Humigpit ang mga kamao ni Luna. Gusto niyang maghagis ng bagay sa magkasintahang nakaupo sa harap niya, pinigilan niya ang emosyon niya at sinabi niya, “Salamat sa suporta at paghanga mo, Mr. Lynch.”Pagkatapos, kinuha niya ang baso ng wine na nasa mesa at ininom niya ito habang pinapanood siya ni Joshua, binaba niya ng malakas ang baso at sinabi niya, “Mag enjoy kayo sa party.”“Ah, oo nga pala…” Tumalikod siya at ngumiti siya kay Fiona. “Ms. Blake, binanggit mo na gusto mong matuto sa akin. May sasabihin ako sayo: Sa tingin ko ay hindi mo makukuha ang pagkakataong ito dahil hindi ako tumatanggap ng mga baguhan na tulad mo. Wala kang kahit anong talento, at ayaw mo ring magsikap para dito. Paalam.”Pagkatapos, tumalikod si Luna at naglakad siya palayo.Nanatiling walang kibo si Joshua at pinanood niya ang dress ni Luna na gumagalaw sa bawat hakbang. Pagkatapos, sumingkit ang mga mata niya.“Ayaw talaga ako ni Ms. Luna…” Pinigilan ni Fiona ang pagseselos at pagkamuhi niya kay Luna
Kahit na gusto niyang tulungan si Luna, kailangan pang isipin ni Bonnie ang Craig Group pati ang lahat ng empleyado nito.Hindi niya pwedeng galitin pa si Joshua.Pagkatapos lumabas ng hotel, nagbuntong hininga si Luna at pumunta siya sa kalsada para tumawag ng taxi.Gayunpaman, tila minalas siya ngayong gabi dahil walang kahit isang taxi na dumaan kahit na sampung minuto na siyang naghihintay.Sa huli, may itim na BMW na dumaan sa harap niya. Bumaba ang bintana sa passenger seat, lumabas ang nakangiting mukha ni Jude. “Kailangan mo ng sasakyan?”Tumingin si Luna sa oras. Lagpas 9 p.m. na, at kung hindi siya nakauwi ng mabilis, maghihintay sina Nigel at Nellie ng lagpas sa oras ng tulog nila.Nagdalawang isip siya ng ilang saglit, pagkatapos ay binuksan niya ang pinto at pumasok siya sa backseat.“Ang exciting naman ngayong gabi,” Ang sabi ni Jude habang nakahalukipkip. “Halos nalugi ang Craig Group, ang pangatlo sa pinakamayamang kumpanya, dahil sa pinakamayamang lalaki sa Bany
Ang mga salita ni Luna ay parang galit sa pagkakarinig ni Jude.Kumunot ang noo ni Jude at tumingin siya sa malamig na mukha ng babae mula sa rearview mirror. May gusto siyang sabihin, ngunit tila hindi niya mahanap ang mga salita para dito.Ang relasyon nila Luna at Joshua ay naging komplikado na at hindi na alam ni Jude kung paano niya tutulungan na maging mapayapa ang dalawa.Nagbuntong hininga si Jude at kinurot niya ang noo niya. “Alam ko na iniisip mo na pareho kaming sinungaling ni Joshua, pero may mga bagay na hindi ko pa pwedeng ipaliwanag. Malalaman mo rin ang katotohanan. Hindi ako nagsinungaling sayo.”Suminghal si Luna nang marinig niya ito; halata na hindi siya naniniwala kay Jude.Dumating na ang kotse sa Blue Bay Villa.Huminga ng malalim si Luna, at pagkatapos pasalamatan si Jude, tumalikod siya at lumabas na ng kotse.Pagbukas niya ng pinto, nakita niya na nililinis ni Lily ang bahay habang sinusubukan niya na kumbinsihin ang dalawang batang nakaupo sa sofa na
Tumango si Lily. “Tama po kayo. Kapag lumabas po si Young Master Nigel sa surgery, hindi na po mahalaga kung sinong doctor ang mag aalaga sa kanya.”Lumingon siya para tumingin kay Luna. “Oo nga po pala, Ms. Luna, nakausap ko po si Dr. Rowena ngayong araw, at sinabi niya po na ang taong magdodonate ng bone marrow kay Nigel ay hindi po mula sa Banyan City. Nang malaman po nila na nasa Banyan City si Young Master Neil, agad po silang pumunta para hindi na po maglakbay ng mahabang biyahe si Nigel.“Nung sinubukan ko po na tanungin si Dr. Rowena kung sino ang donor, sinabi niya po na sikreto ito, at hindi niya po ako pwedeng sabihan ng kahit ano. Ms. Luna, sa tingin niyo po ba ay dapat nating alamin kung sino ang donor na ito para bisitahin po natin sila bago ang surgery ni Young Master Nigel? Wala naman po silang hinihinging kapalit, pero pumunta pa po sila sa Banyan City para sa surgery.”Tumigas ang kamay ni Luna na nakahawak sa bowl ng sabaw nang marinig niya ito. “Titingnan ko ang
Hindi nakatulog ng buong gabi si Luna, kaya’t kahit na uminom siya ng sabaw bago siya matulog, masakit pa rin ang ulo niya pag gising niya ng umaga.Gayunpaman, pinilit niya ang sarili niya na bumangon at tumingin siya sa phone niya.May dalawang message mula kay Joshua.[Pinakialaman ni Fiona ang phone ko kanina at mali siya ng send ng message.][Magpanggap ka na lang na hindi mo nakita.]Naramdaman ni Luna na sumakit lalo ang ulo niya. Naramdaman niya na para bang patuloy na tinutusok ng karayom ang ulo niya, nairita na siya dahil sa sakit ng ulo.Hinagis niya ang phone niya sa gilid at pumikit siya, naalala niya ang mga message ni Joshua.Maling send ng message si Fiona at gusto niya na magpanggap si Luna na hindi niya ito nakita,Matalinong lalaki si Joshua, kaya’t ang hula ni Luna ay alam siguro ni Joshua kung ano ang sinusubukang gawin ni Fiona: ipinapakita kung sino sa kanila ang nakahihigit.Gayunpaman, tiniis ni Joshua ang pag uugali ni Fiona, kaya’t anong karapatan n
Ang taong kumuha sa baso ay si Zayne.Tumingin siya sa basong nasa kamay niya, na medyo klaro pa, at ngumisi siya. “Ano ang mangyayari kapag may uminom nito, Ms. Blake?”May balisang ekspresyon sa mukha ni Fiona. Kinagat niya ang labi niya, naging pula ang mga mata niya. “Ibalik mo sa akin ang basong ‘yan.”Suminghal si Shannon. “Ibalik sayo para sirain ang ebidensya?”Pagkatapos, kinuha niya ang phone niya at tinawagan niya ang secretary ni Joshua. “Courtney, papuntahin mo si President Lynch sa design department. Gumawa na naman ng gulo ang girlfriend niya na si Fiona!”Kahapon, sadyang nagbuhos si Fiona ng kape kay Arianna at sinabi niya na sinusubukan ng mga assistant ni Luna na tanggalin siya. Ngayong araw, nahuli siya na sinusubukan lasunin si Luna. Paano niya ito ipapaliwanag? Sasabihin niya ba na gusto ulit ng mga assistant niya na pagbintangan siya?“Shannon…” Nang makita na tumawag si Shannon sa opisina ni Joshua, namuo ulit ang mga luha sa mga mata ni Fiona. “Maliit na
Tumapon kay Luna ang pintura na nasa easel. Nasugat ang braso niya dahil sa mga bakal na gamit sa tabi nito.May manipis at mahabang sugat na lumabas, tumulo ang dugo dito.Lumaki ang mga mata ni Shannon. Bumukas ang bibig niya para magsalita, “Director Luna, kayo po ay….”“Ayos lang ako.”Lumingon si Luna at kinuha niya ang piraso ng tissue paper para punasan ang dugo sa braso niya. Tumingin siya kay Joshua, na siyang buhat si Fiona habang nakatingin ng masama sa kanya.Ngumiti si Luna.Nasaktan man si Fiona o may ginawa man ang mga tao ni Luna sa kanya, hindi ito alam ni Joshua.Nabangga siya ni Joshua, at nasaktan siya.Gayunpaman, hindi ito napansin ni Joshua. Ang mga mata niya ay nakay Fiona lamang.Ngumiti si Luna at tumingin siya kay Joshua ng may panlalait.“Mr. Lynch, ano sa tingin mo ang magagawa namin kay Ms Blake?”Hindi mapigilan ni Joshua na kumunot ang noo niya sa panlalait ni Luna. Yumuko siya at tumingin siya kay Fiona na nasa bisig niya, maamo ang boses ni
Paano nila malalaman na papasok si Fiona sa opisina ni Luna ng ganito kaaga dahil gusto niyang maglagay ng mga bitamina sa tubig ni Luna?“D-Dahil… Dahil kahapon ang unang araw ng trabaho ko, at hindi masama ang mga nangyari kasama si Ms. Luna.”Sa ngayon, si Fiona—na nahihirapan magsalita kahina sa sobrang sama ng loob—ay nagsalita na rin.Medyo mahina pa rin ang boses niya, at tila nanginginig pa ito nang sabihin niya, “Gumigising ako ng masakit ang ulo kapag hindi ako uminom ng kahit ano para gumaling ako pagkatapos uminom ng alak. Akala ko na dahil mga babae kami, ganun din ang gagawin ni Ms. Luna.”“Kagabi, pagkatapos uminom ng alak, nagpakulo ng sabaw si Joshua para sa akin, pero baka walang nag aalaga kay Ms. Luna ng ganito.”Kinagat ni Fiona ang mga labi niya, at malambing talaga ang boses niya. “Kaya’t naisip ko na palihim na gumawa ng bagay para kay Ms. Luna, para bigyan siya ng mga bitamina para hindi na maging masama ang pakiramdam niya…”Hindi mapigilan ni Luna na su
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya