All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 2621 - Chapter 2630

3080 Chapters

Kabanata 2621

“Mula sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi mo na kailangan ng tulong ko para sumaya ka.” Nagawa ni Gwen na pakalmahin ang kanyang sarili. Walang may alam kung bakit, pero mas gumanda ang kondisyon niya pagkatapos malaman nila Luna at Bonnie na pumanaw na si Luke. Sa nakalipas na buwan, nagrereklamo siya tungkol kay Luke. Sinabi niya isang walang puso si Luke dahil hindi siya binisita nito. Gayunpaman, pagkatapos malaman ni Luna na pumanaw na si Luke, hindi niya na ulit narinig na sinabi ito ni Gwen. Ito ay para bang nalaman ni Gwen kung bakit hindi na babalik si Luke, ngayon wala namang nagsabi sa kanya ng rason, kaya’t hindi niya malalaman ang tungkol dito. Base sa pag uugali niya, hindi siya magiging kalmado kapag nalaman niya ito. Habang iniisip ito, tumingin si Luna sa nakangiting si Gwen. Ang tanging rason kung bakit naisip niya ang mga pagbabago ni Gwen ay dahil sa puso ni Luke. Baka… Hindi gusto ni Luke na malungkot si Gwen, kaya’t gumaling ng mabuti si Gwen. “Sige, ma
Read more

Kabanata 2622

Ito ay ang boses ni Luke! Sa mga sandaling ito, naramdaman ni Gwen na para bang tumigas ang katawan niya at nararamdaman niya na nanginig ang katawan niya. Ito ay ang boses na naririnig niya sa panaginip niya bawat gabi, at naisip niya pa minsan na imahinasyon niya lang ito nang marinig niya ulit ito. Ang lalaking nasa likod niya ay nagsalita ulit, “Pero ayos lang kung ayaw mo ito. Pwede tayong bumili sa ibang lugar.” Pakiramdam ni Gwen ay para bang mabilis na dumaloy ang dugo niya sa utak niya. Kinagat niya ang labi niya at tumayo siya. May magkasintahan na umalis sa likod niya. Ang lalaking ay nakaakbay sa babae habang umaalis sila sa ng tindahan. Ang katawang ito, hindi ito kamukha ni Luke. Gayunpaman, tumakbo siya papunta sa pinto, wala siyang pakialam kung ano ang itsura niya, hinarangan niya ang magkasintahan na parang isa siyang baliw, tinaas niya ang mga kamay niya sa gilid. “Sino ka?” Kumunot ang noo ng babae habang nakatingin siya ng nalilito kay Gwen. Ang lal
Read more

Kabanata 2623

“Hindi ko gusto ang pares ng sapatos na ito.” Sumandal si Kate sa braso ng lalaki habang nakatingin siya ng masaya. “Pero, kung sa tingin mo ay maganda ito, maganda siguro ito!” Ngumiti ang lalaki at pinisil niya ng malambing ang ilong ni Kate. Habang nakayuko siya, nakita niya na ang sales attendant ay hinihimas ang likod ng babaeng nakaupo sa sahig. Hindi niya makita ang mukha nito, ngunit kumunot ang noo niya nang makita ang payat na katawan nito. Tumingin si Kate sa direksyon kung saan nakatingin ang lalaki kay Gwen, ngunit hindi niya nakilala si Gwen. Tinikom niya ang labi niya at tinaas niya ang kamay niya para takpan ang mga mata ng lalaki. “Wag kang tumingin sa ibang babae!" Ngumiti ang lalaki at tumingin siya sa harap. “Sige na, selosa ka talaga.” Tumunog ang nakakaakit na boses niya sa kalsada. Masayang sumandal si Kate sa braso ng lalaki. “Kung ganun, hindi ka na dapat pala maging sobrang gwapo! Sasabihin ko sa tatay mo na ganapin na natin ang kasal sa madaling panah
Read more

