Nakita ni Prim ang saya ng kanyang mga anak ng makita nila si Mr. Aragorn. Napailing siya. Hindi pa rin niya ikino-consider ang kahit na anong relasyon because she first fell in love with Mr. Aragorn, the Mr. Romantic Guy. Ngunit hindi rin siya mawawala sa sarili para pumatol sa taong may pananagutan na. Hindi niya planong mag-asawa lalo na ang maging mistress ng isang CEO.
Hindi niya kayang ibigay ang kasiyahang iyon sa mga anak at iyon lang naman ang gusto niyang makita sa mga ito. Isang buhay na masaya, kuntento at malayo sa problema. Hindi niya nakikita na magiging komplikado ang mga bagay-bagay kapag nalaman na ng mga bata ang buong katotohanan.
Ngunit hindi lang ang mga bata ang naghahangad na malaman ang buong katotohanan kundi ng kanyang buong pamilya. Sa unang pagkakataon ay nakikita nila ang lalaking pinaniniwalaan nilang sumira sa buhay niya.
Sa kabila ng warning na nakuha ng mga batang nasangkot s
Mr. Aragorn is getting ready to battle with the most rare flower of all.
Naging abala si Matthew sa opisina dahil sa kabilaang mga meetings para pinaghahandaang Barrlefest kasabay ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Aragorn Winery Corporation. Ito ang dating Ambrosia Winery Corporation na itinatag ng magkaibigan mula sa kanilang matayog na ambisyong makilala ng buong mundo sa kalidad at klase ng alak na ginagawa nito. Pinalitan lang ng pangalan ang korporasyon dahil marami itong kapangalan sa merkado. Maaari itong makapaglito sa mga mamimili. “Anong nangyari?” tanong ni Matthew habang nakasandal ito sa backseat. Ina-update siya ni Zoren sa mga outside business nito. Ipinadala sa kanya ang mga larawan ng mga bata sa school at maging ang mga kuha kay Prim habang nasa flower shop. “Naipadala ko na po ang mga larawan sa inyo. Kayo na po ang tumingin. Mukhang hindi po nagagawi ngayon ng flower shop si Fernan,” sabi ng lalaki. “That’s good news,” anito at hindi na umimik
Hindi namalayan nina Prim at Matthew ang paparating na weekend. Masyadong naging abala ang dalawa. Wala si Fernan kaya tutok ang dalaga sa flower shop. Abala ang lahat sa kanilang ginagawa. Busy si Prim para kumustahin ang malilit na flowershop sa iba’t ibang branches sa limang malls sa Kamaynilaan. Bago umuwi ang kanyang mga staff ay nagkakaroon pa sila ng konting practice sa kanilang mga flower arrangements. Dito rin niya nabibigyan ng incentives ang kanyang mga staff. Nalalaman rin niya ang mga performance ng mga ito sa kanyang online customer service dahil sa mga comments ng mga ito. Minsan ay may nagpapadala ng kanilang pasasalamat sa Eufloria dahil sa kanilang unique and stylish way to arrange flowers. Great ideas come from the young minds dahil ang karamihan sa kanila ay mga early 20’s pa lang. Nagiging patok ngayon pati na ang mga small flower pots bilang regalo. Limited lang muna ang kanilang kinuhang stocks. But in a matt
Samantalang si Fernan ay papasok pa lang ng gate, masayang dala-dala ang magandang bouquet ng bulaklak para kay Prim at sinulyapan ang singsing na hawak niya. Magpo-propose siya ng gabing iyon ngunit pinigilan na siya ng pinsan nito. “Uy, Kuya Joseph. Kumusta? Anong mayroon? May bisita ba kayo?” “Nandito ‘yong tatay ng mga bata. Ipinakilala na ni Prim. Nagkaroon nga ng malaking gulo eh!” kuwento nito sa binata. “Sino bang ama ng mga bata? Mukhang bigatin ah! Mayaman ba?” “Naku, hindi ka maniniwala. Aragorn lang naman. Malaking gulo ito kapag nagkaalaman,” sabi ng pinsan nito. “Ha, bakit?” Hindi naintindihan ni Fernan ang sinabi ng lalaki. Umalis kaagad si Fernan ng gabing iyon. Nadatnan siya ni Bella sa loob ng kanyang unit na umiinom. “Ano ba? Nakakarami ka na. Tama na ‘yan!” Kinuha ni Bella ang bote na tinutungga nito.
