[Manila] Habang naantig ang puso ko'ng pakinggan ang bugso ng ating damdamin, habang pinagmamasdan kita, at habang nakikita ko kung gaano ka kasaya habang magkahawak ng mahigpit ang ating kamay, Mahal, nakikita ko ang hinaharap na kapiling ka. Magkayakap, magkatabi, iisang isip't diwa habang lumalalim ang gabi at habang sabay nating pinakikinggan ang dungog ng mga insekto. Siguro, napakagandang ihinto ang bawat sigundo para hindi kailan man, lahat ng ito'y magwakas. Miko, alam mo bang pinagmamasdan kita? Alam mo bang pinipilit kong ibakas ang bawat parte ng iyong mukha? Mula sa iyong mga mata, ilong, labi, gustong gusto kong memoryahin kasi takot akong, baka isang araw, yung nararamdaman mong pagmamahal, biglang mawala. Mahal, hindi ko yata kaya. Hindi ko kakayaning may iba ka ng uuwian, lalambingin, hahalikan. Hindi ko kaya, Miko. Siguro nga, makasarili ako. Pwede mong sabihin yan. Pero kasi, mahal kita at labi
Last Updated : 2022-01-13 Read more