Home / Fantasy / Prinsesa Atyrrah / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Prinsesa Atyrrah: Chapter 51 - Chapter 60

67 Chapters

Chapter 50: Paunang Laban

3rd Person POVTahimik na naglakad patungong parking lot sina Prinsesa Atyrrah, Prinsesa Atirrah at ang dalawang kawal. Halata ang pagkaseryoso ng Prinsesa Atyrrah. Nang makarating sa elevator ay sabay-sabay silang pumasok roon. Isinuot ni Prinsesa Atirrah ang susi sa pinakagilid ng elevator. Tumagos ang nguso ng susi sa gilid ng elevator at maya-maya lang ay bumukas ang pinto nito.Gano'n nalang ang gulat ni Prinsesa Atyrrah. Napatakbo siya palabas ng elevator at tiningnan ang kabuuhan ng lugar. Alam niyang ito ang gubat ngunit kalbong-kalbo na ito. Ang mayayabong na puno ay wala ng mga dahon, kung meron man ay tuyot na. May mga puno na putol na at mayroon ring payat na payat ang katawan. Ibinaba niya ang tingin sa tuyong lupa. Bitak-bitak ito dulot ng kakulangan sa tubig. Lumuhod siya at hinawakan ang lupa upang malaman kung may tubig sa ilalim ngunit wala! Walang siyang mahanap kahit malapit na batis upang bigyan ng maiinom ang lupa. Halos
last updateLast Updated : 2022-01-14
Read more

Chapter 51: Pagtataka

Prinsesa Atyrrah POV"Gusto kong makasal na kami sa lalong madaling panahon" ang pamilyar niyang boses ang aking narinig. "Maghintay ka po ng pitong araw--""Tatlong araw ang binibigay kong palugit" "Hindi po madali ang proseso. May mga naunang---""Ako ang hari. Sino ang susundin mo?""Pero kamahalan--""Ihanda mo ang iyong ulo. Mamaya ay mawawalan ka na niyan" "A-Aayusin ko po, kamahalan" kasunod niyon ay ang yabag paalis. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ng muling pagsara nito.Nanatiling nakapikit ang aking mata. Alam kong nasa loob ako ng silid, nakahiga sa malambot na katre. Natitiyak kong hindi ang aking silid dahil sa amoy. Habang nakapikit ay naramdaman ko ang paglubog sa kabilang banda ng katre ngunit hindi ko pa rin iminulat ang mata. Nagpanggap akong natutulog."Aking Prinsesa, alam kong gising ka" hindi ko siya inimik, nagpanggap pa rin ako na tulog kahit buking na an
last updateLast Updated : 2022-01-15
Read more

Chapter 52: Alyansa

Prinsesa Atyrrah POVNaguguluhan kong tiningnan ang aking kapatid. Pilit siyang ngumiti saka ako hinatak papunta sa aking kama. Pareho kaming umupo roon. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay saka siya nagsalita."Nagagalak akong makita ka, kapatid. Bakit ka bumalik? Hindi ba't sinabi kong manatili ka sa mundo ng mga tao?" Mahinhin niyang tanong pero naroon ang pag-aalala. Bagaman nakangiti ay kunot ang noo ng aking kapatid. "Nagbalat-kayo ang Reyna bilang ikaw. Sumama ako kahit alam ko ang katotohanan upang wala siyang gawing hindi ko gusto sa mundo ng mga tao" agad nagsalubong ang kilay ni Prinsesa Atirrah. Tumayo siya at tumingala. Sa ganoon niyang paraan pinakakalma ang sarili."Lapastangan talaga!" Sigaw niya. Tumingin siya sa'kin nang salubong ang kilay at habol ang hininga. "Maayos ka ba? Anong ginawa nila sa'yo? Sinaktan ka ba?" Tiningala ko siya saka itinaas ang aking braso kung nasaan ang sugat dulot ng palaso'ng pinalipad kanin
last updateLast Updated : 2022-01-16
Read more

