Home / Romance / The Estranged Kids of Mr. CEO / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of The Estranged Kids of Mr. CEO: Chapter 21 - Chapter 30

133 Chapters

Chapter 21: SECRET MEET UP

Matagal na rin pinag-iisipan ni Matthew ang hakbang na gagawin para makumpirma ang kanyang haka-haka tungkol sa mga bata. Gusto niyang malaman sa bibig mismo ni Ms. Watanabe kumbakit ganoon kagaan ang loob niya sa mga ito. Umiisip siya ng paraan ngunit inadya ng pagkakataon na mangyari ang lahat.   Tinawagan ni Matthew si Matthias ngunit humihikbi ito sa kabilang linya. Naisip niyang pinagalitan ito ng kanilang ina. Ngunit hindi niya inasahang maririnig ang boses ng babae sa kabilang linya. Mukhang nalaman na niya ang tungkol sa cellphone ng mga bata.   Si Prim mismo ang kumontak kay Matthew at nakiusap kung puwedeng magkita sila. Inaasahan na ni Matthew ang tawag na iyon. Nakaupo siya sa sopa at kasalukuyang umiinom. Niluwagan niya ang kanyang kurbata. Seryoso niyang tiningnan ang larawan ng mag-anak sa ibaba ng kanyang office table.   “See you tomorrow, Ms.Watanabe.” Kakaiba ang ngiti ni Matthew.  
last updateLast Updated : 2021-12-03
Read more

Chapter 22: THE CLASH

Nagkaharap ang dalawa sa bulwagan. Maganda ang palamuti sa loob. Maliwanag dahil sa mga bukas na chandelier sa gitna nito. Hindi pa masyadong nahihimasmasan si Prim. Very overwhelming ang lugar at wala siyang masabi sa accommodation ni Mr. Aragorn.   This is how it feels to be with Mr. Aragorn. Hindi lang siya magaling sa pagpapadala ng bulaklak kundi pati sa pagpili ng magandang lugar. He has a good taste. Tumayo pa ang lalaki pagkakita sa kanya.   “Have a seat.” At hihilahin pa sana ni Matthew ang upuan para sa kanya.   “I can do it.” Ngunit hawak na ni Matthew ang upuan. Inalalayan pa rin niya ito. Tinanggal ni Matthew ang butones ng kanyang tux upang hindi ito magusot pag-upo niya.   “Are you okay now?” tanong nito.   “Let’s talk,” sabi ni Prim. Wala itong kangiti-ngiti sa labi.   “Let’s eat first. Napagod ako.” Medyo hinilot pa ang kanyang kamay.
last updateLast Updated : 2021-12-03
Read more

Chapter 23: CONFRONTATION

Pinakatitigan ni Matthew si Prim at hindi ito makapaniwala sa narinig. Masaya siya sa kumpirmasyong iyon. Ang mga batang pinapangarap niya ay nagkaroon na ng katuparan. Ngayon niya napatunayang hindi naman siya baog.   Ngunit hindi nila maiiwasan ang malaking gulo dahil sa nangyari sa school ng mga bata.   “You are making my kids suffer. Hindi sila tatawaging mga nawawalang anak ni Mr. Aragorn kung alam ko. Kung nagpakita ka sa akin noon, hindi ko mapapakasalan si Dea. I looked for you. For that span of three months, I swear hinanap kita. Pananagutan ko ang nangyari sa ating dalawa. But you throw me down into the pit of hell dahil hindi ka nagpakita.”   “Because you are not part of my plan,” pag-amin pa ng kausap. Nakayuko na ito at nagpahid ng luha. “And besides, hindi kita kilala at gusto ko lang magkaanak.”   “Paano kung gusto ko rin ng anak?”   “Mr. Aragorn…”  
last updateLast Updated : 2021-12-04
Read more

