ISANG linggo na ang lumipas magmula nang magkausap sila ni Fernando. And when she says talk, she literally means their last conversation. Kung may gusto man itong sabihin sa kanya, pinapasabi lang nito sa mga kasambahay. Kahit na nga si Oly na hindi niya masyadong nakakausap ay hindi rin siya kinikibo. Oh, boy. Ang daming galit sa kanya. Daig pa niya ang naging public enemy number one. She knew she fucked up. Noong unang mga araw, balewala lang para sa kanya ang ginagawa ng dalawa, subalit nang sumunod na mga araw, nagiging awkward sa kanya ang sitwasyon. Kumakain sila nang walang imikan. Pumupunta sila sa paaralan ni Kent nang walang imikan. Hinahatid sila ng lalaki na ang tanging kinakausap ay ang anak nito. Mabuti na lang at hindi galit sa kanya ang bata. For what she did. Hindi nga lang niya alam kung alam nito ang ginawa niya. Tinatamaan din naman siya ng konsensya paminsan-minsan and when it will hit her, it will be hard. The guilt was really killing her. Ito na lang ang n
Terakhir Diperbarui : 2022-07-24 Baca selengkapnya