Mabilis na nag-empake si Santina ng mga gamit nila ni Brio. Umaga pa at abala ang mga tao sa kanya-kanyang mga gawain. Sigurado siyang hindi mapapansin ng mga ito ang pagkawala nilang mag-ina. Kailangan na nilang magmadali. Dahil alam niyang pagsapit ng tanghali ay aakyat na si Mang Gerry para alukin silang kumain ng tanghalian sa komedor. Naalimpungatan si Brio sa ginagawa niya. "Mama, what are you doing?" Inaantok na tanong nito sa kanya. Napuyat ang bata sa kakalaro kagabi. Inabot ng magdamag si Brio dahil sa dami ng binili ni Hellios na laruan noong nakaraan araw. "We are going to your Papa Ivan's house, anak. Nakausap ko na siya kagabi. He said that he will take us to his condo, kaya magbihis kana at maghanda. Aalis tayo ngayon din." Kumunot ang noo ni Brio sa sinabi niya. "Pero nandito na ako sa bahay ng Papa Hellio
Last Updated : 2021-12-22 Read more