Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Penelope na ngayon ay alanganin ang tingin sa akin.
Nandito kanina si Xander? Jeez! Buti na lang inabot ako ng tatlong oras sa agency! kung hindi baka nga nag-kita kami.
"Buti na lang talaga ngayon ka lang pumunta dito, Hindi ko naman kase alam na nakauwi kana kaya hindi kita naabisuhan." Mahinang sabi ni Penelope. Bumuntong hininga ako, kasalanan ko din naman kung sakaling nag-kita kami.
Hindi ko pinaalam kay Penelope na umuwi kami at biglaan na lang akong pumunta dito.
"It's ok, hayaan mo na ang importante hindi kami nag-kita, Mabait pa rin ang tadhana sa akin. So maiba tayo bakit ba mainit ang ulo mo?" Bumuga ito ng hangin bago bumalik sa kinauupuan niya dinampot nito ang hawak hawak kanina design.
"Well, I'm not satisfied with the design, feeling ko may kulang pero hin
After I talked to Penelope, Alexis woke up just in time, buti na lang hindi siya nagising kanina ng kausap ko ang tita ninang niya. Nang makita ang niluto kong miryenda ay nagningning ang mga mata nito, nakangiti itong naupo, ako naman ay napailing na lang. Kumuha ako ng small plate at nilagyan ng bake mac at isang garlic bread.Bago ako naupo ay pinuntahan ko muna sila Manang Fe sa guest room para yayain mag meryenda, Pinag-pahinga ko din sila kanina matapos namin mag-tanghalian, Wala din naman gagawin, saka ang pinaka priority lang naman ay bantayan si Alexis, Pag wala ako ay si manang Fe ang nag-luluto ng makakain nila habang si Len ang tumitingin kay Alexis. Sabay sabay kaming kumain ng Meryenda, noong una ay ayaw pa ni Manang Fe at Len, Pag tapos na lang daw namin, kaso hindi ako sanay na ganoon, Pamilya na ang turing ko kay Manang Fe, par
Hindi ko pinansin ang bulungan at taas noo akong naglakad ulit palapit sa table nila mommy, Why naman na magkakasama sa iisang table ang Pamilya ko, pamilya ni Dad at ang pamilya ni Xander? Ano 'to mini reunion? Tsk, Napatingin ako sa kabilang table nakatayo doon si Penelope habang nakangisi, nasa tabi nito si Chad na nakangiti din. Nang malapit na ako sa table ay sinalubong na ako ni Mom ng mahigpit na yakap. "You're back, when did you get back? I miss you sweety.." Naiiyak na bulong ni mom. Mahigpit ko rin naman siyang niyakap pabalik. I miss her too so much.. "Noong isang araw lang po ako umuwi Mmy, Dapat po ay pupuntahan kita sa opisina mo kaso nalaman kong nasa Cebu ka, kaya hindi na ako tumuloy." "Yes, galing akong cebu kakauwi ko lang kaninang tanghali. Halika maupo na tayo." Inalalayan ako ni mommy,
Si mommy ay napasinghap dahil sa gulat, nako naman mom, hindi pa rin ba niya ma-gets? Si kuya ay tahimik lang mukhang alam na niya kung bakit ako may suot na singsing, Habang si Penelope naman ay ramdam ko ang pagpipigil ng tawa. Ano ba itong pinasok ko. Since I gave birth to Alexis, I have done nothing but work and take care of my child, I don't have time for other things. Aaminin ko may mga nanliligaw sa akin noong nasa california pa ako, pero inuunahan kona agad sila. My top priority is my child, nothing else. "Sorry Dad, If I didn't take him with me, He's busy right now, Saka biglaan ang lahat." gosh, It's so awkward. "Aww, is that so ate? Sayang naman kung gano'n." Napairap ako sa aking isipan, bakit ba siya ang sumasagot? Si Dad ang kausap ko hindi siya. Feeling close siya? Baka nakakalimutan niya hindi kami ok? At hinding hindi kami magiging ok dahil hindi ko si
Anong ginagawa niya dito? Kanina pa ba siya? Sino ang hinihintay niya si Loraine ba? Kaso wala naman ibang tao sa loob. Napalunok ako ng pasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko, hanggang tumigil ang mga ito sa kaliwang kamay ko na may hawak na purse, Dumilim ang tingin niya doon.Nailang ako sa ginawa niya kaya humakbang na ako at lalagpasan na sana siya ng bigla itong humarang sa dadaanan ko, Hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya."What do you think you're doing Montenegro?" May bahid na inis na tanong ko. Ano bang trip niya? Baka makita siya ni Loraine at ano na naman ang isipin ng santa santita na 'yon! Magiging dahilan na naman 'to ng gulo.Nagulat ako ng ngumisi lang ito tapos masama akong tinignan."Stay away from my cousin Ms. Herrera. You already have a fiance but you're still flirting my cousin huh?" Namilog
Lumayo naman si Lex ng makita ang Tito niya ang tumatawag. Sinagot ko ito agad. "Hello kuya?" "Bunso? may ginagawa ka ba now?" "Wala naman kuya, nagpapahinga lang kami ni Lex, kakauwi lang kase namin galing park, Why?" Nagtataka kong tanong. "Pwede ba kita makausap saglit?" "Sure." Umayos ako ng upo, para mapakinggan ng maayos ang sasabihin niya, si Lex naman ay lumipat sa single sofa at kinuha ang Ipad niya sa Center table inabala na lang muna ang sarili. Hinintay ko naman magsalita si Kuya. "Busy kana ba ulit? Hetic na ba ang sched mo? marami ka bang shoot this month and next month?" Nangunot ang noo ko dahil sa sunod sunod na tanong niya, saka iba ang tono ng pananalita niya. Aligaga at parang problemado. &nbs
Mabilis lumipas ang araw, tinapos ko lahat ng kailangan gawin sa opisina, dumaan din ako sa resort na pinapagawa ko para icheck ito, Nag shoot din ako for magazine at billboard again. Lahat iyon ay tinapos ko, para free ako ng tatlong araw. Bukas na ang kasal nila Penelope at Chad, Gaganapin iyon sa tagaytay, Mamaya nga ay sabay sabay na kaming pupunta sa Hotel kasama ng ibang kamag anakan ni Penelope at Chad. Pinili ni Penelope na sabay sabay na pumunta doon para daw siguradong nandoon na lahat at walang malelate bukas. Saka para hindi na din daw hassle. May point naman.Inayos kona sa isang maliit na luggage ang mga dadalhin ko, ang gown ko naman ay nakay Penelope, Hindi kona kase ito nakuha dahil wala akong oras. Bago umalis ay inasikaso ko muna si Alexis, sinabi ko din sa kanya na tatlong araw akong mawawala, pumayag naman agad siya, paano binilhan siya ng Tito Vince niya ng PS 5, Kay
Pag pasok sa hotel room ko ay pabaksak akong nahiga sa kama, Mariin akong pumikit. Bakit naman ngayon pa nangyari ito kung kailan kasal ni Penelope? How can I focus on this? Damn!Kinuha ko ang maliit na bag na dala kinapa sa loob ang cellphone ko para tawagan si Manang Fe para makamusta si Alexis. Sa pangatlong ring ay sinagot ni manang ang tawag."Hello manang Fe? kamusta po kayo d'yan?" "Ayos naman Iha, si Alexis ay tulog, pagkatapos kumain ng tanghalian kanina ay nagpahinga lang saglit tapos natulog na. Hindi naman din nagtagal maglaro sa PS 5 niya." Napangiti ako, Alam na alam talaga ng anak ko ang mga dapat niyang gawin. I'm so proud of him."Buti naman po, sige po manang, tatawag na lang po ulit ako mamaya kapag nagising na si Alexis.""Sige Iha, mag-iingat ka dyan.""Opo manang, sal
Nakatitig lang ako ay Alec, hinihintay siyang magsalita ulit. Kinakabahan ako, anong sekreto kaya ang sasabihin niya? Saka bakit bigla niya naisipan na sabihin sa akin? Dahil ba nakapag usap na kami ng maayos? "Alam kong galit ka sa pinsan ko dahil tumatak na sa isipan mo na ginamit ka lang niya at plano nila ni Loraine ang lahat pero hindi 'yun ang totoo Vivien. Yes, we know. Alam namin ang sinabi mo sa kanya noon, sa amin naglabas ng lahat ng hinanakit ang pinsan ko. I'll tell you this because you also have the right to know the truth, my cousin is a fool, He didn't tell you this before. You believed of Loraine's lies " Mahinahon niyang sabi, hindi naman ako makapaniwala. Alec stared at me seriously before speak again."He's crazy inlove with you since elementary until college, Oh wrong until you graduate and started modeling. He became your stalker. he chose to be a