Chapter 24: INTO YOUR ARMS

Isa lang naman ang solusyon sa problema ni Prim. Magsabi lang ng totoo sa mga anak ngunit hindi ito magiging madali para sa kanya lalo na sa estado ng buhay ni Matthew. Hindi sila puwedeng magsama dahil may asawa na ito. Pero hindi rin naman iyon ang gusto niyang mangyari. Gusto lang niyang ipaalam sa lalaki ang buong katotohanan. Gusto rin niyang ipaalam sa mga bata kung sino si Mr. Aragorn sa buhay nila.   Maagang nagpahatid si Prim pabalik ng siyudad. “Gusto ko nang umuwi, Mr. Aragorn.” Hindi na siya napigilan ni Matthew. Sinenyasan niya ang alalay at ang driver nito.   “Siguraduhin ninyong iingatan ninyo ang aking mahal na reyna,” utos niya habang nasa gazebo siya.   “Yes, Boss!” Sumaludo pa ang dalawa.   Nagpaiwan si Matthew habang nag-enjoy sa magandang tanawin doon. Ayaw muna niyang bumalik sa Maynila. Wala naman siyang daratnan sa bahay. Tinawagan muna niya si Naomi at tinanong kung kumusta s
last updateLast Updated : 2021-12-04
Read more

Chapter 25: THE DEVILISH EYES

Inalalayan ni Matthew si Prim ngunit umiwas ito. Dumistansya itong bigla.  Madaling araw umalis ang kotse ni Matthew sa farm. Biyernes na ng araw na iyon. Wala silang imikan sa loob ng kotse. Nasa magkabilang dulo sila ng back seat ni Prim.    “Mr. Aragorn, pakihinto saglit ang kotse. Nasusuka ako. Nahihilo ako.” Nagsuka ang babae dala na rin ng pagod at puyat. Sumama ang pakiramdam nito.   “Do you think you can drive later?”   “Magta-taxi na lang ako pauwi.”   “Prim, I am sorry about what happened.”   “Mr. Aragorn, let’s not talk about it.” Tumahimik na lang si Matthew. Nag-aalala din siya sa kondisyon ni Prim hanggang sa makarating na sila ng Maynila.   “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Hinawakan niya ang kamay ng babae habang nakapikit ito at nakasandal sa backseat.   “Okay lang ako, Sir. Ganito lang talaga ako lalo na kapag pu
last updateLast Updated : 2021-12-04
Read more

Chapter 26: MEMORY OF RAINY CHRISTMAS

Some ten years ago, as far as Matthew’s memory could remember, he once met that woman.   Maganda ang simula ng araw na iyon kay Matthew. Maaga siyang gumising at binati ang umaga ng may ngiti sa labi. Excited siya sa kanyang marriage proposal that day.   Today is the day!   Hindi na niya palalampasin ang pagkakataon. Maraming beses siyang minalas. Lahat ay pawang wrong timing at hindi niya alam kung may bad omen ba ang mga araw na napipili niya kaya hindi natutuloy ang kanyang plano.   Tinawagan niya kaagad si Dea.   “Hi, Sweetheart! I’ll fetch you later. Make yourself beautiful and gorgeous for tonight. I have a surprise for you,” dinig ni Matt ang matinis na tili ng kasintahan. It’s a pleasant sound to his ears lalo pa’t galing sa kanyang minamahal.    He really loved Judea Copper. Siya lang naman ang kauna-unahang Asia’s Top Model of the Year para sa
last updateLast Updated : 2021-12-04
Read more

Chapter 27: THE BLOODLINE

Hindi na pinatagal pa ni Matthew ang lahat. Dinalaw niya ang ina sa Golden Towers and Condominiums. Tuwang tuwa siya na muli silang magkita. Alam niyang abala ito sa trabaho kaya walang oras para sa ina.   Nadatnan niyang nag-aalmusal na ito. ” Mabuti naman ang dinalaw mo na ako. By the way, I hope na pinagsabihan mo na si Dea. Ako palagi ang pinag-uusapan ng aking mga amiga dahil sa kanya. My goodness! Nakakasira siya sa pangalan ng mga Aragorn,” sabi ng ina. Ipinagpatuloy nito ang kanyang pagkain.   “Mama, bakit ba ang ingay-ingay ninyo?” Nagkakamot pa ng ulo na lumabas si Prince. Lulugu-lugo itong umupo sa tapat ni Matthew. Tinitigan siya ang lalaki sa tapat. “Kuya! Anong ginagawa mo dito?” Gulat na gulat ito.   “Nag-almusal ka na ba, Matthew? Sabayan mo na si Prince. Ikaw naman, anong oras ka na umuwi? Isa ka pa, palagi ka na namang nasa labas,” baling ng ina kay Prince.   “Hay, naku! Parang tabl
last updateLast Updated : 2021-12-07
Read more

