Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang nakikinig kay Yaya Nenita. Ni hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso ko sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay namatay na rin ako."S-abi ni Attorney S-antiago, hindi na raw n-akayanan ng k-atawan ng Da-ddy mo tapos... tapos nag-suicide ang M-ommy mo, Ma'am Sage."Ni hindi ito makapagsalita ng matino dahil sa pagluha. Maging si Andres ay lumuluha at nasa akin lamang ang tingin.Naglapat ang mga labi ko. Kung kanina ay nagsisisigaw ako sa pag-iyak, ngayon naman ay hindi ko mahanap ang boses ko. Pawang mainit na luha lamang ang bumabagsak sa aking pisngi. Walang patid lalo pa't gumuguhit sa isipan ko ang masayang mukha nila Mommy at Daddy. Ang giliw sa kanila at ang mga panahong... kumpleto pa kami at hindi mag-isa.Bumagsak ang tingin ko sa sahig at naikuyom ang mga kamay.Kasalanan itong lahat ni Delton!Kung hindi siya dumating sa buhay namin ay matahimik sana pamumuhay namin at buhay pa sana ang mga magulang ko! Kung hindi siya umeksena ay
"The mansion was never theirs." Ilang beses na umulit iyon sa aking isipan at talagang nanghihina ako sa kaisipang iyon.All this time? Hindi sa amin ang mansyon? Ngunit paano nangyari iyon?!Ibig bang sabihin na kay Delton ang mansyon? Hindi pa siya nakuntento sa kumpanya at pati mansyon ay inako niya!Para akong pinagtaksilan. Simula at paglaki ay doon ako nakatira kaya paanong hindi sa amin ang mansyon?Inis akong pumikit at muli lamang nag-play sa isipan ko ang boses ni Delton.Iba ang boses nito. May halong galit at pangungulila. Pero paniniwalaan ko ba iyon? Malamang na galit iyon sa pagtakas ko ngunit hindi iyon mangungulila. Hindi na nga ako magtataka kung ngayon pa lang ay pinaiimbestigahan niya na rin si Yaya Nenita."Your father is such an asshole, Baby," mahinang bigkas ko habang hinahaplos ang impis kong tiyan.Napailing ako matapos muling maalala ang sinabi nitong 'live peacefully in my house.'Gusto ko sana itong sagutin kanina at sumbatan. Nanggigil ako na nagagawa ni
"Ayaw mo bang magpakita na kay Delton, Ma'am Sage? Para naman makuha mo na ang mga abo nila Sir George at Ma'am Selma," si Yaya Nenita na sinama ako sa pamamalengke.Tipid akong ngumiti at binayaran sa tindera ang mga manggang hilaw na nabili ko. Mabuti nga at hindi nagtanong si Yaya Nenita kung bakit ko binili ang mga iyon."Saka na po. Alam ko namang itatabi niya ang mga iyon," simpleng sagot ko.Isang buwan na nga ang lumipas matapos ang tawag na iyon ni Delton. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko na itatabi niya ang abo nila Mommy pero hindi ibig sabihin noon na hindi na ako galit sa kanya. Gusto ko pa ring gumanti kahit alam kong sa huli, matatalo ako."Paano mo naman mababawi sa kanya ang lahat kung nakatago ka lang?" nangungunot ang noong tanong nito.Bumuntong hininga ako, "Hindi naman na po kailangang magpakita pa sa harap ni Delton. Baka nga po alam na niya kung nasaan ako. Hintayin ko na lang po na lumitaw siya sa harapan ko. Marami siyang koneksyon at imposibleng hindi