Chapter 53: Pagtitipon

Prinsesa Atyrrah POVUmalis ang Prinsesa Atirrah sa aking silid sa pagsundo ni Narnion, ang aking pamangkin. Hanga ako sa taglay na talino ng batang iyon. Aniya ay kailangan ng umuwi ng kaniyang Ina bago dumating ang Ama niyang Hari. Ngayon ay mag-isa na ako sa silid kung saan nakakulong ako sa ilalim ng maitim na kapangyarihan. Kapangyarihan na pumipigil sa akin na makalabas. Bumukas ang pinto at iniluwa ang nakangiting si Lucidiro. Hindi na nga yata mapapatid ang ngiting ito. Mula nang mapunta ako sa kaniyang puder, tila naukit ang ngiting iyon sa kaniyang mukha. Alam kong mahal niya ako kaya ganiyan nalang ang tuwa niya pero ang pakiramdam namin ay hindi parehas.Pagkadisgusto ang nararamdaman ko sa kaniya. "Balak ko sanang dito ka na pakainin ngunit nalaman ng mga pinuno na narito ka kaya nagsipunta agad sila" pinukol ko ng nagdududang tingin si Lucidiro na agad umiwas ng tingin. May tinatago siya."Sinu-si
last updateLast Updated : 2022-01-18
Read more

Chapter 54: Pagtitipon .2

Prinsesa Atyrrah POVUna akong nag-iwas ng tingin sa Reyna. Kuyom ang aking kamao. Hindi ako papayag na sa huli ay ako ang matalo. "Halika na" maamong sabi ni Lucidiro. Hindi ko magawang singhalan siya o ang sumimangot man lang. Alam kong kaharap ko ang mga opisyal at hindi ako maaaring magpakita ng kagaspangan ng ugali.Hinayaan ko si Lucidiro na dalhin ako sa mesa kung nasaan ang iba pa. Iniupo niya ko sa pangalawang upuan katapat ng aking kapatid habang siya ay nasa tabi ng puno ng hapag. Inokupa ni Reyna Karis ang upuang iyon kapagkuwan."Nais kong pasalamatan kayo sa pagtugon ng aking imbitasyon kahit madilim na ang langit. Nagagalak ang Kaharian ng Cladmus sa inyong mainit na suporta para sa nalalapit na kasal ng aking anak at ng Prinsipe Lucidiro" tipid akong ngumiti. Kuyom ang aking palad na nasa ilalim ng mesa. Tila isa siyang maamong tupa sa harap ng lahat pero ang totoo ay isa siyang leon sa loob ng bulwagang ito. "Ikinararan
last updateLast Updated : 2022-01-19
Read more

Chapter 55: Ang Pagpapakita

Yvo Artemis POVThree days had been passed. That three days is a mess.That three take my sanity away.That three days is a totally f*cked up!Para akong nababaliw na dumadaan ang araw nang hindi ko siya nakikita. Dumadaan ang araw na wala akong ibang ginawa kung hindi magmukmuok at magwala kapag nagbabalita ang mga agent ko na wala silang mahanap. Na hindi nila siya mahanap.I hired many assassins to look for Atyrrah. Pati ari-arian ko ay ginawa kong reward kapag may isang taong nakapagbigay sa'kin ng impormasyon tungkol kay Atyrrah. Pero lahat ng offer ko ay walang silbi. Wala silang mahanap na Atyrrah kahit saang lupalop ng daigdig. Hindi ako naniniwalang hindi siya tao. Alam kong may parte dito sa mundo kung saan doon siya naninirahan pero bakit hindi siya makita?! "Sir, sorry pero hindi po talaga namin  mahanap" ulat ng isa kong agent na kaharap ako ngayon. Narito ako sa office hindi para magtrabaho
last updateLast Updated : 2022-01-20
Read more

Chapter 56: Pasabog

Yvo Artemis POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Tumama ang eyeballs ko sa puting kisame ng kwarto ko. Napalunok ako sa napanaginipan. Mayroon daw isang maliit na insekto na mukhang tao. May pakpak siya na kulay pula at nagniningning na parang tala. "Ginoo," napabalikwas ako dahil sa gulat. Umupo ako sa dulong bahagi ng kama ko. Dumako ang tingin ko sa ulunan ng kama ko. Hindi ako agad nakapagsalita! Gusto kong sapakin ang sarili kung totoo ba ang nakikita ko. "Ginoo pakiusap, kailangan kita, kailangan ka ng Prinsesa" 'Hindi ito panaginip? T-Totoo?'Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Agad no'n napukaw ang interes ko kaya isiniwalang-bahala ko ang gulat."B-Bakit? A-Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ko ng may kaba sa dibdib. Huminga siya ng malalim. Pinagsiklop ang kamay at itinapat sa dibdib. Kunot man ang noo niya ay kita ko ang lungkot sa kaniyang maliliit na mga mata. Naroon ang pag-aalala."Ngayon ang kasal ng
last updateLast Updated : 2022-01-21
Read more

