Aya's POV "I'm Marcus dati kong Nanny si Nanay Crusing" pagpapakilala nito sa akin at inilahad ang kamay niya. 'Pshh feeling close!' Kaya napakilala na rin ako sa kaniya. "Shanaya Yseey Sarmiento, Aya for short" nilahad ko din ang kamay ko at nagshakes hand at umiwas na rin ako. "Maayong gabi nay" bati ko kay inay at nagmano habang nagluluto ng hapunan. "Maayong gabi rin sayo anak" pabalik na bati ni Nanay. "Oh nagkakilala na ba kayo?" Tanong niya na itinuro yung lalaki na dating alaga ni Nanay noong nagtatrabaho siya. Sasagot na ito ngunit ako na ang sumagot. "Opo nay pakitawag niyo na lang ako at magpapahingan muna ako" nagpaalam na ako at gusto ko muna ipahinga ang katawan ko dahil na rin sa pagod sa trabaho. "Pagpasensya mo sana si Aya ganun talaga siya kapag pagod sa trabaho wala sa mood" yan ang huling narinig ko bago pumasok sa kwarto ko. '
Huling Na-update : 2021-10-31 Magbasa pa