"ANY news about Angielyn Fuentebella? Tatlong buwan na ang lumipas pero ni wala pa rin akong makitang improvement sa kaso niya." Hindi napigilan ni Clayton ang makaramdam ng inis dahil hanggang ngayon, wala pa ring pag-usad ang kaso ni Ann. He cooperated with the police hoping to find something about Ann's whereabouts but that didn't have a fruition. Maging ang pagha-hire niya ng private investigator, wala ring kwenta dahil wala itong maibigay na balita sa kanya. Kaya kahit tutol man ang ina sa ginawa niyang pagpapagawa ng leaflets para ipaskil sa kung saan, ginawa pa rin ni Clayton. He even helped to paste it to the walls that's authorized by the police. Pero lumipas ang mga araw na nauwi sa linggo hanggang buwan, wala siyang narinig na balita. At ngayon, pinanghihinaan na siya ng loob. Unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa habang patuloy na lumilipas ang oras.
Magbasa pa