That day didn’t turn well. Hindi niya nabanggit kahit kanino ang nangyari pero mariin lang ang tingin niya sa akin kada napapalingon siya sa akin. Every time he would send death stare, I would always look somewhere else. Of course! Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil sa bukod sa mabigat ang aura niya para sa akin, ay may atraso pa ako sa kanya!Great, Rassia! Imbes na may magandang impresyon siya sa iyo, bakit ganito pa ang iiwan mo?“Damn, Chandler! You didn’t tell me that your cousin is as scary as a demon! Grabe ‘yong tingin, para akong papatayin!” Ikinwento ko sa kanya ang nangyari sa araw na iyon. Humalakhak naman siya nang mahina.“He’s always like that. Too uptight. Pero madali lang ‘yan. Ikaw pa ba?” biro niya.
Last Updated : 2021-11-20 Read more