Kagaya ng dati ay wala pa rin na pinagbago ang silid na ito. Walang kabuhay-buhay at ramdam na ramdam ang kalungkutan sa bawat sulok ng kuwarto. Kadalasan ay ayaw ko na pumapasok dito dahil pakiramdam ko ay unti-unti rin na nalalagot ang natitira ko na tapang para sa sarili ko. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang sakit na nararamdaman ko o kung mawawala pa nga ba ito. Hindi ko alam kung may buhay pa ba na naghihintay para sa amin ng mga anak ko nang wala si Colton sa amin. I am slowly falling into the pit of despair and darkness. And I am drowning into my own sorrow and pain. And right now, I don’t even know how I can survive this. I am hurting as hell pero alam ko na kailangan ko na maging matatag hindi lamang para sa sarili ko kung hindi para sa mga anak ko. Hindi puwede na pati ako ay mawala sa kanila. Kagaya ng lagi na sinasabi ng mga kaibigan ko sa akin, my kids need me now more than ever. Kailangan ko na maging matatag sa kabila ng lahat ng aking mga pangamba. Tuwing naki
Last Updated : 2022-03-17 Read more