THIRD PERSON’s POV Habang nakatingin sina Red at Alyana sa paglubog ng araw, pasimpleng in-access ni Red ang tiny vider na nakakabit sa may damit ng dalaga. Alam niyang mayroong ganitong device ang babae simula pa lamang na nandito sila sa hacienda. Alam ni Red na nagmamasid ang hari ng Blood Organization para kay Alyana. Alam niyang totoong magkapatid ang dalawa. Labag man sa loob niyang hindi gawin ang ninanais ni Nathan, hindi niya magawang tumutol. Hindi niya magawang manlaban. Katulad kanina ay mayroong pulang dot ang nasa ulo ni Alyana na kung saan, isang pindot lang doon sa remote na kumokonekta sa dots na iyon, sasabog ang ulo ng dalaga sa harapan niya. Hindi lang iyon, maaring mamatay rin siya sa tatlong segundo lamang kapag hindi niya nagawa ang gusto ng pangalawang prinsipe. Alam ni Red ang taktika para hindi mahalata nina Prince Ke
Last Updated : 2022-01-03 Read more