Diretso ang tingin niya sa mga mata ko at ni hindi man lang nagdalawang isip na pumasok sa loob bahay.Hindi man lang ba ito natatakot na baka galit na galit ako sa kanya?"I guess I need to leave now. Ikaw na ang bahalang kumausap sa asawa mo, Ma'am Sage," ani Attorney na tinanguan ako at maging sina Yaya Nenita."Hija, lalabas na rin muna kami ni Andres," si Yaya Nenita na pilit hinila patayo si Andres na ayaw pa yatang lumabas.Hindi ako umimik sa kanila at hinayaan lamang sila. Ayaw ko rin naman na marinig nila ang pag-uusapan namin ni Delton.Noong kaming dalawa na lang ay mariin ko siyang tinitigan. Hinayaan na nakatayo at hindi inalok ng mauupuan. Maging ako rin naman ay nanatiling nakatayo sapagkat ayokong magtagal ang usapan.Tinaasan ko ito ng kilay dahilan upang bigla itong umiwas ng tingin. Sandaling nagyuko at pagkaharap sa akin ay wala na ang galit nitong ekspresyon kanina."How are you, Savvy?" mahinang tanong niya gamit ang pagod na boses.Sandali akong natigilan at ti
Gigil na gigil ako sa buong maghapon at ni hindi ko nagawang kainin ang mga manggang pinamili ko sa takot na baka magtanong ito. Hinayaan ko rin siyang maglinis sa buong kabahayan kahit pa wala naman talagang masyadong lilinisin. Hindi ko na rin mahagilap si Yaya Nenita at Andres, mukhang sa ibang bahay nga sila matutulog."Magsibak ka na rin ng kahoy kung gusto mo," may katarayang utos ko sa kanya bago humakbang palapit sa banyo para maligo."At this hour?" tanong nito na kinalingon ko."Bakit? Bawal bang magsibak ng kahoy kapag papadilim na? Mag-flashlight ka, huwag kang mag-inarte riyan."Muli niya itong inirapan ngunit nabitin sa ere ang katarayan niya matapos itong makitang unti-unting buksan ang butones ng suot nitong longsleeve."A-no'ng ginagawa mo?"Nagsimulang tumibok nang mabilis ang puso ko na para bang lalagnatin ako sa kaba. Mabilis ko ring nayakap ang tuwalya. Kabadong-kabado ako samantalang kunot-noo lamang si Delton."Magsisibak. Isn't that what you want me to do?"Na
"Is that how you hate me? Iiwan mo ulit ako?" may himig hinanakit na bigkas nito.Tinikwas ko ang aking kilay at inip itong nilingon."Kung gusto mong manatili rito, hindi kita pipigilan, Delton. Basta ako, uuwi ako."Tumayo ako at kinuha ang isusuot ko. Isang beses ko pa siyang sinulyapan ngunit mariin ang titig nito sa maleta kaya't hindi na ako nagsalita pa at dumiretso na lang sa banyo.Kahit naman magalit ako sa kanya hindi ko naman na mababago pa ang kapalaran ko. Isa pa, nawawala ang pagkamuhi ko sa kanya kapag naiisip na kagaya ko ay wala na rin siyang mga magulang. Pinagdarasal ko na sana ay tama ang desisyong gagawin ko.Pagkatapos maligo ay agad ko siyang hinanap. Nasulyapan ko siyang nilalagay ang maleta ko sa kanyang sasakyan."Sigurado ka na ba, Sage?" may lungkot na tanong ni Yaya Nenita."Opo. Isa pa, wala naman pong mangyayari kung magmamatigas ako." Maliit akong ngumiti, "Huwag po kayong mag-alala, i-re-request ko po na ibalik niya kayo sa mansyon."Ngumiti ito at hi
"Don't be so happy, Delton. Just because I'm going home with you doesn't mean I'm cool with everything. I just want a little peace of mind," sambit ko bago pa man sumilay ang ngiti sa mga labi niya.Ayoko naman na isipin niya na ang easy to get ko. Isa pa, ayokong makampante siya na okay lang sa akin ang lahat ng nangyari kahit hindi naman."I am not asking for anything from you aside from this, Savvy. I just want you to be home. Safe and sound. Gusto ko lang naman kitang makitang nasa tabi ko. I won't forgive myself anymore if something bad happens to you," sinserong bigkas nito na nag-init sa puso ko.Ngunit pinirmi ko pa rin ang mga labi at kinunot ang noo, "Malamang, Delton. Ang dami mo ng kasalanan sa akin. Hindi na kita mapapatawad kung pati ako ay ipapahamak mo," mataray na sagot ko.Talagang isusumpa ko siya lalo na kapag may nangyaring masama sa baby ko. Hindi sapat na rason na ama siya. Ang pagkakamali ay pagkakamali.Kita kong tumango ito, "Savvy, you are my prize possessio
Hindi ko na lang pinatulan ang sinabi nitong nagseselos ako. Nag-pokus ako sa pagpipinta ng baby para naman kahit paano gumaan muli ang pakiramdam ko. Ilang araw ko rin siyang hindi kinausap. Naghihintay ako kung kailan niya bibigyan ng magandang eksplanasyon ang presensya ni Ashley rito sa bahay noong nakaraang araw. Iyon nga lang, wala pa siyang sinasabi pero hindi naman pumapalya sa paghahatid ng pagkain dito sa kwarto katulad dati.Natigil ako sa pagpinta at pag-ayos ng mukha ng baby matapos maisip na hindi ko alam kung ano'ng magiging istura niya."Sana naman hindi ka kamukha ng Daddy mo, Baby," mahinang bulong ko.Akmang sisimulan ko muli ang pagpinta ngunit natigil sa ere ang kamay ko matapos marinig ang mahihinang katok. Napairap ako at agad binaba ang paintbrush. Agad ko ring tinago patalikod ang painting. Mahirap na at baka makita pa niya.Pagtayo ko ay agad kong pinaskil ang kunot kong noo at agad ding tinaas ang kilay matapos buksan ang pinto. Nasa harap ng pinto si Delton
Delton Carancho"Are you sure about this, Son?" Iyon ang tanong na naaalala ko mula kay Attorney Santiago.I nodded my head as I looked at the picture of the only Princess of the Valencia family. I pursed my lips after remembering what her parents had done to mine, and so I wanted revenge."Pwede naman nating pekehin ang kasal, Hijo," mungkahi pa nito."No, Dad. Make it real. Isang beses lang ako ikakasal at hayaan ninyong siya ang mapangasawa ko," desidong bigkas ko habang tinititigan ang babae.She captivates me. And that I can visibly see that she needs saving. Her lips were curved into a smile, but her eyes told otherwise. Mukha siyang malungkot kahit pa ngiting-ngiti siya sa camera."If that wants you want. Babalaan na kita, she's a spoiled brat, doesn't know any household chores. Maging sa negosyo ay wala siyang alam at tanging pagpipinta lang ang ginagawa niya," paliwanag nito na tinanguan ko lang.Whatever it is, I can endure everything. Pero hindi ko alam na higit na mapapala
Namalisbis ang mga luha ko matapos dumapo ng kanyang mga labi sa aking noo. Ilang beses niya akong hinalikan doon at maging ang mga luha ko ay hinalikan niya."I am already happy to have you, but I am now the happiest man alive, Savvy," buong pusong bulong niya na muling kinatuwa ng puso ko.Pinatakan niya ng halik ang aking mga labi bago ako mahigpit na niyakap."A-kala ko galit ka," mahinang pag-amin ko."What? Hindi, Savvy. Gustong-gusto kong magkapamilya kasama ka," aniyang lumayo at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.Ngumiti ako nang maliit lalo na noong ipagsalikop niya ang aming mga kamay at igiya ako palabas ng banyo.Pagkalabas na pagkalabas ay inalalayan ako nitong makaupo sa swivel chair bago agad na kinuha ang cellphone niya at tawagan ang kung sino."Dad, I'm going to be a father," aniyang hindi maalis ang ngiti sa labi."Congratulations, Son. You deserve every happiness in the world. Send my congratulations to Sage," ani Attorney Santiago mula sa kabilang linya kaya't
"Won't you ask about Ashley's performance?" biro sa kanya.Ilang linggo na ring nagta-trabaho sa akin si Ashley at okay naman siya. Inaasar ko lang si Delton dahil alam kong hindi siya pabor sa ginawa ko.Mula sa kanyang laptop ay lumipad sa akin ang kanyang tingin. Seryoso pa ang mga mata niya."Your performance is much better than anyone else," aniyang maliit na ngumiti.Awtomatikong namula ang mga pisngi ko at napasandal sa kanyang mesa. Noong mahina siyang tumawa matapos makita ang pamumula ng mga pisngi ko ay napairap ako. Agad akong dumukwang at tinapat ang aking bibig sa kanyang tainga."In bed or in the office?" I teased.Napatigil siya at agad na napatitig sa akin. Nakagat niya nang maliit ang kanyang labi at noong akmang hihilahin niya ang batok ko ay agad akong umayos ng tayo."Focus, Mr. CEO." Ngumisi ako at lumayo sa kanyang mesa at lumipat sa mesa ko.Nagpresinta kasi akong maging sekretarya niya habang wala pa siyang sekretarya pero siya naman din lahat ang gumagawa ng
"Miss Sage, I'm—"Tinaas ko ang kamay upang mapatigil ito."Please leave, Miss Ashley. I'm done with you," malamig kong tugon bago akmang tatalikod na ngunit nahawakan agad nito ang siko ko.May kabang dumapo sa aking dibdib at halos manlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong balak niya kung kaya't kinakabahan ako. Kung kanina ay naisip kong baka buntis siya, ngayon naman ay baka saktan niya ako."Miss Sage," muling tawag nito na may pag-iyak.Pumikit ako nang mariin. Sa kabila ng kaba ko ay nakaramdam ako ng awa. Gusto ko naman makinig ngunit natatakot ako."Shut up, Miss Ashley. Huwag ngayon," mahinahon kong pakiusap ngunit humigpit ang hawak nito sa siko ko at hinatak pa ako nang bahagya kung kaya't napamulat ang aking mga mata.Gusto kong sumigaw ngunit ayokong gumawa ng eksena. Sinuyod ko na lamang ang tingin ko sa paligid. Abala silang lahat at tila hindi ako napapansin."Miss Sage, kaunting minuto lang po," muling bigkas nito.Awtomatikong lumipad ang tingin ko kay Delto
Daig ko pa ang nanalo sa loto sa sobrang saya. Pangarap ko lang noon na magkaroon ng art exhibit pero heto at pati art gallery ay binigay ni Delton. Sobrang tuwa ng puso ko at halos hindi ko na tigilan ang pagpinta muli upang madagdagan ang mga paintings ko sa mismong exhibit. Mariin na tutol sila Daddy sa hilig kong ito pero tingin ko magiging masaya naman sila ngayong masaya ako.My excitement is overflowing. I can't believe that I am living my dream. Iba pala kapag natupad iyong pangarap mo para kang nasa alapaap. At kung hindi nga lang ako buntis ay araw-araw akong magpupuyat makatapos lang ng maraming paintings."Done, Baby," mahinang bulong ko matapos lagyan ng signature ang uling painting.Hinimas ko ang impis kong tiyan at nakangiting pinagmasdan ang natapos kong painting ng bahay ni Delton—bahay pala namin ni Delton."Soon you'll grow up here, Baby," muling ko."It's look alive, Savvy."Bahagya akong natigilan doon at mabilis na napalingon kay Delton. Nasa likod na ito at nak
"P-inaiyak mo ko, Delton," akusa ko sa kanya lalo pa't ayaw na yatang tumigil ng mga luha ko habang nasa biyahe.Hindi ko nga alam kung ilang beses ko na ba siyang nahampas sa tuwing tatawa siya. Tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko habang siya ay tuwang-tuwa naman."Savvy, I didn't mean to make you cry. Nasaan na ba ang tigressa kong asawa?—Aw! Savvy, masakit," reklami niya matapos tumama muli ng palad ko sa kanyang braso."Magbiro ka pa! Wala kang tutulugan mamayang gabi!"Agad niyang tinigil ang sasakyan sa gilid at bumuntong hininga. Inabutan niya ako ng bottled water habang siya mismo ang nagpunas ng liha ko gamit ang tisyu."Shh, Savvy. Please calm down. Huwag kang masyadong umiyak. Baka mamaya dehydrated ka na pagdating sa mansyon," aniyang nangungunot ang noo.Umirap ako at uminom sa tubig. Hindi ko rin maintindihan sarili ko sa sobrang pagiging emosyanal. Ganito ba talaga kapag buntis?Ilang beses akong huminga ng malalim hanggang sa kumalma. Nang makita niyang kalmado na ako ay a