Vivien's pov Tatlong araw na ang lumipas pero nandito pa rin ako sa hospital at nag-papagaling. Hindi ko akalain na mangyayari sa buhay ko ang ginawa ni Loraine. Parang napapanood ko lang sa TV ang ganoong scenario pero nangyari sa akin. Dahil sa ginawa niya naging usap-usapan ang pamilya namin, Trending sa lahat ng social media. Kahit sa news. Pati sila Xander ay nadamay, pero agad din naman nagawan ng paraan. Binigyan din ako ng one month leave ng boss ko dahil sa nangyari sa akin. Nandito din sa hospital na ito naka-confine si Loraine, okay naman na siya at stable pero kailangan pa rin mag-pahinga dahil baka bumuka ang sugat niya sa tagiliran. Doon ito nabaril ni Xander. Si Vanessa at Daddy pala ay ikinulong ni Loraine sa bahay nila kaya hindi alam ng mga ito ang ginawa ng anak nila. Nagulat nalang sila sa nalaman. Galit na galit si Grandma kela Vanessa dahil sa malaking gul
Tumawa naman ito na parang demonyo bago tumingin sa akin.“Napaka boba mo talaga, alam mo 'yon? Tingin mo ba hahayaan kita na makaalis ng buhay dito? Hindi mo ba naisip na kaya kita pinasama kay Alex ay para mapatay na kita? Para mawala na 'yung hadlang sa akin!”Galit na bulyaw nito. Nanlilisik ang mga mata niya. “Loraine, hindi ito ang usapan natin! Sinabi mong ibabalik mo si Alexis kay Dawn at ako naman ay sasama sa'yo! Ano itong ginagawa mo!” Galit na rin na sambit ni Xander.Binalingan naman siya ni Loraine.“Shut up, Alex! Hindi ako tanga, kailangan ko masigurado na wala ng hahadlang sa pagmamahalan nating dalawa! Kailangan mawala ni Vivien sa mundong ito!”
Isang warehouse na abandonado malapit sa riles ng tren malapit sa Alabang ang sinend sa aming address ni Loraine. Ala's tres ng madaling araw ang sinabi niyang oras na magkita kita kami. Hindi pumayag ang angkan ni Xander na walang gawin, Buti nandoon ang isang pinsan ni Xander at Hinack ang isang CCTV para doon kami mag-usap usap sa isang kwarto. Habang ang iba ay naiwan sa malaking sala para hindi mahalata ni Loraine. Kumilos ang ibang tito ni Xander ng palihim para makausap ang mga pulis. Pinaderetso pa rin nila ang pulis sa mansion pero ang iba ay naka-pwesto sa bawat kanto, Pero mga nakasibilyan para hindi mahalata. Nag-pasya kaming dalawa lang ni Xander na pupunta, nag-suot lang kami ng Invisible micro bluetooth earpiece na bigay ng pinsan ni Xander para marinig nila ang pinag-uusapan namin at isa na rin GPS para ma locate kami kung sakaling mag-ka
MAKALIPAS ANG ISANG ORAS unti-unti ng bumabalik ang ibang miyembro ng pamilya pareho-pareho lang ito ng sagot. Wala si Alexis. Kahit ang mga kasambahay ay hindi rin nakita ang anak ko.Nanghihinang napaupo ako habang nanginginig ang mga kamay, nag-simula ng mangilid ang aking mga luha. My Baby..where are you?Halos lahat ay nandito na pwera kay Alec at Xander. Maya maya ay sabay sabay kaming napatayo ng makita sila Xander na tumatakbo papalapit sa amin, Namilog ang mga mata ko ng makita ang hawak hawak ni Xander! Nanlalambot ang mga tuhod ko ng sinalubong ko sila.Wala sa sariling kinuha ko sa kamay ni Xander ang Ipad ni Alexis! Nang tignan ko iyon ay napasinghap ako ng makitang basag at may bahid ng dugo! Doon na kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan."Oh god! Where is my son?!" Hindi kona napigilan ang sarili na mag hesterikal
