Home / Romance / The Invisible Love of Billionaire / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of The Invisible Love of Billionaire : Chapter 21 - Chapter 30

182 Chapters

Kabanata 13

Isang malakas na iyak ng sanggol ang gumising kay Kane. Pilit siya na pumikit ulit upang makabalik sa pagtulog. Kinuha niya ang unan sa tabi niya at itinabing iyon sa tainga niya. Ngunit ano man pilit niya ay ‘di siya makatulog dahil sa ingay ng bata na iyak nang iyak. Padabog siya na bumangon at lumabas ng kuwarto. Inis na inis siya sa naistorbo niya na tulog. Ilan linggo na rin siya na naririto sa bahay nila sa probinsiya at ilan linggo na rin siya na hindi napagkakatulog. Puyat na puyat na siya at sumasakit na ang ulo sa kakaisip, tapos kung kailan naman na dinalaw na siya ng antok at makakatulog na sana ay umatungal naman ng pagkalakas-lakas ang bata. “Kane, buti at gumising ka na. Kanina pa iyak nang iyak ang bata. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasa’n ba kasi ang mga magulang niya at bakit ba napunta sa’yo ang bata? Kaguwapo na bata pa naman. Siguro ay may lahi ang mga magulang niya, kaganda ng kombinasyon.” Ito ang dire-diretso na bungad sa kan’ya ng tiyahin niya. Ang aga-
last updateLast Updated : 2021-12-18
Read more

Kabanata 13.1

“Auntie, luluwas muna ako ng Maynila bukas. May mga kailangan lamang ako na daluhan na importante na miting at ayusin sa opisina at baka mga isang linggo rin ako na mamalagi sa Maynila.” Pagpapaalam ni Kane sa kan'yang Auntie Sabel nang naghahapunan sila. Matandang dalaga ang Auntie Sabel niya at ang kasama lang din ay ang pamangkin na anak ng namayapa na kapatid. “Iiwanan kita ng pera para sa mga pangangailangan ng bata. Bibilinan ko na lamang din si Dustin na tulungan ka na bantayan si Cole.” “Hanggang kailan ba ang bata rito, Kane? Hindi naman sa ayaw ko siya na nandito. Sa totoo lang ay natutuwa naman ako sa bata kaya nga lang ay minsan iniisip ko na baka hinahanap-hanap din niya ang mga magulang niya kaya madalas ang pag-iyak niya. Nakakaawa lalo na kapag ayaw talaga niya tumigil sa pag-iyak. Baka hindi sanay sa probinsiya ang bata. Isa pa, mukhang anak mayaman iyan baka ba naninibago sa pamumuhay rito. Hindi ba at mas makabubuti na ro’n mo siya itira sa mansyon ninyo?” “Aunti
last updateLast Updated : 2021-12-18
Read more

Kabanata 14

Isang oras bago pa ang takdang oras nang pagkikita nina Kane Loyola at Yulence Villagomeza ay naro’n na si Kane. Sa dulo na bahagi siya pumuwesto upang walang makagambala sa kanilang pag-uusapan. Inihahanda na niya ang sarili niya. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. Ang isang bahagi ng utak niya ay nasisiyahan at hindi mapakali dahil malapit na siya na makaganti kay Colton. Malapit na niya na mapabagsak ang kaibigan. Ngunit may natitira na bahagi ng isip niya na naaawa para kay Cole. Sa sanggol na nakasama niya ng ilang linggo na rin. Alam niya na hindi niya dapat dinadamay ang bata pero sa ngayon si Cole lang ang paraan niya ng paghihiganti. Iwinaksi niya sa kan’yang puso at isipan ang awa. Wala ng lugar ang awa sa ngayon. Hindi siya maaari na maawa dahil poot at galit ang nararamdaman niya sa ama ng bata. “Ano ang pag-uusapan natin.” Tanong ni Yulence habang padabog na naupo sa katapat na upuan niya. “Yulence Villagomeza.” bati niya rito. “Ayaw ko nang magpaligo
last updateLast Updated : 2021-12-19
Read more

