“Maraming salamat po, Attorney. Malaking tulong po itong pagpirma niyo sa papeles ng tatay ko.”Ngumiti naman ako sa lalaking nasa harapan ko.“Walang anuman. Basta sana sa susunod kung magpapapirma ulit kayo, sana kasama mo na ang tatay mo. Next time, hindi ko na tatanggapin iyang authorization letter mo.”Tumango naman nang paulit-ulit ang binatilyo at nagpasalamat bago lumabas ng opisina ko. Nang tuluyan itong makalabas ay saka ako bumuga ng hangin at sumandal sa aking upuan. Mag-iisang linggo palang ako bilang bagong abogado rito sa Public Attorney’s Office pero pagod na ako. Hindi ko inakalang mas marami pang trabaho rito kaysa sa pagiging isang private lawyer. Understandable naman dahil nga abogado kami ng mga residente na naririto, ang kaso, hindi ko maintindihan kung bakit sa aming tatlo na abogado na naririto, sa akin lahat dumidiretso ang mga tao para magpakunsulta at magpapirma ng mga dokumento.Isang
Huling Na-update : 2022-02-06 Magbasa pa