Maaga pa lang ay ginising na si Ashtrid ni Nich para sa surpresa na sinasabi nito. It's saturday at halos isang linggo na silang magkasama. Nag-file ito ng leave at masasabi niyang bumawi talaga ito sa kanya kahit pa nga hindi naman dapat ito bumawi. Halos hindi sila nito mapaghiwalay sa loob ng isang linggo. Wala silang ibang ginawa kung hindi ang lumabas magkasama, manuod ng sine, kumain sa mga paborito nilang kainan, o kaya naman magluto ng magkasama, o manuod ng netflix sa kuwarto nito na laging nauuwi sa mainit na pagtatalik. Dinalaw rin nila si Granma Elise sa bahay nito. Tuwang-tuwa ito nang malaman na maayos na ang relasyon nilang dalawa ni Nich, hindi raw dapat mabaliwala ang ginawang plano na ibigay sa kanilang dalawa ni Nich ang unit para magkasundo lamang ulit daw silang dalawa. Natawa na lamang sila sa kwentoo ni Granma. Kaya naman pala nakakabigla na bigyan na lamang siya out of the nowhere ng matanda ng unit. Meron pala itong plano n
Last Updated : 2022-01-19 Read more