Kabanata 14.1

Nagpupuyos sa galit si Yulence Villagomeza. Galit na galit siya at hindi niya matanggap na naungusan na naman siya ng walanghiya na si Colton Mijares. At ang lalo na hindi niya matanggap ay kay Atasha pa siya nito naunahan. Oo, inggit, ito ang nararamdaman niya kay Colton. Simula ng makuha ng ina niya si Celsius Mijares ay wala na silang tigil sa kakaplano na mag-ina kung paano isasabotahe ang pamamahala at posisyon ni Colton, ang nag-iisang tagapagmana. Masuwerte si Colton na ipinanganak siya sa mayaman na pamilya. Hindi gaya niya na sa isang kahig at sa isang tuka. Kung ano-ano ang kailangan gawin ng kan’yang ina para lamang maabot ang karangyaan at kasaganaan na tinatamasa nila ngayon. Ito ang dahilan kung bakit gusto niya na angkinin ang lahat ng mayroon si Colton. Tama na ang matagal na panahon na nakaranas siya ng masagana na buhay. Si Atasha Andres. Hindi talaga ang tipo ni Atasha ang nililigawan niya. Pero nang minsan na mahuli niya si Colton na nakatitig sa babae ay alam ni
last updateLast Updated : 2021-12-19
Read more

Kabanata 15

“Hon, come on. You promised me na sasama ka ngayon sa night-out with my friends. They are really looking forward to meet you.” Ito ang pangugulit ni Lia Madrigal sa kan’yang nobyo na si Colton Mijares sa opisina nito. “I can’t, Lia. Madami akong trabaho ngayon. Hindi ako puwede na umalis just because you asked me to.” naiinis na sagot ng lalaki. “Well, you promised.” Sumimangot pa ang babae sa pag-aakala na makukuha niya ang atensyon ng kasintahan sa ganoon na paraan. Ang hindi niya alam ay lalo lamang na naiirita ang kan'yang nobyo sa mga inaasal niya. Bumuntong-hininga ang lalaki tsaka muli na nagsalita, “Hindi ako nangako, Lia. What I said is I will try. But I never made a promise. Why don’t you go and enjoy the night with your friends.” “But they need to meet you, after all your Colton Mijares. Gusto kita na ipagmalaki sa kanila kaya kailangan mo na sumama.” Lumapit pa ang babae sa kasintahan at masuyo na humawak sa braso nito. “I’m busy, Lia. Really busy right now. And you kn
last updateLast Updated : 2021-12-20
Read more

Kabanata 15.1

Hindi makapaniwala si Colton sa narinig buhat kay Ofelia sa mga oras na ‘yon. May anak siya kay Atasha? Bigla ang dami nang tumatakbo sa isipan niya. Isa ba ito sa dahilan kaya umalis si Atasha? Kaya ba hindi niya makita si Atasha dahil sadya niya na itinago ang pagbubutis sa kan’ya? Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman sa mga oras na ito at sa kaisipan na iyon. “I’m giving you enough time to think about your decisions, Colton.” Muli na napabalik si Colton sa kasalukuyan nang magsalita si Ofelia. “What makes you think na maniniwala ako sa’yo? Nasaan ang bata? At paano mo nalaman ito? You don't expect me to believe you without proof, right?” madiin na tanong ni Colton sa babae. “Kung ayaw mo na maniwala hindi ko na problema iyon, Colton. Inilalapag ko sa’yo ang mga kondisyon ko. Ngayon na sa'yo na ang pagdedesisyon kung maniniwala ka o hindi. Basta’t kapag hindi ka nag-resign ay ako mismo ang magsasabi sa ama mo ng katotohanan. Katotohanan na pinabayaan mo ang sarili mo
last updateLast Updated : 2021-12-20
Read more

Kabanata 15.2

“Sam, are you sure about this?” may pag-aalala na tanong ni Icel sa kaibigan. “Yes, Icel, just trust me on this. Kailangan natin na mahanap si Atasha. Mahigit isang taon na siya na biglaan na nawala at alam ko si Colton ang makakatulong sa atin. Ice did everything he could para mahanap si Tash, pero wala eh.” sagot niya sa kaibigan. “Pero, Sam, hinanap din siya ni Colton at patuloy na hinahanap pero hindi pa rin siya makita. I’ve got a feeling na sinadya ito ni Tash. Sa kung ano ang dahilan ay hindi ko rin alam. Pero sana ay okay lang siya at sana ay maayos siya kung nasaan man siya ngayon.” Tumahimik na lamang si Sam sa sinabi na ‘yon ng kaibigan na si Icel. Lahat sila ay pursigido na mahanap si Atasha dahil bigla na lamang ito naglaho. Walang kahit na anong paalam sa kahit na sino sa kanila. Kahit ang trabaho na inaasahan nito ay basta na lamang iniwan at tinalikuran. At hindi nila malaman ang dahilan. Pamilya ang turing nila kay Atasha dahil nag-iisa lang dito sa Maynila ang kai
last updateLast Updated : 2021-12-20
Read more