Chapter 28: THE ENCOUNTERS

Tinawagan ni Matthew si Prim upang ipaalala ang kanilang napagkasunduan ngunit humingi pa ito ng isang linggong palugit upang makapagsabi sa mga bata. Pumayag naman ito kahit masyadong excited ang lalaki dahil may dahilan na siya upang makalapit sa mga bata.   Dinalaw ni Troy si Prim sa Eufloria. Nag-alala siya kumbakit absent ang mga bata. Niyaya siya ni Troy na kumain silang dalawa sa labas at pumayag naman si Prim ngunit hindi nakaligtas iyon sa mga mata ni Matthew. Papunta rin kasi ang lalaki doon upang makita siya ngunit naunahan na naman siya ni Troy.   “Anggaling mo talagang tsumamba! Naunahan mo na naman ako,” sabi  nito sa sarili.   Sa Ajumma’s Snack Bar lang naman sila nagpunta. Ilang bloke lang ang layo mula sa Eufloria. Umorder ng pancakes and hot coffee si Troy. Napangiti si Prim dahil ito ang madalas nilang orderin noon sa canteen.   “Kumusta? First yatang umabsent ng mga
last updateLast Updated : 2021-12-07
Read more

Chapter 29: THE ANTICIPATION

Nakita ni Prim ang saya ng kanyang mga anak ng makita nila si Mr. Aragorn. Napailing siya. Hindi pa rin niya ikino-consider ang kahit na anong relasyon because she first fell in love with Mr. Aragorn, the Mr. Romantic Guy. Ngunit hindi rin siya mawawala sa sarili para pumatol sa taong may pananagutan na. Hindi niya planong mag-asawa lalo na ang maging mistress ng isang CEO.   Hindi niya kayang ibigay ang kasiyahang iyon sa mga anak at iyon lang naman ang gusto niyang makita sa mga ito. Isang buhay na masaya, kuntento at malayo sa problema. Hindi niya nakikita na magiging komplikado ang mga bagay-bagay kapag nalaman na ng mga bata ang buong katotohanan.   Ngunit hindi lang ang mga bata ang naghahangad na malaman ang buong katotohanan  kundi ng kanyang buong pamilya. Sa unang pagkakataon ay nakikita nila ang lalaking pinaniniwalaan nilang sumira sa buhay niya.   Sa kabila ng warning na nakuha ng mga batang nasangkot s
last updateLast Updated : 2021-12-08
Read more

Chapter 30: THE SHOW

Naging abala si Matthew sa opisina dahil sa kabilaang mga meetings para pinaghahandaang Barrlefest kasabay ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Aragorn Winery Corporation. Ito ang dating Ambrosia Winery Corporation na itinatag ng magkaibigan mula sa kanilang matayog na ambisyong makilala ng buong mundo sa kalidad at klase ng alak na ginagawa nito.   Pinalitan lang ng pangalan ang korporasyon dahil marami itong kapangalan sa merkado. Maaari itong makapaglito sa mga mamimili.   “Anong nangyari?” tanong ni Matthew habang nakasandal ito sa backseat. Ina-update siya ni Zoren sa mga outside business nito. Ipinadala sa kanya ang mga larawan ng mga bata sa school at maging ang mga kuha kay Prim habang nasa flower shop.   “Naipadala ko na po ang mga larawan sa inyo. Kayo na po ang tumingin. Mukhang hindi po nagagawi ngayon ng flower shop si Fernan,” sabi ng lalaki.   “That’s good news,” anito at hindi na umimik
last updateLast Updated : 2021-12-08
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status