Tumayo si Vanessa at Loraine, napatingin kami sa kanila, Napataas ako ng kilay, anong eksena naman 'to? "Dad, kami na ang lalabas para kumuha ng pagkain." Magalang at mabait na sabi ni Loraine. Tss. "No, sit down Loraine, may staff para utusan kumuha ng pagkain natin." Sagot naman ni Dad. psh, VIP kase kaya pwedeng mag-utos sa mga staff para kumuha ng pagkain, pero pwedeng ikaw din naman ang kumuha ng pagkain na gusto mo sa labas, para makapili ka ng gusto mo talaga. "I know po dad, what I mean po, sasamahan po namin 'yung staff para maituro ang mga pagkain na ipapahatid dito. saka para makapili po." Tss. "Oh okay, kayo ano bang ipapakuha niyong food Vivian?"Tanong ni Dad kay Mom. Tumikhim ako bago tumingin kay Kuya. tumango naman ito ng magets ang gusto ko iparating. "It's ok Dad, si Kuya na ang mamimil
Last Updated : 2022-01-14 Read more