Kabanata 2624

Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya sa TV. Si Kate ito. Ang mukha ng babae ay klaro mula sa litrato sa TV habang ang mukha ng lalaki ay malabo. Sino pa ba ang babaeng ito kundi si Kate? Bukod pa dito, paulit ulit na binanggit ng report ang ‘pinakamatandang young miss ng pamilya Miller’, kaya’t si Kate dapat ito. Sigurado si Gwen dito. Tinikom ni Luna ang mga labi niya at tumingin siya kay Gwen. “Sa simula pa lang, gusto mo pa siyang…” Hindi tinapos ni Luna ang pangungusap niya dahil napagtanto niya na hindi niya dapat banggitin si Kate at Luke sa harap ni Gwen. “Hahayaan ko siya na pumalit sa pwesto ko at makasama si Luke, para magkasama na sila?” Tumingala si Gwen at tumingin siya kay Luna. “Iniwan lang ako ni Luke, ‘yun lang. Mabubuhay pa ako. Hindi mo kailangan mag ingat.” Pagkatapos, ngumiti siya ng maliwanag. “Hindi ako ganun kahina.” Ngumiti siya na parang hindi ito isang problema. Ang taong umiyak habang nakaupo sa sahig sa mall ay hindi siya. Gumaan na an
Read more

Kabanata 2625

Kahit na malabo ang mukha ng lalaki, kuminang ang kagandahan ni kate sa bagong litrato. Halata rin ang kaligayahan sa kanyang mukha. Kumunot ang noo ni Gwen. Mula sa anggulo ng litrato, naisip niya na medyo pamilyar ito. Mula sa anggulo na ito, kitang kita niya na ang lalaki na yumayakap kay Kate ay pareho ng tangkad at katawan ni Luke. Kahit na hindi niya nakikita ang mukha ng lalaki, alam ni Gwen na ang katawan at pagkilos ng lalaki… ay pareho kay Luke. Tumitig siya ng ilang sandali sa TV bago niya ito pinatay. Ito ang rason kung bakit hindi mabigat ang loob ni Kate noong pumanaw si Luke; nakahanap siya ng kapalit at wala na ang kalungkutan niya sa pagkawala kay Luke. ‘Paano naman ako?’ Nagbuntong hininga si Gwen at nilabas niya ang kanyang phone. Binuksan niya ang Tweeter account na hindi niya pinansin ng matagal na panahon. Nagpost siya ng selfie ng sarili niya habang naglalakad siya sa niyebe ngayong araw at may nakalagay na caption dito. [Dalawang buwan na ang lumipas.
Read more

Kabanata 2626

Isa itong gabi na mahimbing ang pagtulog.Ngayong umaga sa pangalawang araw, may taong kumatok sa pinto ng kwarto nila Luna at Gwen. Sa mga sandaling ito, busy si Luna sa pagluto ng agahan sa kusina habang pinaplano ni Gwen ang mga dadaanan nila ngayong araw.Nang marinig ang mga katok, ang hula ni Gwen ay si Joshua ito. Kaya naman, tumingin siya sa busy na babae sa kusina. “Uy, ikaw na ang magbukas ng pinto.”Tumigil si Luna sa paghihiwa ng gulay at tumingin siya kay Gwen, na siyang nakaupo sa sofa. “At bakit ko naman dapat buksan ang pinto?” Ito ang tanong niya kahit na papunta siya sa pinto.“Dahil baka hinahanap ka ng taong ‘yun,” Ang sabi ni Gwen ng hindi lumilingon. “Gaano katagal mo na bang kasama si Joshua? Bakit pareho kayong malambing pa rin sa isa’t isa?”Tinikom ni Luna ang mga labi niya at binuksan niya ang pinto. “Paano mo nalaman na si Joshua ito?”Nang matapos na siya sa pagsasalita, may tumunog na seksi na boses ng lalaki mula sa pinto, “Bakit hindi pwede maging
Read more

Kabanata 2627

“Oo.” Huminga ng malalim si Yannie at naglakad siya papasok ng kwarto, tumayo siya sa harap ni Luna. “Masaya ako na makita ka dito. Sinabi ni Mr. Lynch na maglilibot kayo ngayong araw. Pwede ba akong sumama?”“Syempre.” Si Gwen, na siyang kakatapos lang gumawa ng plano para sa lakad, ay tumingin kay Yannie. “Medyo boring kung dalawa lang kami. Gusto namin na sumama ka kung may oras ka.”Tumingin ng mapagpasalamat si Yannie kay Gwen. “Salamat.”Dahil hindi sila malapit ni Gwen sa isa’t isa, konti lang ang alam niya tungkol kay Gwen. Habang nakatingin siya sa babae na nawalan ng minamahal na mukhang masaya at puno ng buhay, biglang naisip niya na hindi na masama ang sitwasyon nito.Kumain silang apat ng agahan ng magkakasama, at umalis na si Joshua pagkatapos. Tutal, kailangan niya pa rin makipagkita kay Thomas para gumawa ng plano para talunin ang pamilya Howard. Samantala, nagsimula nasina Luna at Gwen na maglibot ng Saigen City kasama si Yannie.Noong umaga na ‘yun, pumunta sila
Read more