Kabanata 15.3

“You may leave, Lawrence. And tell Miguel to see me before the day ends. And no visitors, even Lia, especially Lia.” Utos ni Colton Mijares sa assistant na tumango naman tsaka agad na lumabas ng opisina ng amo. “What brings you here, Sam? Take a seat.” Bati ni Colton sa babae na bisita habang itinuro pa ang upuan sa harap ng lamesa niya. “Lia? Sinong Lia?” agad na tanong ng babae. “Lia Madrigal, and it’s something complicated. But enough about that. Bakit ka narito, Sam?” “I have something really important to tell you and to discuss with you.” Agad na napataas ang kilay ni Colton nang marinig si Samantha. “About? “About Atasha.” Halata ang gulat na ekspresyon sa mukha ng lalaki nang marinig ang sinabi ni Samantha. Napahawak siya sa kan'yang noo at marahan na hinimas iyon. “What is it, Sam?” malungkot na tanong niya. Tiningnan ng mabuti ni Sam ang lalaki na kaharap. Bakas sa mukha nito ang lungkot at ang hindi maintindihan na emosyon sa mga mata nito. “May balita ka na ba sa k
last updateLast Updated : 2021-12-20
Read more

Kabanata 16

“What did you just say, Colt? Si Kane? Tinatraydor ka ni Kane?” Ito ang 'di makapaniwala na tanong ni Miguel sa kaibigan na si Colton matapos sabihin nito ang mga nalalaman tungkol kay Kane. “Shit! Now I know bakit bigla siya na nawala. Nakakuha na ng impormasyon ang hayop na ‘yon at walang balak na ipaalam sa atin.” nanggagalaiti na sagot ni Colton sa kaibigan. Pagkaalis ng matalik na kaibigan ni Atasha na si Samantha Randal kanina ay agad na pinapunta ni Colton sa kan'yang opisina si Miguel. Hindi man siya sigurado kung isa rin ba si Miguel sa tumatryador sa kan’ya o hindi, ang alam niya lang ay kailangan niya ng karamay ngayon. “I can’t believe this! Nang dahil kay Lia ay sisirain ni Kane ang pagkakaibigan natin? Ano ang nakita niya sa babae na ‘yon? At sa lahat ng babae ay si Lia pa talaga? No offense, Colton, alam ko girlfriend mo siya pero she’s the worst!” “Hindi ko alam, Miguel. Hindi ko alam kung ano ang mayroon kay Lia para ipagpalit ni Kane ang matagal na namin na pagkak
last updateLast Updated : 2021-12-21
Read more

Kabanata 16.1

Nagulat si Kane nang may bigla na nag-doorbell sa condo unit niya. Kababalik lang niya galing sa kumpanya at sa mansyon nila upang magpakita sa mga magulang. Iniisip niya kung sino ang maaari na dumating dahil wala siyang inaasahan na darating na bisita ngayon. Hindi pa alam ng dalawa niya na kaibigan na sina Colton at Miguel na nandito na siya sa Maynila. Ang alam ng dalawa ay may pinapaasikaso sa kan’ya ang ama sa probinsiya. Pagkasilip sa peephole ay hindi niya inaasahan ang mga tao na naroon. Sina Colton Mijares at Miguel Daza, ang mga tao na ayaw niya na makaharap sa oras na ito. “Open up, Kane.” Halata ang inip sa boses ni Colton nang muli siya na kumatok sa pintuan. Walang nagawa si Kane kung hindi ang buksan ang pintuan. “What brings you here?” Dire-diretso na pumasok ang dalawa at pumunta sa kan’yang sala. Nag-aalinlangan man ay bumuntong-hininga na lamang siya at isinara ang pintuan bago sumunod sa mga kaibigan. “Ang tagal mo na nawala, anong balita, Kane?” tanong ni Co
last updateLast Updated : 2021-12-21
Read more
PREV
123456
...
19
DMCA.com Protection Status