"Ohoy! Anong nawawala?" Gano'n na lamang ang gulat ko nang bigla na lamang sumulpot sa likuran ko ang nakangising si Baron. Kasama niya si Damon na nasa kaniyang tabi at akbay-akbay niya habang si Silvester naman ay nasa kanilang likuran, may kinakain ng turon. Mabilis kong hinampas si Baron sa kaniyang braso. "Saan kayo galing?! Bakit nawala kayo kanina?! Anong ginawa niyo?! Bakit hindi kayo nagpapaalam?!" Sunod-sunod kong tanong kasabay ng pagtambol ng dibdib ko sa pag-aakalang nawawala sila. Bigla-bigla na lamang kasi nawawala. Para saan pa ang mga bibig nila kung hindi sila marunong magpaalam?! "Hey, hey, chill, lady in the forest. Hinanap lang namin chikababes nito. Nakita namin kanina, di'ba?" ngising tanong ni Baron kay Damon. "Ulok," tipid na sagot ni Damon bago inalis ang pagkaka-akbay sa kaniya ni Baron. Hindi naalis ang kaba sa
Last Updated : 2022-01-18 Read more