-Sembrano’s Palace-
Timothy’s POV
“Kung gano’n… sinadyang ipaiwan ako rito ni King? The one and only me? At ang tanging gagawin ko lang daw ay magmanman sa palasyo? Parang… sasagap ng tsismis? Aba matinde!” inihulog ko ang buong katawan ko sa kama. Sobrang dali naman ng pinapagawa sa akin. Basta raw ay umaktong normal lang ako, natural lang na emosyon ang ipapakita ko sa bawat nandito sa palasyo.
Pabor naman sa akin 'yon dahil kahit papaano eh malakas ako makasagap ng balita rito. Yun nga lang, siguradong may nagmamanman din sa akin kaya need ko ng matinding pag-iingat.
Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ibinalita sa akin ni Ken kanina. Sobrang nakakabigla ang mga rebelasyong nangyayari sa buhay ng King. Parang pang telenobela lang!
(Flashback)
-Hacienda Villareal-Ken’s POV“King, anong plano mo at gusto mong isama pa si Alyana?” Sabi ko at patuloy na ine-encode ang mga passcode ng mga device na nakadikit sa bawat dingding ng Hacienda. Nandito pa rin kami kay Access x01 na medyo malayo sa Hacienda para hindi kami mahalata na nag-eespiya kami sa mga Villareal.Bawat nilagay naming Tiny Vider ay may mini round camera. At ngayon ay nakikita namin ang bawat nangyayari doon dahil sa mga screen monitors na naka-organize sa Van na ito na ginawa ko. “May ipapagawa ako sa kanya para mas mapadali ang pagmamanman,” ani ni King saka nag-aasemble ng baril sa tabi ko.Wala na nga pala rito sina Judy Lyn at Floyd. May pinagawa si King kay Judy, iyon ay ang makipagsanib puwersa ang da
Felicity’s POVAgad akong tumungo papalabas ng library at pumunta sa tahimik at walang katao-taong lugar dito sa isang silid. Doon malaya kong kinontak ang isang taong nakakaalam ng lihim ko. Si Dr. Ethan Alonzo—ang taong nagpaanak sa’kin, seventeen years ago. Tumingin muna ako sa buong paligid para masiguro kong walang makakarinig sa’kin bago ko siya kontakin.Kanina pa ako kinakabahan sa mga sinasabi ni Agustin at ni Zylan. Maling-mali na bumalik ang babaeng iyon sa aming pamilya dahil mayroon kaming kasunduan. Kasunduan na kung saan ay three years lang sa amin ang babaeng bata na pinangalanan kong Zyra. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang kasunduang binigay sa akin ng Doctor. Pero noong mawala si Zyra sa puder namin, nabunutan ako ng tinik sa aking konsensya. Alam kong maling-mali ang naidulot kong kasaki
After 3 days…Felecity’s POVLumipas ang tatlong araw na pinag-iisipan kong kitain ang anak ni Ethan na si Nathan. Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalangan sa kanya dahil magpapatulong lang naman ako. Sinabi niya pa sa’kin ang address ng restaurant na pagkikitaan namin. Dumayo pa talaga ako ng Tacloban para lang sa gusto niyang mangyaring pagkikita at sa seguridad na walang makakita sa’min. Pero siguradong kapag nalaman nito na hindi ako tumupad sa kasunduan namin, baka iba ang hingiin nito. Iyan ang kinakatakutan ko. Sobrang pinanghawakan ko ang kasunduan namin at inilihim ko kay Agustin ang halos thirty million pesos na halaga para mabayaran si Nathan at ang tulong na ipinagkaloob nito sa akin, ang kidnapin si Zyra after three years nito sa amin. Pero noong nakipagkasundo ako kay Nathan, hindi ko pa ito nakikita sa personal. Kausap ko lamang i
Grey’s POV“Daizer bakit ka nakatitig sa’kin? *pout* gusto mo bang palit tayo ng mukha?” Totoo nga. Kung oobserabahang mabuti ay malayong-malayo ang mukha ni Yana sa pamilyang Villareal. Napakamisteryoso ng kanyang mapupungay na mata hindi katulad kila Damon na istrikto ang mata kung oobserbahan. At hindi lang 'yan, bakit parang nakita ko na ang mata niya? Hindi ko maisatinig kung kanino at saan ko nga ba nakita ang mata niya eh!“Waaaah! Daizer!” natauhan ako nang biglang sumigaw si Yana.“Ya-yana, anong nangyari?!” hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat niya at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa. Nakatitig pa siya sa akin nang nagtataka saka napahilig ang ulo na parang bata.
-Sembrano’s Palace-Timothy’s POVHimala. Hindi ko nakita rito si Prince Nathan na nagrorotonda na akala mo ay isang CCTV lahat ay nakikita. Nang masiguro kong wala siya sa Palace ay agad akong lumabas ng Bloody Acess Room para tiyempuhin si Knoxx na makausap. Kanina, nakita ko siya sa may North Wing ng Palace kung saan binabatayan niya ang mga nagtetraining sa Bloody Ground. Kahit na ganito na ang mga nangyayari sa palasyo, tuloy pa rin ang mga Bloody Training. Hinahasa pa rin sila kung paano pumatay ng malinis, propesyonal at mabilis. Mag-isip at dumiskarte sa gitna ng labanan.Bawat madadaanan kong Blood Armies ay hindi man lang bumabati sa’kin. Kadalasan kasi anino ko pa lang o kahit hindi ako dadaan sa harapan nila nakayuko na mga ‘yan. Kapag hindi yan mga nakayuk
Third Person's POV-Demitri Incorporation-Ilang araw din na lumipas. Kasunod lang ni Prince Patrick ay biglang nawala si Prince Justin sa Sembrano’s Palace. Ang alam ng iba ay nagbakasyon lamang ito at binabantayan ang kapatid na nasa trauma stage. Katulad ni Patrick ay naatasan si Justin sa isang misyon na hindi alam ng lahat maliban lang kay Arthur dahil siya ang nag-utos rito. Inutusan niya si Justin na bantayan ang Demitri Incorporation, ang bahay ng mga Demitri at ang bawat kilos at kausap ng mga Demitri dahil may posibilidad na nakikipag-tulungan si Nathan rito para maagaw si Alyana sa kamay ng Villareal.“Tang*na. Paano ako makakapasok dito?” bulong ni Justin at napatingin sa bawat gilid kung saan siya makakapasok
Sean's POVNakapahalumbaba ako sa couch na inuupuan ko, nandito kami sa lobby ng isang regional media province na pinuntahan namin ni Senyor. Gaganapin kasi ang okasyon na kung saan ay ipapakilala si Yana bilang Zyra Villareal at dahil gobernador si Senyor malamang na dapat ay may medyang nakaantabay sa malaking event na ito. Kasama namin si Dominic na ngayon ay napapakamot na lang ng ulo dahil sa kaboringan hawak pa nito ang isang magazine. Magkatapat lamang kami. Si Senyor Agustin naman ay nasa may reception area at may kausap na tatlong babaeng may katandaan. Marahil mga kakilalang personalidad sa industriya ng politika.Tiningnan ko pa ang buong lugar ng lobby area. Pansin ko lang, ang daming kalalakihan ang nandito at iilan lang ang mga kababaihang naggagawi rito kasa
THIRD PERSON’s POVHabang nakatingin sina Red at Alyana sa paglubog ng araw, pasimpleng in-access ni Red ang tiny vider na nakakabit sa may damit ng dalaga. Alam niyang mayroong ganitong device ang babae simula pa lamang na nandito sila sa hacienda. Alam ni Red na nagmamasid ang hari ng Blood Organization para kay Alyana. Alam niyang totoong magkapatid ang dalawa. Labag man sa loob niyang hindi gawin ang ninanais ni Nathan, hindi niya magawang tumutol. Hindi niya magawang manlaban. Katulad kanina ay mayroong pulang dot ang nasa ulo ni Alyana na kung saan, isang pindot lang doon sa remote na kumokonekta sa dots na iyon, sasabog ang ulo ng dalaga sa harapan niya. Hindi lang iyon, maaring mamatay rin siya sa tatlong segundo lamang kapag hindi niya nagawa ang gusto ng pangalawang prinsipe.Alam ni Red ang taktika para hindi mahalata nina Prince Ke
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang