All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 771 - Chapter 780

3080 Chapters

Kabanata 771

Nagkagulo ang mga madla, na para bang may naghagis ng granada sa venue.Nagulat ang lahat sa mga pangyayari, at may mga ibang manonoop pa na sumigaw sa takot.Baliw na ba si Ms. Craig? Ilang henerasyong inipon ng pamilya niya ang kayamanan nila! Kahit na si Bonnie ang tanging tagapagmana ng kayamanan ng pamilya Craig, hindi niya dapat nireregalo ito ng basta basta!Higit sa sampung bilyon dolyares ito, hindi ilang daan lang!Bumigay ang mga binti ni Shannon, halos matumba na siya. Ito ba ang nakakagulat na balita na ipinahihiwatig sa kanya ni Bonnie?Sa bagay, nakakagulat nga talaga…Nakatayo si Luna sa entablado. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya.Pinanood niya si Bonnie, na nagpapaliwanag ng rason niya sa kanyang desisyon, at bigla siyang naliwanagan.Ito ang rason kung bakit gusto ni Bonnie na si Luna ang pinaka kahanga-hangang babae sa Banyan City.Habang iniisip na biglang yumaman siya ng sampung bilyon, ito nga talaga ang nangyari, ngunit…Kumunot ang noo ni Luna
Read more

Kabanata 772

Sa katotohanan… Gustong ilipat ni Bonnie ang lahat ng kayamanan niya kay Luna, pagkatapos ay maglalaho na siya ng buo sa mundong ito. Gayunpaman, isang kalmado at matalinong tao si Luna. Alam ni Luna na kapag hindi siya pumayag sa mga kondisyon ni Luna, tatanggihan talaga ni Luna ang pera.Kinagat ni Bonnie ang mga labi niya at nanatili siyang tahimik. Matapos ang mahabang sandali, huminga siya ng malalim at tumawa. “Kung sa tingin ni Luna na masyadong malaki ang pagtanggap niya sa kayamanan ng pamilya Craig at tatanggap lang siya ng isang milyon, papayag ako.“Para sa iba… pag uusapan na lang natin sa susunod.” Pagkatapos, lumingon siya sa isa sa mga abugado niya, na naghihintay lang sa backstage. “Hindi mo na kailangan i-draft ang kontrata. Bigyan mo lang ako ng kontrata para maglipat ng isang milyong dolyar sa ngayon.”Tumango ang lawyer, at pagkatapos ng ilang sandali, nagprint na siya ng kontrata at pinasa niya ito kay Bonnie.Huminga ng malalim si Bonnie at hinila niya si Lun
Read more

Kabanata 773

“Luna…” Patuloy si Bonnie sa panonood niya sa pagbagsak ng shares ng Craig Group at nagsimula na siyang mabalisa.Kahit na wala siya masyadong alam sa finance, alam niya na babagsak na ang Craig Group.Pagkatapos, biglang nagring ang phone ni Bonnie. Ito ay isang tawag mula sa CEO na kinuha niya para sa Craig Group. “Ms. Craig, may malaking problema tayo. May misteryosong tao na inaatake ang kumpanya natin ng sampung minuto na, pero hindi namin alam kung sino.“Hindi lang bumababa ang shares ng Craig Group, nakaranas din ng crash ang IT system ng kumpanya. Nakakatanggap ng walang tigil na tawag ang PR department natin mula sa mga vendor at mga supplier, sinasabi nila na ayaw na nilang makipagtrabaho sa atin…”Patuloy sa pagpapaliwanag ang CEO na parang kung ano ano lang ang naririnig ng tainga ni Bonnie, ngunit naintindihan ni Bonnie ang huling sinabi nito. “Kapag hindi tumigil ang umaatake sa atin, malulugi na ng tuluyan ang Craig Group sa loob ng limang minuto.”Habang hawak n
Read more

Kabanata 774

Tumahimik ang buong venue.Habang nasaksihan ng lahat ang mga kakayahan ni Joshua Lynch, wala sa mga manonood ang may lakas ng loob na pag usapan siya. Sa halip, tumitig sila lahat sa paghanga na ang lalaking ito ay halos ipalugi ang isang kumpanya sa sarili niyang kapangyarihan.Samantala, si Fiona, na nasa tabi ni Joshua, ay humigpit ang mga kamao sa galit.Nasaksihan niya kung gaano kalaki ang kapangyarihan ni Joshua. Hindi lang gwapo at maganda ang asal ng lalaking ito, higit sa lahat, napakalaki ng kayamanan ni Joshua.Ito ang lalaking gusto niyang asahan ng buong buhay, ngunit ang lahat ng ginawa ni Joshua ay para kay Luna…Sumingkit ang mga mata ni Fiona at tumingin siya kay Luna, may bahid ng kasamaan sa mga mata niya.Natapos na ang lahat ng problema ngayon.Umubo ng awkward ang emcee at sinubukan niyang ayusin ang sitwasyon. “Hahahaha! Ang exciting ngayong gabi, hindi ba? Dahil tapos na ang nangyari kanina, simulan na natin ang kasiyahan! Enjoy!”Pagkatapos magsalita,
Read more

Kabanata 775

Humigpit ang mga kamao ni Luna. Gusto niyang maghagis ng bagay sa magkasintahang nakaupo sa harap niya, pinigilan niya ang emosyon niya at sinabi niya, “Salamat sa suporta at paghanga mo, Mr. Lynch.”Pagkatapos, kinuha niya ang baso ng wine na nasa mesa at ininom niya ito habang pinapanood siya ni Joshua, binaba niya ng malakas ang baso at sinabi niya, “Mag enjoy kayo sa party.”“Ah, oo nga pala…” Tumalikod siya at ngumiti siya kay Fiona. “Ms. Blake, binanggit mo na gusto mong matuto sa akin. May sasabihin ako sayo: Sa tingin ko ay hindi mo makukuha ang pagkakataong ito dahil hindi ako tumatanggap ng mga baguhan na tulad mo. Wala kang kahit anong talento, at ayaw mo ring magsikap para dito. Paalam.”Pagkatapos, tumalikod si Luna at naglakad siya palayo.Nanatiling walang kibo si Joshua at pinanood niya ang dress ni Luna na gumagalaw sa bawat hakbang. Pagkatapos, sumingkit ang mga mata niya.“Ayaw talaga ako ni Ms. Luna…” Pinigilan ni Fiona ang pagseselos at pagkamuhi niya kay Luna
Read more

Kabanata 776

Kahit na gusto niyang tulungan si Luna, kailangan pang isipin ni Bonnie ang Craig Group pati ang lahat ng empleyado nito.Hindi niya pwedeng galitin pa si Joshua.Pagkatapos lumabas ng hotel, nagbuntong hininga si Luna at pumunta siya sa kalsada para tumawag ng taxi.Gayunpaman, tila minalas siya ngayong gabi dahil walang kahit isang taxi na dumaan kahit na sampung minuto na siyang naghihintay.Sa huli, may itim na BMW na dumaan sa harap niya. Bumaba ang bintana sa passenger seat, lumabas ang nakangiting mukha ni Jude. “Kailangan mo ng sasakyan?”Tumingin si Luna sa oras. Lagpas 9 p.m. na, at kung hindi siya nakauwi ng mabilis, maghihintay sina Nigel at Nellie ng lagpas sa oras ng tulog nila.Nagdalawang isip siya ng ilang saglit, pagkatapos ay binuksan niya ang pinto at pumasok siya sa backseat.“Ang exciting naman ngayong gabi,” Ang sabi ni Jude habang nakahalukipkip. “Halos nalugi ang Craig Group, ang pangatlo sa pinakamayamang kumpanya, dahil sa pinakamayamang lalaki sa Bany
Read more

Kabanata 777

Ang mga salita ni Luna ay parang galit sa pagkakarinig ni Jude.Kumunot ang noo ni Jude at tumingin siya sa malamig na mukha ng babae mula sa rearview mirror. May gusto siyang sabihin, ngunit tila hindi niya mahanap ang mga salita para dito.Ang relasyon nila Luna at Joshua ay naging komplikado na at hindi na alam ni Jude kung paano niya tutulungan na maging mapayapa ang dalawa.Nagbuntong hininga si Jude at kinurot niya ang noo niya. “Alam ko na iniisip mo na pareho kaming sinungaling ni Joshua, pero may mga bagay na hindi ko pa pwedeng ipaliwanag. Malalaman mo rin ang katotohanan. Hindi ako nagsinungaling sayo.”Suminghal si Luna nang marinig niya ito; halata na hindi siya naniniwala kay Jude.Dumating na ang kotse sa Blue Bay Villa.Huminga ng malalim si Luna, at pagkatapos pasalamatan si Jude, tumalikod siya at lumabas na ng kotse.Pagbukas niya ng pinto, nakita niya na nililinis ni Lily ang bahay habang sinusubukan niya na kumbinsihin ang dalawang batang nakaupo sa sofa na
Read more

