-trace niya kapag ginawa ko iyon pero desidido na ako.Kaya naman kinabukasan, kahit ayaw ko pang marinig ang boses niya ay sinagot ko pa rin ang ta
last updateLast Updated : 2022-07-07
Read more

KABANATA 52.2

Mabilis pa sa alas kwatrong tinungo ko ang comfort room at doon pansamantalang nagtago. Hindi ko alam na simbilis ng kidlat na ma-te-trace ako ni Delton. Heto nga't nandito lang din sa airport ang kampon niyang si Ian."What now, Sage?!" taranta kong tanong sa sarili.Mariin akong pumikit, iniisip ang tamang gawin. Imposible kasing hindi ako mahanap rito ni Ian. Baka nga nagtawag pa iyon ng mga kasama.Ningatngat ko ang hinlalaking daliri at tumitig sa salamin sa sink. Nagtagal ang titig ko sa sarili matapos makaisip ng ideya.Wala akong sinayang na oras at agad na muling binuksan ang cellphone ko. Maging ang pag-book ng ticket sa ibang Airport ay minadali ko upang maisip ni Delton na roon ang tungo ko at aalis na rito. Pagkatapos niyon ay agad ko rin muling pinatay ang cellphone. Imposibleng hindi niya mapansin ang notification sa kanya ng bangko.Dalawa lang naman ang posibleng mangyari. Lilipat sa ibang Airport si Ian o di kaya'y magpapadala roon ng ibang tao si Delton. Kahit ano p
last updateLast Updated : 2022-07-08
Read more

KABANATA 53.1

Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang nakikinig kay Yaya Nenita. Ni hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso ko sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay namatay na rin ako."S-abi ni Attorney S-antiago, hindi na raw n-akayanan ng k-atawan ng Da-ddy mo tapos... tapos nag-suicide ang M-ommy mo, Ma'am Sage."Ni hindi ito makapagsalita ng matino dahil sa pagluha. Maging si Andres ay lumuluha at nasa akin lamang ang tingin.Naglapat ang mga labi ko. Kung kanina ay nagsisisigaw ako sa pag-iyak, ngayon naman ay hindi ko mahanap ang boses ko. Pawang mainit na luha lamang ang bumabagsak sa aking pisngi. Walang patid lalo pa't gumuguhit sa isipan ko ang masayang mukha nila Mommy at Daddy. Ang giliw sa kanila at ang mga panahong... kumpleto pa kami at hindi mag-isa.Bumagsak ang tingin ko sa sahig at naikuyom ang mga kamay.Kasalanan itong lahat ni Delton!Kung hindi siya dumating sa buhay namin ay matahimik sana pamumuhay namin at buhay pa sana ang mga magulang ko! Kung hindi siya umeksena ay
last updateLast Updated : 2022-07-11
Read more

KABANATA 53.2

"The mansion was never theirs." Ilang beses na umulit iyon sa aking isipan at talagang nanghihina ako sa kaisipang iyon.All this time? Hindi sa amin ang mansyon? Ngunit paano nangyari iyon?!Ibig bang sabihin na kay Delton ang mansyon? Hindi pa siya nakuntento sa kumpanya at pati mansyon ay inako niya!Para akong pinagtaksilan. Simula at paglaki ay doon ako nakatira kaya paanong hindi sa amin ang mansyon?Inis akong pumikit at muli lamang nag-play sa isipan ko ang boses ni Delton.Iba ang boses nito. May halong galit at pangungulila. Pero paniniwalaan ko ba iyon? Malamang na galit iyon sa pagtakas ko ngunit hindi iyon mangungulila. Hindi na nga ako magtataka kung ngayon pa lang ay pinaiimbestigahan niya na rin si Yaya Nenita."Your father is such an asshole, Baby," mahinang bigkas ko habang hinahaplos ang impis kong tiyan.Napailing ako matapos muling maalala ang sinabi nitong 'live peacefully in my house.'Gusto ko sana itong sagutin kanina at sumbatan. Nanggigil ako na nagagawa ni
last updateLast Updated : 2022-07-15
Read more

KABANATA 54.1

"Ayaw mo bang magpakita na kay Delton, Ma'am Sage? Para naman makuha mo na ang mga abo nila Sir George at Ma'am Selma," si Yaya Nenita na sinama ako sa pamamalengke.Tipid akong ngumiti at binayaran sa tindera ang mga manggang hilaw na nabili ko. Mabuti nga at hindi nagtanong si Yaya Nenita kung bakit ko binili ang mga iyon."Saka na po. Alam ko namang itatabi niya ang mga iyon," simpleng sagot ko.Isang buwan na nga ang lumipas matapos ang tawag na iyon ni Delton. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko na itatabi niya ang abo nila Mommy pero hindi ibig sabihin noon na hindi na ako galit sa kanya. Gusto ko pa ring gumanti kahit alam kong sa huli, matatalo ako."Paano mo naman mababawi sa kanya ang lahat kung nakatago ka lang?" nangungunot ang noong tanong nito.Bumuntong hininga ako, "Hindi naman na po kailangang magpakita pa sa harap ni Delton. Baka nga po alam na niya kung nasaan ako. Hintayin ko na lang po na lumitaw siya sa harapan ko. Marami siyang koneksyon at imposibleng hindi
last updateLast Updated : 2022-07-17
Read more

KABANATA 54.2

Diretso ang tingin niya sa mga mata ko at ni hindi man lang nagdalawang isip na pumasok sa loob bahay.Hindi man lang ba ito natatakot na baka galit na galit ako sa kanya?"I guess I need to leave now. Ikaw na ang bahalang kumausap sa asawa mo, Ma'am Sage," ani Attorney na tinanguan ako at maging sina Yaya Nenita."Hija, lalabas na rin muna kami ni Andres," si Yaya Nenita na pilit hinila patayo si Andres na ayaw pa yatang lumabas.Hindi ako umimik sa kanila at hinayaan lamang sila. Ayaw ko rin naman na marinig nila ang pag-uusapan namin ni Delton.Noong kaming dalawa na lang ay mariin ko siyang tinitigan. Hinayaan na nakatayo at hindi inalok ng mauupuan. Maging ako rin naman ay nanatiling nakatayo sapagkat ayokong magtagal ang usapan.Tinaasan ko ito ng kilay dahilan upang bigla itong umiwas ng tingin. Sandaling nagyuko at pagkaharap sa akin ay wala na ang galit nitong ekspresyon kanina."How are you, Savvy?" mahinang tanong niya gamit ang pagod na boses.Sandali akong natigilan at ti
last updateLast Updated : 2022-07-19
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status