ILANG araw na ang lumipas magmula ang engkwentro namin ng Papa ni Third at ilang araw narin magmula ng hindi kami nagkikita ni Third.Miss ko na s'ya. Gusto ko s'yang puntahan pero alam kong makakagulo lang ako dahil nga ayaw ng Papa n'ya saakin at kung ayaw n'ya ayaw ko 'rin sa kaniya.Syempre joke lang, Papa parin ni Third 'yun gusto ko lang s'ya matauhan sa mga bagay-bagay katulad ng pagmamahal n'ya sa pamilya. Gusto ko na matauhan s'ya tungkol doon dahil based narin sa kwento ni Third ay hindi sila mahal nito."Lady K bukas na ang game anong gagawin mo?"Napatingin ako kay Irene ng pumasok ito sa kwarto ko, ilang araw na akong nakakulong lang dito at di alam ang gagawin."Hindi na ako sasali Irene, nangako ako kay Third na hindi na ako sasali sa game"Naupo s'ya sa tabi ko at binigyan ako ng nakaka-awamg tingin."Ayoko ng tingin mo na 'yan Irene wag mo akong kaawaan. Di ako baldado"Napailing naman s'ya saa
Last Updated : 2021-11-24 Read more