Kabanata 778

Tumango si Lily. “Tama po kayo. Kapag lumabas po si Young Master Nigel sa surgery, hindi na po mahalaga kung sinong doctor ang mag aalaga sa kanya.”Lumingon siya para tumingin kay Luna. “Oo nga po pala, Ms. Luna, nakausap ko po si Dr. Rowena ngayong araw, at sinabi niya po na ang taong magdodonate ng bone marrow kay Nigel ay hindi po mula sa Banyan City. Nang malaman po nila na nasa Banyan City si Young Master Neil, agad po silang pumunta para hindi na po maglakbay ng mahabang biyahe si Nigel.“Nung sinubukan ko po na tanungin si Dr. Rowena kung sino ang donor, sinabi niya po na sikreto ito, at hindi niya po ako pwedeng sabihan ng kahit ano. Ms. Luna, sa tingin niyo po ba ay dapat nating alamin kung sino ang donor na ito para bisitahin po natin sila bago ang surgery ni Young Master Nigel? Wala naman po silang hinihinging kapalit, pero pumunta pa po sila sa Banyan City para sa surgery.”Tumigas ang kamay ni Luna na nakahawak sa bowl ng sabaw nang marinig niya ito. “Titingnan ko ang
Read more

Kabanata 779

Hindi nakatulog ng buong gabi si Luna, kaya’t kahit na uminom siya ng sabaw bago siya matulog, masakit pa rin ang ulo niya pag gising niya ng umaga.Gayunpaman, pinilit niya ang sarili niya na bumangon at tumingin siya sa phone niya.May dalawang message mula kay Joshua.[Pinakialaman ni Fiona ang phone ko kanina at mali siya ng send ng message.][Magpanggap ka na lang na hindi mo nakita.]Naramdaman ni Luna na sumakit lalo ang ulo niya. Naramdaman niya na para bang patuloy na tinutusok ng karayom ang ulo niya, nairita na siya dahil sa sakit ng ulo.Hinagis niya ang phone niya sa gilid at pumikit siya, naalala niya ang mga message ni Joshua.Maling send ng message si Fiona at gusto niya na magpanggap si Luna na hindi niya ito nakita,Matalinong lalaki si Joshua, kaya’t ang hula ni Luna ay alam siguro ni Joshua kung ano ang sinusubukang gawin ni Fiona: ipinapakita kung sino sa kanila ang nakahihigit.Gayunpaman, tiniis ni Joshua ang pag uugali ni Fiona, kaya’t anong karapatan n
Read more

Kabanata 780

Ang taong kumuha sa baso ay si Zayne.Tumingin siya sa basong nasa kamay niya, na medyo klaro pa, at ngumisi siya. “Ano ang mangyayari kapag may uminom nito, Ms. Blake?”May balisang ekspresyon sa mukha ni Fiona. Kinagat niya ang labi niya, naging pula ang mga mata niya. “Ibalik mo sa akin ang basong ‘yan.”Suminghal si Shannon. “Ibalik sayo para sirain ang ebidensya?”Pagkatapos, kinuha niya ang phone niya at tinawagan niya ang secretary ni Joshua. “Courtney, papuntahin mo si President Lynch sa design department. Gumawa na naman ng gulo ang girlfriend niya na si Fiona!”Kahapon, sadyang nagbuhos si Fiona ng kape kay Arianna at sinabi niya na sinusubukan ng mga assistant ni Luna na tanggalin siya. Ngayong araw, nahuli siya na sinusubukan lasunin si Luna. Paano niya ito ipapaliwanag? Sasabihin niya ba na gusto ulit ng mga assistant niya na pagbintangan siya?“Shannon…” Nang makita na tumawag si Shannon sa opisina ni Joshua, namuo ulit ang mga luha sa mga mata ni Fiona. “Maliit na
Read more
PREV
1
...
7677787980
...
308
DMCA.com Protection Status