Gumawa ng paraan si Fernan upang mabigyan ng babala si Dea sa ginagawa ng asawa. Walang kaalam- alam ang babae sa ginagawang kalokohan ni Mr. CEO habang panay ang indak nito sa patay-sinding mga ilaw. Nabigyan siya ng tip sa lugar kung saan madalas magba- bar hopping si Dea. Natagpuan nga niya ito sa Club Copa kung saan siya nahuling nakikipag-pot session. Nakapag-operate kaagad ang club matapos ang isang linggong pagkakasara. Patuloy pa rin ang illegal na gawain dito matapos na malaman sa balita na pugad ito ng high profile na mga tao na gumagamit ng droga. Mukhang walang kinatatakutan ang nagpapalakad sa club kahit pulisya. Sinundan siya ni Fernan sa loob ng CR. “Hey, Mister. Mali yata ang napasukan mo. Pambabae ito.” Lalabas na noon si Dea ngunit sinundan siya ni Fernan hanggang sa bar. “Asawa ka ni Matthew, 'di ba?” “OO, bakit? Sino ka ba?” “Alam mo ba ang ginagawa
Mas masaya at kakaiba ang sigla ng mga bata ng araw na iyon. Hindi sila makapaniwala ng malaman na si Mr. Aragorn talaga ang kanilang ama. Nanlaki ang mga mata nila ng dumating si Matthew ng ganoon kaaga. Kasalukuyang nag-aalmusal ang mga bata. Nagmadaling lumapit ang mga ito at nagbeso sa kanya. Napatitig si Prim sa lalaki habang papalapit ito sa hapag-kainan. Gusto niyang mag-imagine na lalapit ang lalaki sa kanya para mag-good morning with matching dampi ng nguso sa labi niya. Parang ang saya ng umaga kapag nagkagayon nga. Napakakisig nito sa kanyang pormal na tuxedo. Napailing siyang bigla. Gusto niyang sampalin ang kanyang pisngi upang magising sa katotohanan. #Ika-anim na utos- Huwag makikiapid. Yumuko na lang siya at tahimik na sumenyas sa anak na babae ngunit bigla niyang naalala ang naging usapan nila ni Bella noon. “Naaalala mo ba ‘yong mukha ng delivery b
Hindi madaling masindak ang mga taong wala naman talagang kinatatakutan. Wala takot at walang pakialam si Dea lalo na sa kanyang nalaman. Wala rin siyang pinipili kahit saan. Hindi niya nakita na magiging malaking damage sa korporasyon ang ambush interview na iyon. Biglang ipinatawag ng Board of Trustees si Matthew dahil may nakakita rin ng video. Nagkaroong bigla ng Emergency Meeting ang mga Stockholders at pinagpapaliwanag si Matthew sa mga issue na binanggit ng asawa. Nalalagay sa alanganin ang kanyang reputasyon. Itinuturing siyang ama ng buong Aragorn Winery Corporation at nakasalalay sa kanyang pangalan ang magandang imahe nito. “What does this mean, Mr. Aragorn?” tanong ni Mr. Lituaco. “Hindi ito ang inaasahan namin sa iyo,” sabi pa ni Mr. Queng. Hindi pahihintulutan ng board ang immoral na gawain sa kanilang mga miyembro at lalo’t hi
Nagtungo si Matthew sa flower shop ng umagang iyon upang kumustahin ang babae dahil sa kalasingan nito. Nasa loob ng opisina si Prim at kasalukuyang nagmumuni-muni kung ano ang gagawin upang makatakas sa mga plano ni Matthew. “A penny for your thoughts, Miss Watanabe. Ang suwerte naman ng lalaking naisip mo first thing in the morning, sana ako na lang.” “Anong ginagawa mo dito?” “Hindi ka man lang ba magpapasalamat dahil tinulungan kita kagabi sa sobrang kalasingan mo.” Napatango ang babae. “Yeah, thank you for being so generous to the extent of sending me personally home. Dahil sa iyo eh! nasermunan lang naman ako ng tita ko,” sabi ni Prim. Nilapitan siya ni Matthew sa kanyang kinauupuan at humawak siya sa armrest ng boss’ chair. Bahagyang yumukod at nakipagtitigan kay Prim. “Baka naman puwedeng makahalik man lang.” Inilapit nito ang kanyang mukha sa babae. &nb
Niyaya ni Troy si Prim na manuod ng Mulan upang makapag-relax na rin. Natuwa naman ang babae at nakalimutan nito ang kanyang mga inaalala. “Simula ngayon, kasama mo na ako sa mga problema mo sa mga bata. Nandito lang ako.” “Ako na ang bahala sa problema ko sa mga anak ko. Huwag mo silang alalahanin dahil may tatay naman sila. Hayaan mong mamrublema siya,” sabi ni Prim. Inihatid siya ni Troy sa kanilang bahay ngunit nadatnan niya doon si Matthew. Hinihintay daw talaga niya ito. Hindi na rin nagtagal ang lalaki. “Nanliligaw ba sa iyo ang kumag na iyon?” “Kumag? Si Troy?" “Nanliligaw ba siya sa iyo?” Inulit niya ang tanong. “Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo?” “Gusto lang kitang paalalahanan. Huwag mong dalhin dito ang lalaking iyon at nakikita ng mga anak ko na nakikipagmabutihan ka sa iba.”
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala