Kakatapos lang namin na makausap ang mga doktor ni Colton. Ako, si Aldrick at si Akiro ang sama-sama na nagtanong tungkol sa kondisyon niya. Ibinalita nila sa amin ang bumubuti na lagay niya sa kabila ng pananatili na tulog. Umaasa sila na patuloy na magiging maganda ang progreso niya at umaasa rin sila na isang araw ay tuluyan na siya na magigising. Nasanay na rin ako sa kaka paroo’t-parito sa ospital. Ang buong palapag na ito ay exclusive lamang para kay Colton at sa kabilang hallway ay si Kane. Sinadya namin na ipasara ang palapag na ito upang mabigyan seguridad pa rin kami. Kahit na nakakulong na si Lia ay ayaw namin na mag baka sakali lalo at nariyan pa si Ofelia. Naisipan namin na maupo muna rito sa antayan sa may pasilyo sa tapat ng kuwarto ni Colton. “Kamusta ang pagbisita ninyo sa sementeryo noon nakaraan?” bungad na tanong ni Akiro. “Ayos naman at umaasa ako na matatahimik na rin si Yulence. Alam ko na hindi naman siya gano’n kasama. Maayos naman siya nang magkasama kami,
Bumaba ako ng sasakyan na walang kabuhay-buhay. Kagagaling ko lamang sa bahay namin nila Akiro upang silipin ang aking mga anak na sina Cole Ashton at Ashira Coline. Sa muli ay kailangan ko sila na iwan sa pangangalaga nina Miguel at Vincent dahil kailangan ko na tutukan ang lagay ng kanilang ama. Nagsabi rin sina Icel at ang kasintahan nito na si Ice na dadaanan nila ang kambal mamaya upang mabisita. Si Nathan naman ay kasama ko ngayon sa pagbabalik dito sa ospital. Abala naman si Akiro sa pakikipag-usap sa mga pulis hinggil sa mga kaso na kinakaharap nina Lia Madrigal at Ofelia Villagomeza. “Atasha.” Tawag sa akin ni Nathan habang wala ako sa wisyo na naglalakad patungo sa elevator. Nilingon ko lamang siya at nakataas ang kilay ko na nagtatanong sa kan’ya. “Keep thinking positive, prinsesa. Magiging maayos din ang lahat.” Humugot ako ng malalim na hininga saka sumagot sa kan'ya. “Hanggang kailan pa, Nate? Nawawalan na ako ng pag-asa. Halos magda-dalawang linggo na siya na walang
Isang linggo matapos ang muli na paggising ni Colton ay papunta kami sa kulungan upang tuluyan nang tapusin ang mga problema sa aming nakaraan. Napagpasyahan namin ni Colton na harapin sina Lia Madrigal at Ofelia Villagomeza upang matuldukan na ang bahagi ng buhay namin na kasama sila. Alam namin pareho na kailangan namin gawin ang bagay na ito upang tuluyan na makalaya sa sakit na idinulot nila. We have to move on and in order to do that we have to put an end to the things that happened between all of us. Wala ng takot sa puso ko ngayon para sa paghaharap namin na ito. Nalagpasan ko na ang yugto ng buhay ko na nabubuhay ako sa takot. Ang nais ko na lamang ay tuluyan na putulin ang ano man bahagi nila sa buhay namin. Nakaupo kami ni Colton habang hinihintay ang paglabas ni Lia. Naging laman ng balita si Lia Madrigal sa mga nakalipas na linggo. At kahit na ano pa ang naging pakiusap ng mga magulang niya kay Celsius Mijares ay wala silang nagawa dahil hindi pumayag ang ama ni Colton n
Ilang araw na lang para sa inaabangan na malaking pagdiriwang para sa unang kaarawan ng kambal na sina Cole Ashton at Ashira Coline. Ang prinsipe at prinsesa ng Genova at ang mga susunod na tagapagmana ng Mijares Empire. At kagaya nang inaasahan, abalang-abala ang lahat para masiguro na magiging matagumpay ang selebrasyon na iyon. Hindi lamang ang unang kaarawan ng kambal ang ipagdiriwang sa araw na iyon kung hindi inaasahan na rin ang gagawin na pahayag ng bilyonaryo na si Colton Mijares upang pormal na ipakilala na ang kan’yang pamilya sa lahat. Maging ang ama ni Colton na si Celsius ay hindi mapigilan ang pagkasabik para sa araw na iyon. Naisaayos na ang lahat at sa pagkakahuli ni Ofelia ay umaasa siya na matatapos na ang dagok sa buhay ng kan'yang anak at kasintahan nito na si Atasha. Nais niya na makapagsimula na muli ang dalawa at buuin na ang pamilya na matagal na nila na pinapangarap. Nakabalik na rin si Colton sa pagpasok sa opisina ilang linggo matapos makalabas ng ospital
Kalalabas-labas lang ni Kane sa opisina ni Colton matapos nila na tuluyan na magkaayos na magkaibigan. Sino nga ba ang mag-aakala na pagkatapos ng lahat ng sakit na ibinigay nila sa bawat isa ay mas mananaig ang kanilang pagkakaibigan? At hindi mapagsidlan ang saya na nararamdaman ng bilyonaryo na si Colton dahil nagiging maayos na ang lahat sa buhay niya. Muli ay kasangga niya ang dalawang matalik na kaibigan niya, sina Miguel at Kane. Unti-unti na rin na inaayos ni Colton ang patungkol sa relasyon nila ni Atasha. Plano niya na pagkatapos na maipagdiwang ang kaarawan ng kambal ay lilipad sila ng Genova upang mabisita ang ina niya na reyna na kasalukuyan na nakakulong sa mga naging pagkakasala nito. Bukod do'n ay nais na rin niya na pormal na harapin ang mga magulang ni Atasha upang makilala sila at pormal na hilingin ang basbas nila para sa kanilang relasyon. Nais ni Colton na maging maayos ang lahat sa kanilang pamilya bago siya mag-propose kay Atasha ng kasal na nais niya rin gaw
Makaraan ang ilang linggo na paghahanda at pagpaplano ay dumating na kami sa pinakahihintay namin na araw. Ang unang taon na kaarawan ng aming kambal na sina Cole Ashton at Ashira Coline. Walang paglagyan ang kasiyahan ko sa araw na ito lalo na at halos kompleto ang aking pamilya maliban lamang sa aking mga magulang na nasa Genova. Tandang-tanda ko pa isang taon na ang nakakaraan nang ipanganak ko ang kambal. At ang araw na iyon ang lubos na nagpabago sa buhay ko at sa paninindigan ko. Hindi ko inakala na makakaya ko na isilang ang dalawang anghel. Wala man si Colton sa aking tabi ng mga panahon na iyon ay ipinagpapasalamat ko pa rin ang presensya nina Aldrick at Akiro. Ang dalawang prinsipe ang naging sandigan ko sa mga panahon na iyon. “Love, are you ready?” Pumulupot agad ang mga braso ni Colton sa aking beywang nang lapitan niya ako. Simula nang magising at makabalik siya sa amin ay pareho na namin sinisigurado na iparamdam at ipakita sa isa’t-isa ang aming nararamdaman. “Yes, t
Ilang araw na kami na nakabalik dito sa bahay namin sa Batangas matapos ang unang kaarawan ng kambal. Masaya ako na naging matagumpay ang araw na iyon. Gusto ko isipin na ito na ang simula ng maayos at tahimik na buhay para sa amin lahat. Unti-unti na namin na pinupulot ang mga piraso ng pagkatao at buhay namin na nasira ng mga pangyayari. Hindi magiging madali ang lahat pero positibo kami na mangyayari iyon sa mga susunod na araw. Nakakatuwa na muli rin na nanumbalik ang pagkakaibigan nina Colton at Kane. Muli sila na nabigyan ng pagkakataon na maayos ang pagkakaibigan na nagkaro’n ng lamat nang dahil sa hindi pagkakaunawaan. At bukod pa ro’n ay natutuwa ako sa maganda na simula na nangyayari sa pagitan nina Samantha at Kane. Minsan hindi mo talaga alam kung sino ang itinakda para sa’yo. Pero naniniwala ako na sa mundo na ito ay mayro'n talaga na inilaan para mahalin tayo. Dahil maayos na rin ang lahat ay nakatakda na rin kami na bumalik sa Genova. Ito ang kasunduan namin ni Akiro
Dalawang linggo na ang nakakalipas buhat nang umalis si Aldrick. And it was a bitter sweet farewell. It was hard but it was necessary. Magkasabay na rin na bumalik ng Genova sina Prinsipe Akiro at Prinsipe Aldrick. At masaya ako sa muli na panunumbalik ng kanilang pagkakaibigan. Pareho na maayos ang takbo ng kumpanya namin ni Colton, ang DU at ang RD. Naging matagumpay rin ang collaboration project ng dalawang kumpanya kahit na hindi namin ito natutukan dahil sa mga nangyari sa amin. Pasalamat na lamang din kami ni Colton na pareho na maaasahan sina Miguel at Vincent. Sila rin ngayon ang punong-abala sa dalawang kumpanya. Sa kabila ng mga masasama na nangyari sa buhay namin ni Colton there are still a lot to be thankful for. At isa na roon ang mga kaibigan na mayro’n kami. Our friendship was tested beyond what we could comprehend, pero lahat kami ay tumindig sa hamon na iyon at napagtagumpayan namin ang mga pagsubok. At masasabi ko na mas naging pulido ang pagsasamahan namin. Sina S
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay