"Ibang klase ka naman talaga ano Jessie, una, ang daddy ko ang inagaw mo, pangalawa ang mga gamit ko tapos ngayon eto, ang boyfriend ko inagaw mo? Ano pa bang gusto mo? Habang maaga pa ay sabihin mo na para ibigay ko na sa iyo ng kusa!" Galit na galit si Rhian ng sabihin niya ito kay Jessie. Nang tingnan niya ito ay inilagay nito ang mukha sa loob ng dalawang palad at umiyak at sinabing , "Hindi ko sinasadya ate Rhian, hindi ko sinasadya na mahulog ang loob ko sa boyfriend mo. Sinubukan kong pigilan pero hindi ko magawa. Mahal ko si Franco ate," Napakagaling talagang umarte ng babaeng ito sabi ni Rhian sa kanyang isip. Gusto pa sana niyang magsalita pero pinigil na siya ni Franco. "Please, Rhian, sa akin mo na lang ibuhos ang lahat ng galit mo, wag na kay Jessie dahil buntis siya sa anak ko, at pananagutan ko iyon , mahal ko si Jessie, Rhian," Parang gumuho ang mundo ni Rhian nang marinig ang
Last Updated : 2021-10-07 Read more