Matapos naming kumain, nagpahinga na si Clein. Nagpaalam din ako sa kaniya na may raket pa ako. Nagtanong pa ito kung anong klaseng trabaho ang meron ako, and I answered him truthfully. Na isa akong janitress sa isang malaking building. Nang masiguro kong tulog na siya ay saka lamang ako umalis. Nagbihis ako ng isang itim na t-shirt at bughaw na pantalon. Nilakad-takbo ko na lang ang distansiya ng Ferrell building mula sa ospital dala ang pepper spray, in case of emergency. Kaagad din akong nakarating sa building. Nakilala naman ako ng security guard na nginitian lang ako nang matamis. Nasa mid 20's yata ang edad niya. “Good evening, Chloe!” he greeted. Nginitian ko ito at bumati pabalik bago tuluyang pumasok ng building at dumiretso sa faculty room. Doon ko naabutan si Jayjay, Rey, at Ervin kasama ang isang bakla. I guess this our head. “Kayon
Last Updated : 2021-10-20 Read more