01 – Party “Happy birthday, Kambal!” pagbati ko sa kanila saka sila niyakap at hinalikan sa pisngi. Ang cute ni Sage dahil nahihiya pa siya nang halikan ko dahil nasa malapit lang ang girlfriend niya. Ngumiti naman ako sa girlfriend nito nang magtama ang tingin namin. Napatingin ako sa kaniya dahil sa paglingon ni Sage matapos ko siyang i-kiss. “Kuya, hiya ka pa d’yan, parang dati nagtatampo ka pa kapag ’di ka kinikiss ni Ate,” wika ni Mint sa kapatid na siya namang ikinasama nang tingin ni Sage sa kaniya. “’Wag mo nang inisin, Mint. Binata na siya e, ayaw na niya sa’kin.” Kunwaring tampong wika ko at umiwas nang tingin sa kaniya. “Ate Lex!” wika ni Sage at nang lingunin ko ay nakasimangot na ito habang sumasama ang tingin kapag natitingin kay Mint. Pinigilan ko ang pagtawa ko baka magwala na rito eh. “Biro lang sige na, puntahan
Last Updated : 2021-12-05 Read more