Chapter 57: Ang Kasal .1

Yvo Artemis POV"Halika na" ani ng maliit na boses na nagpabalik sa'kin sa reyalidad. Kung hindi lang lumabas si Klyton ng kotse ay mananatili ako sa pagkakatulala sa kaniya. Agad akong lumabas ng kotse at doon ay kumunot ang noo ko. Tiningala ko ang kumpanya ko. Ito ang likod nito.Dito ko rin naabutan noon si Atyrrah noong akala ko ay nakaalis na siya."Anong ginagawa na'tin dito?" Tanong ko pero hindi sumagot si Klyton. Hawak sa pulsuhan si Viola ay naglakad siya patungo sa isang matayog na puno. Inilibot niya ang tingin sa lugar kaya ginaya ko siya.Walang tao rito maliban sa amin. "Akin na ang luha, Heneral Louisse" lumipad ang maliit na nilalang na kulay blue ang pakpak at binigay kay Klyton ang isang maliit na botelya. Kung hindi ako nagkakamali ay doon inilagay ni L ang luha ni Viola kanina. Binuksan ni Klyton ang maliit na botelya at dahan-dahang ipinatak ang likido roon. Nagliwanag ang puno at namunga ng iba't-ibang pru
last updateLast Updated : 2022-01-22
Read more

Chapter 58: Ang Kasal .2

Prinsesa Atirrah POVBumuntong-hininga ako. Nalulungkot ako na magagaya ang tadhana ng aking kapatid sa akin. Natatakot ako na magaya ang kapalaran niya sa akin. Ano pa kapag nalaman ni Lucidiro na may bata sa kaniyang sinapupunan?Tiningnan ko ang aking anak. Seryoso niyang iginagala ang tingin sa Kaharian ng Cladmus. Sobra akong naaawa sa kaniya. Halata ang pagiging ignorante niya sa mundong ito. Paano nga ba mabubuksan ang isip niya kung ikinukulong siya ni Galleion sa kaharian? Na hanggang pagtingin nalang mula sa bintana ang tanging nagagawa niya. Iniangat ko ang tingin. Hinihiling kong matapos na ang paghihirap, hindi ng sarili ko kung hindi ng aking anak. Tumunog ang gong. Senyales ng pagpasok ng mga opisyal. Pangungunahan ni Narnion ang pagpasok. Ang unang pumasok ay ang mga kawal na nasa kinse ang bilang. Nag-martsa sila sa pasilyo at nang tumapat ang pinuno sa hilera ng gintong upuan ay huminto siya, gano'n rin ang mga k
last updateLast Updated : 2022-01-23
Read more

Chapter 59: Ang Laban .1

3rd Person POVNaging marahas ang bawat isa, alisto sila. Ang mga kawal at ibang Acrañum ay nakatutok ang mga palaso sa mga nag-alyansa laban sa Reyna na pinamumunuan ni Heneral Baron. Nanatili itong nakaupo sa kaniyang kabayo. Ang mga opisyal ay handa na ang kapangyarihan habang nakatingin kina Prinsesa Atyrrah at Reyna Karis. Bakas naman ang takot sa mukha ni Yvo Artemis. Hawak niya ang brasong nakapalibot sa kaniyang leeg. Ang Reyna na may apoy sa kaniyang palad ay desidido sa gagawin. Kapag naipasa sa kaniya ng pormal ang Kaharian ng Cladmus, mapapasakaniya na ang buong kaharian. Nang dumating ang Tiyo at Tiya ng magkapatid na Prinsesa ay kinabahan siya. Ayaw niyang mawala ang Kaharian na simbolo ng kaniyang kapangyarihan. "Kapag sinunod niyo ang nais ko, papakawalan ko ng walang galos ang taong ito" banta niya sa lahat lalo na kay Prinsesa Atyrrah na ngayon ay walang makikitang emosyon sa mukha. Palipat-lipat na rin ang kulay
last updateLast Updated : 2022-01-24
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status