"Kumusta kayo? Kumusta si Leo? May sinabi na ba ang doctor?" nag-aalalang tanong ni uncle Mario bago lumapit sa kama ni Leo Buntong-hiningang lumapit sa kanila si Mommy. "Wala pang sinasabi ang doctor kaa naman itong si ate... Iyak ng iyak..." sambit ni Mommy at hinimas ang likod ni auntie na hanggang ngayon ay umiiyak habang nakayakap sa gilid ni uncle Mario. Bumuntong-hininga si uncle Mario at hinalikan ang noo ni auntie. "Don't worry, Lei. Maaayos din ang lahat. I'm always here for you no matter what, okay? Kahit mawala na sa'yo ang lahat, nandito pa rin ako..." malambing na sambit ni uncle Mario bago marahang pinunasan ang mga luhang dumadaplis sa pisnge ni auntie. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kaniya. Gaya sa aking alaala... Kung titingnan mo siya ay tila napakamapagmahal niya at walng inisip kun'di ang ikabubuti ni auntie. Mahal na mahal niya si auntie Lei. Ramda
Last Updated : 2022-02-04 Read more