Inasikaso naman ni Xander ang pagkain ko, habang si Grandma ay siya na ang nag-asikaso ng pagkain ni Alexis. 'siya daw ang nakatoka ngayon sa aming anak. Bago kumain nilingon kopa sila Mommy, nakakaintinding ngumiti at tumango lang naman ito. Gano'n din sila kuya. Tahimik akong kumain dahil gutom na rin talaga ako. Anong oras na rin kase kaya nakaramdam na ako ng gutom. Then ng matapos ang pagkain ay may speech si Grandma para sa mga kabusiness partner niya. Tinawag pa nga ni Grandma sa stage si Mommy at Kuya para ipakilala sa lahat. Nagulat pa nga ako dahil sa isang hindi inaasahan na anunsyong ginawa ni Kuya.Once na makasal na daw kami ni Xander ang Herrera Furniture and Manufacturing Corp. Ay imemerge sa Montenegro Empire. Hindi ako makapaniwala habang nakatingin kay Kuya kanina.Nakangiting tumango lang naman siya sa akin. Alam ko meron akong parte sa
Agad kaming sinalubong ni Grandma ng makita niya kami ni Xander. Agad na nag-mano si Xander sa kanyang lola, Ako naman ay bahagyang yumuko para nag-mano tapos ay pinasadahan nito ng tingin ang aking kabuuan. "You are so beautiful Iha, the dress I chose is suit on you." Nahihiyang ngumiti naman ako. "Thank you Grandma, kayo din po napakaganda nyo sa suot niyong dress." Kimi namang ngumiti ang matanda. Totoo naman ang sinasabi ko kahit matanda na ito ay kitang kita pa rin ang kagandahan. "Thank you Iha, Let's go on our table." "La, Bakit ang Fiance ko lang ang binati mo, samantalang ako na Apo niyo hindi niyo man lang ako tinignan, buong atensyon niyo ay nasa kanya," Kunwareng nagtatampong sambit ni Xander, Tinignan siya ni Grandma mula ulo hanggang paa tapos sabay ismid. Napamaang tuloy si Xander sa ginawa ng lo
KINABUKASAN Hindi ako pumasok sa kompanya dahil hindi ako pinayagan ni Kuya kahit ala sais pa naman ang start ng engagement party namin ni Xander. Mag-relax at pahinga lang daw muna ako. Wala naman akong nagawa kung hindi umabsent, kahit sa agency ay gano'n din. Pupunta rin si Annie mamaya dahil ininvite ko siya. Pag-gising ko kanina ay abala na ang lahat, si Manang Fe ay inaayos ang mga susuotin at pinapadala sa kanya ni Mommy, Habang si Alexis ay hindi ko naabutan dahil sinundo pala ng kanyang lola sila daw ang mag-aassist sa mga mag-aayos sa mansion at sa catering. Feel na feel nila maglola ang ginagawa. Si Xander naman ay sumaglit sa Montenegro Empire dahil may isang meeting na sobrang importante na kailangan siya. Buti pa nga ito pinayagan na pumunta ng kompanya. Samantalang ako hindi. Bali ako lang ang wal
Habang abala ang lahat at kinakausap ni Xander si Alexis ay napansin ko ang pananahimik ni Alec sa isang gilid habang umiinom ng wine. Mula kanina ay nandoon lang siya, hindi man lang ako nilapitan para batiin kahit ang kanyang pinsan. Nang mapansin niya na papalapit ako ay umayos ito ng tayo. Malamig ang tingin na ginawad niya sa akin."What are you doing here? Bakit hindi ka nakiki-sali sa kasiyahan?"Marahan kong tanong kahit na naiilang ako sa ginagawa niyang paninitig. "I'm ok here." Seryosong sagot nito sabay simsim sa kanyang wine glass. "Come on join us, hindi 'yung nandito ka. Feeling ko tuloy ayaw mo talaga pumunta dito." Pangungulit ko sa kanya. Narinig ko ang pag-Tsk nito bago binaba ang hawak na wine glass sabay may kinuha sa kanyang suot na coat. Nakatingin lang
"My Dawn..My Baby..Will you marry me?" Natuptop ko ang aking bibig, ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay unti-unti ng nag-baksakan habang nakatingin sa lalaking nakaluhod sa aking harapan. Totoo ba itong nakikita ko? Nagpopropose siya sa akin? Hindi naman ito isang panaginip right? Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Kakaiba ang intensidad ng mga tingin niya sa akin na siyang mas nag-papakabog sa aking dibdib. "Baby, we've been through so much, maybe it's time for the two of us to be happy and build our family. I am not a perfect man but I promise you that I will love you and Alexis more than my life. Babawi tayo sa panahon na inagaw sa atin. Sana ay isang matamis na 'Oo' ang isagot mo. I love you Dawn. Please marry me.."Ang mga mata nito'y nagsusumamo. Nakatingin lang ako sa kanya habang lumuluha. He'