Kabanata 2628

Habang kinakagat ang kanyang labi, kinuha ni Yannie ang mga skiing pole niya at umalis siya. Hindi ito ang unang beses na nakita niya na mayabang si Denise. Noong wala sa bahay si Thomas noong isang araw, inimbitahan ni Mrs. Howard sa bahay at pumunta si Denise.Sa mga oras na ‘yun, walang kahit sino ang humadlang sa kanya. Kahit si Mrs. Howard ay mapagkumbaba sa harap niya. Si Yannie, wala siyang alam sa mga oras na ‘yun, sumunod siya sa pagtrato kay Denise ng may respeto, ngayon at ganito ang ginagawa ng ito.Kasabay nito, naaalala niya na hindi isang mabait na tao si Denise at hindi siya isang tao na dapat labanan. Ngayon at nagkita sila sa ski resort, ayaw niyang gumawa ng gulo, lalo na at nandito sina Gwen at Luna.“Aalis ka na?” Ngumisi si Denise nang makita niya na tumalikod si Yannie. Humalukipkip siya habang nakatingin siya kay Yannie ng masama. “Kung natatakot ka sa akin, bakit may lakas ng loob ka para akitin ang lalaki ko?”Nang matapos na siya magsalita, may isang baba
Read more

Kabanata 2629

“Hindi pa huli ang lahat para humingi ka ng tawad sa akin ngayon!” Ang galit na sinabi ni Denise.“Ako, hihingi ng tawad sayo? Managinip ka!” Sumingkit ang mga mata ni Gwen at elegante siyang naglabas ng kutsilyo mula sa bulsa niya.Ito ay isang matalim na army knife na kayang humiwa ng maraming bagay na hindi kayang hiwain na isang ordinaryong kutsilyo. Bukod pa dito, custom-made ang kutsilyo na ito. May isa lang na ganito sa buong mundo, at ito ay kay Luke.Nang subukan ni Luke na turuan si Gwen para protektahan ang sarili nito, binigay niya ang kutsilyo kay Gwen. Naisip dati ni Gwen na ibabalik niya ito kay Luke kapag iniwan niya si Luke, ngunit… mukhang habang buhay nang nasa kanya ito.Lumaki ang mga mata ng katulong ni Denise at sinabi nito ng mababang boses, “May kutsilyo po siya!”Gumulong ang mga mata ni Denise. “Ano naman? Hindi naman ito ang custom-made knife na meron ang kapatid ko. Ano ang espesyal dito?”Pagkatapos, tumingin siya kay Gwen. Nang makita niya ang kutsi
Read more

Kabanata 2630

“Sigurado ako na ang kutsilyo mo ang peke.” Sumingkit ang mga mata ni Denise habang utmingin siya kay Gwen. Pagkatapos, tumingin siya kay Luna, na siyang lumalapit sa kanila mula sa likod, at ngumiti siya ng mapanglait. “Pinapaalala ko lang sayo dahil kaibigan ka ni Mrs. Lynch. Kung kaya mo maging kaibigan sa isang taong tulad niya, ‘wag kang magdala ng pekeng kutsilyo para ipahiya ang sarili mo.”Sa huli, hindi niya nakalimutan na tumingin kay Yannie. “Hahayaan kita ngayong araw, pero tandaan mo ito: ‘wag ka na ulit magpapakita sa harap ko!”Pagkatapos, umalis na siya kasama ang katulong niya.Nanatiling nakatayo sa lugar si Yannie habang pinapanood niyang umalis si Denise, nagbola ng mahigpit ang mga kamao niya.Gumulong ang mga mata ni Gwen at itinabi niya ang army knife. Nilagay niya ang kamay niya sa balikat niYannie. “Paano mo nakilala at nagalit ang ganitong klaseng mga tao?”Itinikom ni Yannie ang mga labi niya. “Kasi…”“Ano ang nangyari?” Tumayo si Luna sa tabi nila Gwen
Read more
PREV
1
...
261262263264265
...
308
DMCA.com Protection Status