Siguro tama ang desisyon kong bawasan ang galit at makinig. Gumaan ang pakiramdam kahit paano. Pero hindi ko pa rin magawang buong tanggapin si Delton lalo pa't naaalala ko ang pagkawala nila Mommy.Bumuntong hininga ako at agad na kinalas ang seatbelt matapos niyang iparada sa parking lot ang sasakyan."Are you alright, Savvy?" agad niyang tanong na kinalingon ko."I'm good, Delton. Basta huwag ka lang ulit mang-asar," simpleng sagot ko.Mahina siyang tumawa bago bumaba at agad akong pagbuksan ng pinto. Akmang bababa na ako ngunit hindi umali sa pintuan si Delton."Why? Is there something wrong?" naguguluhang tanong ko matapos makita ang kaba sa mga mata niya."Nothing, Savvy," aniyang hinawakan ang kamay ko, "Sana ay hindi ka magalit na ako na ang may hawak sa kumpanya," maingat nitong bigkas.Tumaas ang kilay ko at pinakiramdaman ang sarili kung galit ba ako ngunit wala naman akong makapang galit."Bakit naman? Akala ko ba sa'yo na 'to una pa lang?""Yes, Baby. But I don't want to
"So I am the exception?" muling tanong ko kinabukasan.Nilapag nito sa mesa ang ham at bacon bago dumukwang at hinawak ang dalawang kamay sa mesa. Maliit siyang ngumuso at tila tinatago ang ngiting gustong kumawala sa mga labi niya."You are the victim—"Tinaas ko ang kilay dahilan upang mapatigil siya, "Biktima mo, Delton. Binihag mo—""Savvy, I told you, you are not part of the plan." Mahina siyang umungol na tila ba sawa na sa aming usapin na ganito.Mahina akong napatawa at maliit na kinagat ang labi ko, "Plano niyo ni Ashley 'to no? Kasabwat ba ang sekretarya mo?" pagpapatuloy ko."Damn, Baby," mahinang mura at muling umungol, "Ashley was out of it—""So pinagtatanggol mo?" Taas kilay na tanong ko bago humalukipkip sa harap niya.Muli siyang nagmura at pumikit nang mariin. Tumayo nang maayos at hinarap ako. Marahan niya pang hinawakan ang magkabilaang balikat ko."Parang kapatid ko lang si Ashley at hindi ko alam ang lahat ng ginawa niya. I have no idea that she likes me, if I ju
Napasinghap ako matapos nitong bumitaw sa halik. Tila ako kinuhanan ng hininga at halos manghina sa ginawa niya."Please, Savvy. You can hate me, you can curse me, but please, do not unlove me," mahihinang pagsusumo nito habang binabaon ang kanyang mukha sa aking leeg."There's no need for that because I never loved you, Delton—"Ngunit hindi ko rin natapos ang kasinungalingan ko noong pumulupot ang dalawang braso niya sa katawan ko at bigyan ng sensual na halik ang aking leeg."Delton, ano ba!" Pilit ko siyang nilalayo ngunit lalo lamang siyang nagiging mapusok."Will you please stop?!" gigil ng bigkas ko na kanyang tinigil."Am I hurting you?" mahinang tanong nito na ang halos hininga ay humaplos sa sensitibong leeg ko.Naipirmi ko ang mga labi at hindi alam ang isasagot. Hindi naman kasi ako nasaktan sa mga halik niya."Savvy, I feel so low right now. Pakiramdam ko iiwanan mo na lang ako basta. Na ikaw mismo ang makikipaghiwalay—""Shh, Delton. I am not that stupid." Umirap ako kah